"Kuya..."
"Ano na naman ba kasi ang problema, Storm? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin tayo mag momove- on?"
Alam kong galit siya.
"Kuya, mahal ko si Aeron. Alam mo naman yun di ba?"
"So, dapat bang idamay ang trabaho dahil lang sa hindi ka niya mahal at ikakasal na siya sa iba? Napaka unprofessional mo —"
Naiinis akong tumayo mula sa kama. Kanina niya pa ako sinusumbatan o pinapagalitan. Kahit minsan hindi niya ako maiintindihan kasi magkaiba ang sitwasyon namin. Though, nakulong siya at nahiwalay sa anak niya noon pero hindi niya nararamdam itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Magkaiba ang sitwasyon namin.
Aeron still hates him.
"Torm, kahit para sa akin nalang. Malapit naman nang uuwi si Nicolas, siya ang papalit sayo doon."
I rolled my eyes on him. Ang bata pa ni Nicolas para sa trabaho ko. Pero hinding hindi na ako babalik doon. Mas maiging uuwi na ako sa amin.
"Ikaw naman ang nagpumilit sa trabahong yun di ba?"
Hindi ko alam ang huling nangyari kagabi, basta ang natatandaan ko ay iyak ako ng iyak. Nakatingin lang noon sa akin si Dem. Wala naman akong pakialam kung pagtatawanan niya lang ako.
"Storm."
Nayamot ako sa kakatawag ni kuya.
"Ayoko na nga."
Nagakatitigan kaming dalawa.
Biglang pumasok sa isipan ko ang pangyayari noon mga bata pa kami. Bogbog sarado si kuya na kagagawan naman ni Aeron. Natandaan kong halos patayin din siya ni Tito Thor dahil sa nangyari kay Ate Zamien. Nakulong din siya noon dahil sa kasong rape kay ate Zam. Nawalay siya sa anak niya na si Nicolas dahil nasa kulungan siya. Ni hindi niya nga nagisnan ang paglaki ni Nicolas dahil hindi niya alam na nabuntis niya si ate Zam noong mga bata pa kami. Nung time naman na nakalaya siya ay galit na galit sa kaniya si Ate Zam. And then, dumating si Bethany, anak niya sa isang dati niyang nobya. Bethany can't speak back then.
Ano bang karapatan kong ikumpara ang sarili ko sa kaniya? Ni wala sa kalingkingan ang pinagdaan ko sa kaniya.
"Not now, please." He said with a low tone.
I sigh.
"Eh, paano kung andoon na naman yung Darling? Siya naman talaga itong nag umpisa ah!"
Tumayo ako at kumuha ng saging na nasa ibabaw ng counter. Nilantakan ko iyon hanggang sa maubos.
"Miss Anotonio was our biggest investor. Hindi ko alam kung ano pa ang plano ni Aeron, alam mo naman yun hindi pa rin ako kinikibo. Ang alam ko ay may kailangan lang si Ron sa kaniya."
Umirap ako. Edi, ptang ina niya.
"Fine. Pero kapag ako inulol na naman ng babaeng yun talaga —-"
"Thank you, Torm!"
I hugged and patted his back. I'm sorry kuya.
—————
"Ser Dimon! Pinapatawag niyo raw po ako? Baket?"
YOU ARE READING
Madman's Fall
General FictionMga kwentong pinagdugtong sa isang libro. Maaring bisitahin lamang po ang iba pang kwento ni ATE BATCH. Read at your own risk. --------------- A series of Ate Batch's stories.