Chapter 1: Coming Home

8 0 0
                                    

I turned off the ignition. Tumingin ako sa bintana. Nakikita ko na ang isang yellow building na pinagiistayan nila ngayon para sa kanilang business retreat. Kinakabahan ako, makikita ko  na ulit siya. Excited too, makikita ko rin ang bestfriend kong partner rin sa startup company niya.

Ano bang ginagawa ko dito? I asked myself. Mamamasyal ka lang naman, matagal mo na silang hindi nakikita. Si Leslie, andito ka para kay Leslie, yung bestfriend mong miss na miss mo na.

Excuses, sabi naman ng isa pang Amanda sa subconscious ko. Nagpunta ka dito para lang makita mo siya ulit.

Mahilo hilo pa ko galing sa 30 hour flight galing Canada kahit noong isang araw pa ko dumating. Napailing ako. Iba talaga ang layo ng lugar na yon.

Binaba ko ang visor. I looked at myself in the mirror and checked my day make up. Okay na, papasa naman.
Napahinga ako ng malalim, lumabas ako ng kotse at naglakad palapit sa pintuan.

Nakabukas na konti ang malaking kahoy na pinto kaya tinulak ko na lang. Pagtingin ko sa loob nakita ko silang nakaupo sa lamesa.

"Hi!" Bati ko sa kanila. "Leslie!" Sigaw ko habang naglalakad palapit sa kaniya. Sinalubong naman nya ako ng yakap. "Amandaaa! I missed you so much! Oh my god andito ka na talaga!" Sabay kaming tumawa habang niyakap ko siya pabalik.

Ugh, I can't focus. I can already see him in the background. He's wearing a navy colored shirt. Napaangat siya ng tingin galing sa laptop niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Amanda, focus!

"Hi Amanda! Kamusta?" Bati sakin ng mga dati kong kaibigan na andito rin.
"Leo, okay naman. Na-miss kita ha! Ikaw?"
"Ayos naman" Nakangiting sagot niya. "Sa Baguio pa rin ako ngayon, last year ko na sa college, invited ka sa graduation ko ha."

"Kung gragraduate nga!" Singit ni EJ. "Ayan kasi shift ng shift. Lahat tuloy kami graduate na, siya na lang hindi." Asar niya. Kahit kailan talaga 'to lalaking to lakas mambully. Siniko naman siya ni Leo.

Napatingin ako sa kaniya. Nagiwas naman siya ng tingin at bumalik sa pagtatype. His shoulders turned stiff. At parang lahat ng taong nasa kitchen sabay sabay na naalalang mag-ex nga pala kami. Awkward.

"Sige tulungan lang namin sila manong magbuhat ng mga gamit papasok." Paalam sakin ni EJ habang naka-akbay kay Leo.

I waved them off. "Sige lang", sagot ko. Hinila ako ni Les at pinaupo. I sat next to her on the edge of table, I left a seat between me and him. I don't know why I'm scared. Maybe because I can feel his anger just radiating off of him? I suddenly felt cold.

Inabutan niya ako ng waffles at plato. "Oh kumain ka na ba? Here have some. Medyo late na nga kami nakapagbreakfast. Late kami nagising pano ang haba ng biyahe papunta dito galing probinsya. Ang lakas ng ulan kagabi!" Kwento niya sa akin.

"Talaga? Buti naman nakarating kayo ng maayos. At saka tignan mo oh," turo ko sa labas, "ang lakas na ulit ng araw." Tumingin naman siya. "Oo nga, maganda yan at marami kaming matatapos today."

"Oh yeah, how's the business going?" Tanong ko. "It's going great actually! Nag open kami ng mga local café at waffle houses sa area na 'to kasi we're targeting students, and you know that's all they can afford for now like we did back then in college." Tawa niya.

"Itong si Jake walang ginawa kung hindi magtrabaho", sabay tungo sa kaniya, "napaka-workaholic, pero syempre kung wala siya, we won't all be here. He's the one running the show."

I nodded. "That's good to hear. Let me know if you still need more investors, me and some of my other friends are looking for business options."

"Pagdating sa ganyan si Jake ang kausapin mo, you know since he's the owner and everything." Sabay kindat sakin. I rolled my eyes at her, loko-lokong to. "Anyway, I'll leave you to it. Mag-usap naman kayo. Masyado kayong tense! Hay." Nooo. Nilakihan ko siya ng mata. Take the hint, take the hint! "Susunod ako kela EJ, baka kung ano ano na naman ginagawa ng mga 'yon." Sabay walk-out.

Remind me again why she's my best friend?

I turned to him. Kami na lang pala ang tao dito, hindi ko man lang napansin. I exhaled, daldal kasi ni Leslie.

"Hey you," bati ko sa kaniya. I take a good look at him. I can't help but stare at his arms. He was buff then but he's bigger now. That shirt compliments his body so well, it even makes his shoulder broader than it already is.

"Hey." He replies. Tumingin siya sa akin. I tried to find any hint of emotion on his face but there was none. He always played better than me in this game. "You didn't have to come back. In fact, we almost forgot that you existed. So what the fuck are you doing here?"

I felt a stab through my heart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon