Hindi na ako nakatulog dahil sa nangyari kanina malapit ng lumitaw ang araw at naririnig ko na ang mga tilaok ng manok. Pinagmasdan ko si Manang Victoria na mahimbing na natutulog.
"Salamat dahil kinupkop nyo ako, dahil kung hindi sa bahay ampunan o di kaya sa kalsada ako lumaki" Sabi ko at agad akong dumungaw sa bintana upang pagmasdan ang buong paligid.
"Mama.. Papa.. Sana masaya na kayo dyan, wag kayong mag-alala magiging matapang ako at hindi susuko !" Masayang sabi ko habang nakatingin sa kalangitan.
Hindi na ako dinalaw ng antok kaya naman naisipan kong linisin ang carinderia para pagbukas nito ay magandang tingnan.
Tumingin ako sa salamin at itinali ang aking buhok na mahaba kita ko ang peklat sa aking mukha hindi naman 'to kalakihan pero ewan ko ba kung bakit sila masyadong mapanglait sa akin.
Bumaba na ako ng hagdanan pagbaba ko agad kong kinuha ang mga kakailanganin ko sa paglilinis nitong carinderia. Si Manang Victoria at ang kanyang asawa ang nagpundar nito.
Syempre bilang kapalit tumutulong ako sa kanila. Ako ang namamalengke, nagkakahera, nagliligpit ng pinagkainan ng costumer at minsan tumutulong sa pagluluto. May katulong naman kami ni lola sa pagpapatakbo ng carinderia na 'to.
Nagsimula na akong maglinis, walis dito walis doon, kuskos dito kuskos doon, punas dito, punas doon. Lumipas ang isang oras tingnan ko ang buong paligind kong malinis na.
"Ayan ! Malinis na malinis na.. Kakailanganin na lang namin maghanda ng lulutuin para mamaya sa tanghalian" Sabi ko sa aking sarili habang pinapagpagan ang aking damit.
Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa aking direksyon. Sumalubong sa akin si Manang Victoria habang nag uunat 'to ng kanyang katawan.
"Aba, ang aga mo ata magising Xeirain.. Nakakamangha ang linis nitong carinderia samantalang kagabi mukha 'tong luneta park dahil sa mga customer natin" Sabi niya.
Nang masiguro kong maayos na ang lahat nag simula na kaming kumain ng almusal para pagtapos nito ay mamalengke na ako.
"Xeirain !.. Xeirain !.." Sigaw nito kaya agad kong hininto ang kinakain ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin.
Napaka aga naman ata niya para sumigaw at sa tapat pa talaga ng carinderia namin. Nang makita ko kung sino ang sumisigaw agad na lang akong napasampal sa sarili kong noo.
"Ohh ?.. Bakit ang aga aga eh sumisigaw kana dyan !?" Taas kilay kung tanong sa kanya.
Agad naman siyang lumapit sa akin at tumambad sa akin ang lawak ng kanyang ngiti na lalong ipinagtaka ko.
"Hoy ! Alyanna pwede bang wag kang ngumiti ng ganyan natatakot ako sayo eh, malayo pa ang halloween para ngumiti ka ng ganyan" Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso at ayan mas lalong lumawak ang ngiti niya. Natatakot na ako sa babaeng 'to.
"Alam mo ba yung Luxerborg University ?.. Dyan malapit sa Makati ?.." Tanong niya.
"Oo bakit ?.. Isang sakay lang yun dito, at anong meron sa Luxerborg University na yun ?" Taas kilay kong tanong.
"May pa entrance exam sila bukas !.. Kaya naman maraming estudyante ang pupunta at kukuha ng exam !" Masayang sabi miya sa akin.
What ! Totoo ba ang narinig ko ? May pa entrance exam sila bukas ?!!! OMG nanaginip ba ako ? Wahh ! Ang Luxerborg University ay isa sa pinakasikat at kilala sa buong pilipinas dahil sa sobrang ganda ng kalidad ng pagtuturo dito at hindi lang yan mahirap makapasok sa University na yun dahil bukod sa matalino ka kailangan ay may pera ka din. Napaka laki ng tuition fee doon...
BINABASA MO ANG
When Ugly Turn's Into Beautiful Lady
Teen FictionThe ugly can be beautiful, it is not the basis of appearance to judge a person. Look at the good behavior of the person rather than the appearance...