Prologue

300 6 0
                                    

"You know bitch ! Kung ako sayo aalis na ako sa school na 'to !"

"Hindi bagay ang mahihirap na gaya mo dito ! Dahil nangangamoy basura sa tuwing nakikita ka namin !"

"Palibhasa sa maruming lugar nakatira ! Inshort mabaho !"

Ilan lamang 'yan sa mga pinagsasabi nila sa akin... Bata pa lamang ako lagi na akong nilalait dahil sa itsura kong 'to. Nasunog ang aking mukha dahil sa isang aksidente at nag iwan ito ng peklat dahilan upang laitin nila ako.

"Look who's here ! Isang babaeng halimaw na sunog ang mukha !" Pang aasar sa akin ni Samantha.

"Samantha please kahit ngayon lang tantanan nyo muna ako... Pa birthday gift mo na lang sa akin" Pagmamaka-awa ko.

"Guys ! Narinig nyo 'yun ? Birthday niya daw ! Kaya naman batiin natin siya at bigyan ng regalo !" Sigaw niya sa buong canteen dahilan upang maagaw niya ang atensyon ng lahat.

"Happy birthday Xeirain ! I hope na mas lalo kapang pumangit ! HAHAHAHA !" Tawa ni Carissa na kaibigan ni Samantha.

"At dahil birthday mo ! Simulan na ang party !" Sigaw ni Jewel isa din siya sa kaibigan ni Samantha.

Naghiyawan ang lahat ng tao sa canteen. Napayuko na lamang ako dahil alam kong may gagawin na naman silang hindi maganda lalo na ang grupo ni Samantha. Lumapit siya sa akin at kinuha ang isang basong tubig at binuhos sa ulo ko.

"So ito yung una kong regalo... Isang basong tubig para naman maligo kana ang baho mo kasi !" Pang aasar niya sa akin.

Sunod na lumapit si Carissa...

"At ito naman ang arina ! Para naman matakpan yang peklat mo sa mukha !" Natatawang sabi ni.

At ang huli ay si Jewel na may hawak na itlog...

"At panghuli ay itlog dahil amoy malangsa ka !" Pang-aasar niya.

Hinampas ni Jewel sa ulo ko ang itlog dahilan upang makaramdam ako ng sakit at tumulo ang itlog sa aking uniporme. Kasama ang tubig at arina na ibinuhos sa akin ni Samantha at Jewel. Aalis na sana ako ng bigla akong harangan ni Carissa...

"Hep hep hep ! Saan ka pupunta ?... Kala mo tapos na kami ? Wag kang excited may isa pa kaming surprise sayo !" Sabi ni Samantha.

Naka yuko lamang ako habang pinipigilan ko ang luhang dadaloy sa aking mukha. Ayokong makita nila akong mahina dahil alam kong mas lalo nila akong lalaitin at mas lalo nila akong aapihin kapag nakita nilang mahina ako.

"Ok guys get ready because the party is ready to begin !..." Sigaw ni Jewel at naghiyawan ang lahat ng estudyante sa canteen.

Mas lalo nila akong pinalibutan yung tipong wala akong matatakasan. Nakita ko na may hawak silang pagkain at yung iba naman may hawak na inumin...

"Pagbilang ko ng tatlo sisimulan na natin ang party !... In 3... 2... 1... Go !" Sigaw ni Carissa.

At sinimulan na nila akong batuhin ng kung anu ano. Napa yakap na lamang ako sa aking sarili at doon tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Kung anu anong bagay na ang tumatama sa akin katulad ng plastic bottles at papel.

Napa kuyom na lang ang aking kamao...

"Ipinapangako ko ! Makakaganti ako sa inyong lahat at lalong lalo na sa grupo mo Samantha Cruz !" Sabi ko sa aking sarili.

Hindi ko inaasahan na hanggang sa pagtungtong ko sa Senior High School ay ganito parin ang mararanasan ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanila at hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanila.

Isa lang ang alam ko ayaw nila sa itsura kong 'to dahil isa daw akong halimaw na babaeng may peklat sa mukha.

"Tapos naba kayo ? Dadaan kasi ako... Mga perwisyo" Sabi nito habang naka lagay ang kanyang kamay sa magkabilang bulsa.

Naagaw ang kanilang atensyon kaya agad naman silang tumingin sa direksyon nito. Nagkaroon ng bulungan sa paligid mistulang kilala siya sa Academy na 'to.

Sino kaya ang lalaking 'to ?...

...

This is my 2nd story I hope na magustuhan nyo guysue.

Don't forget to vote and comment

-Author Na Cute

When Ugly Turn's Into Beautiful LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon