At dumating na ako sa bohol. Pero bago ako pumunta kina Felippe pumunta muna ako sa baclayon church at ako ay nag kumpisal doon.
Rosita: magandang araw po padre mangungumpisal po ako dahil may nagawa po akong kasalan.
Padre: Sabihin mo ang iyong mga nagawang kasalanan
Rosita:Ako po ay isang madre pero po sa mga taon na meron ako sa kumbento naaalala ko parin po ang lalaki na inibig ko ng tunay ang lalake na aking iniwan noong ako ay bata pa kaya po nagsinungaling po ako sa aming tagapagpangulo ng at sinabihan ko po sa siya na kailangan kong dalawin ang aking ama dahil may malubha po siyang sakit pero ang totoo umalis ako upang masagot ang aking katanungan kung meron paba ang lalake na aking minahal, kung hinihintay paba niya ako o meron na siyang mahal na iba.
Padre: Lahat ng nangyari ay may dahilan siguro hindi yan ang landas na inihanda para sa iyo ng diyos. Sundin mo ang iyong puso ayon sa kanyang kagustuhan. Mag dasal ka nang Ama namin, Aba ginoong Maria, at saka luwalhati sa ama.(Nagdadasal)
At pagkatapos kong magdasal lumabas na ako sa simbahan at nagmadaling sumakay ng jeep para maka-punta kina Felippe upang makita ko na siya
Ina ni Felippe: Rosita ikaw na ba yan?
Rosita: ( nagmano )
Ina ni Felippe: Matagaltagal narin tayong hindi nagkita kumusta kana kumusta na ang iyong mama at papa?
Rosita: Ok lang po ako at ok rin po sila mama at papa.
Ina ni Felippe: Oh bakit kaba napadaan dito ?
Rosita: Gusto ko lang po sanang tanungin kung saan si felipe nandiyan po ba siya?
Ina ni rosita: Meron sa simbahan ngayon Felippe, Rosita.
Rosita: Ahhh, tama nga pala lingo pala ngayon si Felippe talaga hindi nagbago nagsisimba parin siya tuwing lingo sge po tita marmi pong salamat.
Ina ni Felippe: Rosita hindi dahil lingo ngayon kaya nandoon si Felippe hindi mo ba alam na pagkatapos mo siyang iniwanan siya ay nagpari hindi kaba niya sinabihan o sinulatan?
Rosita: Ganun po bah tita hindi niya po ako sinabihan o sinulatan perook lang po sge po salamat mauna napo ako.
Ina ni Felippe: Sge rosita mag ingat ka sa daan.At doon nasagot ang aking mga katanungan kung bakit siya biglang naglaho kung bakit bigla siyang huminto sa pagpapadala ng mga sulat sa akin. Hindi ko alam na ang aking kinumpisalan pala sa baclayon church ay ang lalake pala na hinaphanap ko na ng matagal na panahon, siya pala yung lalake na inibig ako ng tunay, ngayon tinanggap kona na hindi kami para sa isat isa pero masaya ako kung nasaan siya ngayon at sana di niya makalimutan na mahal na mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
NAKUBLING PANGAKO | ANDREI E. LIGTAS
Short StoryIsang madre na gusto pang balikan ang kanyang nakaraan.