'Timeline 1889'
Isang napakagandang umaga ang bumungad sa aking pagmulat. Inatasan lamang ako ni ina na mamili ng mga gagamiting sangkap sa pamilihan para sa pagluluto dahil may panauhin kaming darating mayamaya. Napakagandang ideya hindi ba? Kung kailan labis na kay ganda ng aking panaginip ay siyang mabilis na pagkaudlot nito.
Napaniginipan ko lang naman ang maginoong si Isagani hihi. Ang ibig kong ipabatid ay si Ginoong Isagani, ang aking iniibig kahit ako ay hindi ang sa kanya. Siya parin ang aking napupusuan kaya walang makakahadlang sa aking nararamdaman.
Habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin ay nahagip ng aking maalindog na mga mata ang libro na nakapatong sa aking lamesita. Kanino naman kaya ito?
"The Prophecy?" Nakasaad na pamagat ng libro. Binuklat ko ang pahina nito sa bahaging nakatupi, tila rito natapos ang bumabasa.
Total Eclipse
1889-2019When the moon embraced the sun
Two hearts will be as one
Two person will meet the one
The one should stay and the one should leave, they are destined to be not."Salitang Ingles? Kanino naman kaya ito? Hindi naman ito maaring kay tapeng. Totoo naman kaya ang nakasaad dito?"
Nakakaintindi ako ng salitang ingles, espanyol at siyempre tagalog kaya nagtataka ako kung bakit hindi niya ako mapusuan samantalang nasa akin na ang lahat ng katangian.
Ako ay nangiti. Sa totoo lang ay mula pagkabata ay hinasa na ako ni Ina na magsalita ng Ingles kaysa sa pangunahin naming wika. Hindi ko lamang alam kung bakit pero ang alam ko lang ay iniibig ko siya.
Natutuwa kong itinuon muli ang atensyon sa aklat. Isa lamang siguro itong libro na naglalaman ng mga matatalinhagang salita. Kanino naman kaya ito kung ganoon?
"Binibini? Tayo ay gagayak na." Pagpapaalala ni Tapeng nang siya ay kumatok sa aking pintuan.
Nakangiti kong binitawan ang aking hawak na libro nang maalala ko na naman ang aking sinisinta. Sana ay makita ko ang aking iniirog sa pamilihan!
"Binibini, napakaganda niyo po!" Magiliw na puri ni Tapeng, ang aking tagapagsilbi nang ako ay nakalabas na sa aking silid.
Isang matamis na ngiti ang aking binitiwan. Naiisip ko pa lang na sa alindog kong ito, mapapalingon ang aking iniirog ay namimilipit na agad ako sa labis-labis na tuwa ng aking puso.
"Nararapat lamang Tapeng. Ang aking alindog ang daan patungo sa puso ng aking iniirog." Bumungisngis ito dahil sa kanyang narinig.
"Naku, binibini, hindi ko mabatid kung bakit kay labo ng mga mata ng ating iniirog," kay bata-bata mo pa tapeng! "parang kay Ginoong Di--"
Nabitin sa ere ang kanyang sinasabi nang aming matanawan ang aking napakamatipunong kapatid na si Kuya Dimetrio na naglalakad patungo sa amin, maaliwalas pa sa sinag ng araw ang kanyang mukha tila napakaganda ng gising niya sapagkat itong mukha ba naman ang iyong makita ay tiyak na paanong hindi gaganda?
"Magandang umaga, binibini." Agad na tumungo si Tapeng bilang pagbigay galang sa aking kapatid.
Nagugulumihanan naman ako sapagkat hindi ko mapagtanto kung kanino niya ipinapabatid ang kanyang pagbati sapagkat siya'y nakatingin sa aking taga-pagsilbi na hindi naman makatingin sa kanya.
Masyado naman kayong kapansin-pansin para sa akin samantalang si Ginoong Isagani lamang ang nakakabihag nito.
"Magandang umaga rin sa iyo Ginoo, tila may naaamoy ako na malansang isda ah?" panunuya kong tanong sa aking kapatid na ngayon ay nasa akin na ang atensyon ngunit masamang tingin nga lang ang ipinukol sa akin.
YOU ARE READING
Embracing The Sun
FantasyNagmula sa magkaibang panahon, lugar at taon. Pag-iibigan ay nabuo. Landas ay magbabago. Saksi ang buong mundo. Photo is not mine. Credits to the true owner.