One Shot

53 4 0
                                    

Tawa, kilig, iyak... Halo-halo ang nadarama. Hindi maipaliwanag na pagtibok ng puso at kaba. Malamig na pakiramdam. Selos na wala sa lugar. Yan ang hhirap kapag in-love ka! Hindi ko maintindihan. Anlabo. Nakakaaliw. Nakakagiliw. Nakakabaliw. Mahal mo siya. May mahal siyang iba. Pareho kayong nagpapakatanga. Bakit hindi nalang kayong dalawa?

Ako nga pala si Bogart, isang matipunong lalake, marespeto sa babae ngunit hindi ako pinagpala na maging gwapo at matalino. Iilan lang to sa aking mga katangian. Apag ako’y dumadaan sa amin, lahat ng babae ay napapakurap, di dahil sa aking itsura, Ito ay dahil sa aking karisma.

Isang gabi sa isang klase, nakakita ako ng isang babae. Napamalikmata ako dahil akala ko diyosa mula sa langit. Hindi dahil sa siya ay maputi kundi sa kanyang mukha na kasingkinis ng kalbong lalake. Siya si Georgina ang pinapangarap kong babae. Ang mga mata ay parang tala sa langit. Ang mga ngiti ay kasintamis ng asukal. At ang katawan ay pang coke. Syempre 1.5 hindi coke in can.

Nang gabing iyon hindi ako makatulog. Si Georgina lang ang nasa aking isip. Kung siya’y liligawan ko... Hay! Di ko lubos maisip. Itutulog ko nalang ito. Mahirap isipin na ang gwapong ito ay nakakapanligaw lamang hanggang sa panaginip.

Kinabukasan, gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa. Gawa di dahil ako’y duwag, ito’y dahil ako’y dinadaga. Ngunit sinibukan ko pa rin kahit may tiyansang mabasted. Saktuhan namang si Georgina ay napadaan. Nag-flip ng hair sa aking harapan, sa kanyang mahika ako ay nalulong, Pakiramdam ko’y isang anghel sa akin ay bumulong.

“Hi Babe! I’m Bogart by the way, what’s yours?” sabi ko habang medyo kabado.

Agad namang sumagot si Georgina. “Yo pogi I’m Georgina Caballera de Jesus Sampaguita. 22 years old. Single. Living with my mom, but my true name is Jorje de Jesus Sampguita pare!”

Ako’y biglang nagulat di pala diyosa mula sa langit kundi kuto mula sa anit.

Ako’y nabigo ngunit di pa rin sumusuko. Pinagpilian ang bawal kahit ako ay machichibog. Sabi nga nila, ang pagmamahal ay walang pinipiling panahon, lugar o tao. Kahit na ang mahal ko ay isang sirenang kabayo. Gwapo man o maganda, iba pa rin si Georgina. Pumikit ka lang sulit na! Huwag ka lang sisilip at baka magsisi ka.

Ngayon ko lang napansin, ubod ng malas ang naitadhana sa akin. Didahil sa panget ang aking kasintahan. Dahil ito sa aking karisma at mga katangian, napadpad lamang ako sa isang sirenang kabayo. Pero hindi na rin ko talo, dahil si Georgina, mahal akong totoo.

=========================

A/N:

Sana kahit papano napangiti kayo. Resulta ito ng araw araw na pagkapuyat. Feel free to comment and please vote. Thanks :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Macho GwapitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon