Pagtatagpo
Sandaling katahimikan ang namayani nang unti-unting tumakip ang buwan sa maliwanag na araw. Panandaliang dumilim ang buong kapaligiran kasabay ng pag-ikot ng paligid nang isa sa kanila ang humablot sa aking braso.
Sa aking paglingon ay siyang muling pagbalot ng liwanag sa buong paligid, unti-unting naglalaho ang dilim habang nakatagpo naman ng aking mga mata ang isa pang pares ng magagandang kayumanging kulay na mata.
S-sino ka? At nasaan ako? Nasaan na ang mga humahabol sa akin?
Bakit ganito ang paligid?Ang puso ko ay hindi ko mawari kung ang kabog ba na aking nararamdaman ay dahil sa pagkahingal sa pagkakatakbo o dahil sa aking nakatagpo.
"What the?!" Sigaw ng lalaking humablot sa aking braso nang siya ay aking tabigin.
"Isa kang lapastangan!"
Ako ay napakapit sa aking sarili. Walang sino man ang maaring humawak sa akin pwera na lang sa aking ginoo!
Naramdaman ko na parang iba ang tela ng aking kasuotan. Natutop ko ang aking bibig nang ito ay aking masilayan.
B-bakit ganito ang aking kasuotan? Masyado itong maikli para sa akin, ang manggas nito ay nangangalahati sa aking siko. Ang pang-ibaba naman ay napaikli.
Ano ba naman ito? Nakakahiya! Hindi ito kasuotan ng kagalang-galang na binibini!
Mas lalo lamang nanlaki ang aking maririkit na mga mata ng aking matanawan ang lalaking nasa aking harapan.
"B-bakit ka nakah-hubad!" Bakit wala siyang pang-itaas na kasuotan?! At ano iyong mga bitak-bitak sa kanyang tiyan na parang matigas at mamasa-masa?! Diyos miyo!
"Tsk."
Nabalik ang aking paningin sa kanyang masungit na mukha. Uminit ang aking magkabilang pisngi dahil sa hiya nang may mapagtanto.
Ano ba kasi iyon? Kasalanan ko bang may mata ako at wala siyang kasuotan?!
"Binibini, just give my phone back." mariin niyang sambit sabay pamewang pa.
Bakit ang init– Ang tinutukoy ko ay ang aking pisngi.
Napalunok ako ng aking sariling laway ng aking malingunan na naman ang kanyang tiyan. Agad akong napapikit ng mariin bago nag-iwas ng tingin rito. Diyos miyo, nakakailang!
"Nakikinig ka ba?" Nakakunot-noong tanong nito sa akin. H-ha?
Napabuntong hininga ito ng mapansin ang aking pagkailang.
"Binibini just give me my goddamn phone." malamig ang himig nito.
Ngunit ano? G-gadam p-pown? Ano iyon?
"A-anong G-gadam Pown ang iyong sinasabi, Ginoo?" Gulantang kong tanong rito habang ang aking mga mata ay gumagala na naman... sa paligid.
Sa kanyang mukha ka lang tumingin, Isabela! Magkakasala ang iyong mga mata!
"At saka wala akong kinukuha sa iyo!" bawi ko pa.
Hindi ko ugali ang mang-agaw ng hindi ko pagmamay-ari.
Tinitigan niya lamang ako ng mariin, pansin ko na may nakakalokong ngiti na ang namutawi sa kanyang labi. Kaunting galaw lamang ng kanyang bibig ay lumalabas ang kanyang biloy. Ang init--- ng panahon ngayon, ah?
"Binibini, hindi kita i-re-report sa mga police if you'll just give me my phone back, okay?"
"Ano bang sinasabi mo ginoo? Sinasabi ko sayo na wala akong kinukuha! Puso niya lang ang tinatangka kong kunin, hindi iyang sinasabi mong gadam pown!" Irita ko nang sambit sa kanya. At hindi mo ako madadaan diyan sa iyong biloy at katawan!
YOU ARE READING
Embracing The Sun
FantasyNagmula sa magkaibang panahon, lugar at taon. Pag-iibigan ay nabuo. Landas ay magbabago. Saksi ang buong mundo. Photo is not mine. Credits to the true owner.