18

3.5K 101 9
                                    

D

Nahihilo na ko.. Kanina pa kami ikot ng ikot ni Madz. Pero wala talaga akong makitang singsing na gusto ko. Madami na nga kaming pinuntahan na jewelry store, wala talaga. Huhuhu.

"Deans, wala ka talagang nagustuhan kahit isa sa mga pinuntahan natin?" tanong ni Madz sakin.

Pagod na ko.  Naikot na namin yung buong Greenbelt. Medyo sumasakit na din yung ulo ko. Nagugutom na kasi ako eh.

"Wala, Madz. Huhuhu. Kala ko madali lang ako makakakita ng singsing para kay Celine. Hindi pala." malungkot kong sabi.

"Hey, Deans! Ano ka ba, ano ngang laging sinasabi ni Ced sayo?" inakbayan na ko ni Madz at tinapik tapik yung kanang braso ko.

"Wag susuko agad agad." sagot ko. Hayyyy, Celine, Love. Lahat gagawin ko para sayo.

"Kala ko nakalimutan mo na eh. Susumbong sana kita kay Ced eh. Hehehe.."

"Sira, never ko makakalimutan yun. Those words keep me going."

"Eh yun naman pala eh, ano, tara na? Last store. Yun oh. Pag wala pa dyan. Mag eemergency leave na talaga ako para samahan kang hanapin kahit saang lupalop ng mundo pa yang engagement ring na yan! Lilipad tayo kahit sa north pole pa yan. Hehehe ako private pilot mo! Hahaha." nakangiting sabi ni Madz.

Swerte ko talaga naging kaibigan ko to si Madz dahil kay Celine. Siya laging contact ko pag isusurprise ko si Celine sa airport eh. Hehe. Kaya parang mas close na tuloy kami. Si Kim kasi sobrang busy na din sa work kaya di ko makulit lagi. Ang laki ng hawak niyang mga project.

Minsan nga lumalabas pa kami ni Madz ng kami lang para mag bonding at catch up eh. Mas nagtutugma pa kasi yung off namin ni Madz kesa off naming dalawa ni Celine. Hahaha sabi nga ni Madz non siya daw muna proxy ni Celine. Baliw talaga. Hahaha.

Inaasar nga niyang "Indian" si Celine lagi eh. Pikon na pikon naman si Celine. Hahaha. Kasi madalas wala si Celine sa mga planned dates namin dahil sa mga emergency calls niya sa work. Tas ewan ko ba laging saktong off ni Madz yun, sakanya kasi lagi nagsasabi si Celine na di na naman siya pwede sa date namin, eh lahat ng planned dates namin, nagpapa reserve ako lagi sa mga resto at iba pang activities.

Lahat yun pinapa reserve ko ahead of time once makuha ni Celine yung schedule niya for the month. Kaso, ang ending di rin nasusunod dahil sa mga emergency calls sa work niya.

Kaya ayun, imbes na di ko siputin yung mga reservation namin, sayang naman bayad na yun. Kami ni Madz yung napunta.

Imbes na romantic dates ko kay Celine yun. Naging joke time gala with Madz eh. Puro kalokohan eh. Tawang tawa ako lagi. Tapos, lagi niyang iniinggit si Celine. Asar na asar yung baby ko eh. Hahaha

Dun ko lalo naging close si Madz eh. Sa mga labas at gala namin. Pero di lang naman puro biro to. May matitino naman siyang advice. Sa kanya ko lalo naintindihan yung work nila sa airline.

Kaya naiintindihan ko si Celine bakit madalas wala siya sa mga planned dates namin. Yung mga buwan na halos di na kami magpang abot sa condo. Di naman niya kasalanan na yung pangarap niya eh ganon ang magiging demand sa oras niya.

Ang kaya ko lang gawin ay suportahan at intindihin siya. Gawin yung best effort ko na iparamdam sakanya na mahal na mahal ko siya.

Na iparamdam sakanya that she's more than enough.

Na never siya nagkulang sakin.

Na Kahit gano pa katagal ma delay yung flight niya pabalik,

Kahit gano pa siya ka late sa monthsary dates namin,

Kahit sa Terminal 1 namin sinalubong yung Christmas,

Kahit Feb. 15 na kami nag celebrate ng Valentine's,

Kahit 11:51pm na siya dumating nung birthday ko,

Kahit wala siya nung promotion ko,

Lagi at lagi akong nandito, maghihintay sakanya. Sasalubungin ko siya with open arms. Yayakapin ko siya ng mahigpit.

Hindi ako aalis, hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo. Hihintayin ko lang siya.

If she can't make it, I'll make it for her. Ako ang pupunta sakanya, susunduin ko siya, magkasama lang kami sa mga mahahalagang okasyon sa buhay namin.

Ganon naman di ba, pag totoong mahal mo yung tao. Lahat gagawin mo. Sabi nga nila, 'You do crazy things when you're in love.' it is just up to you kung kanino mo gagawin yung 'crazy things' na yan.

At ako, kay Celine ko lang gagawin yun.

I'll go the distance for her..

Because I know she's really worth it.

StargazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon