9

4.3K 90 8
                                    

C

September 13, 2023

Yes! Finally! I'm on reserve status. Makakapag rest ako kahit papano. I have this feeling na wala namang emergency call today. Pero I need to be around the airport lang sakaling ipatawag ako.

Hmmmmm, kamusta na kaya si Deanna? Kumain kaya yun? Baka puro kape na naman yun at review lang ng review.

One week na din pala since nung last kami magkita. Nakakatawa talaga yun. Sabihan ba naman akong basketball player ako sa ganda kong to! Char! Hahaha..

Buti na lang talaga nasalo ko yun nung mahimatay. Di na nga siya nagising eh. Buti na lang dala ko yung kotse ko non dahil galing akong work, dumaan lang ako sa SB para mag kape at kumain.

Naku kung hindi bubuhatin ko pa siya eh ang bigat bigat niya. Hirap na hirap nga kami ni kuyang guard buhatin siya at isakay sa kotse.

Chineck ko ung gamit niya for contact number or address sana kaso wala, money clip lang dala niya, wala man lang ID. Tas yung phone niya naka off naman. Alangan buksan ko. Takte pati ung mga libro niya wala man lang pangalan?

Ang ending.. Inuwi ko na lang siya sa condo.. Wala na atang pag asa magising to. Nalasing lang sa kape?

Gulat na gulat yung kapatid ko pag uwi ko. Sino daw kasama ko? Bat daw ako nag uuwi ng lasing sa condo..

Hahaha natawa na lang ako. Si Deanna naman kasi ang lala mahimatay. Pagod na pagod siguro talaga yun. Di na nagising talaga. Kinabukasan na nagising eh.

Matext nga yung taong yung maniningil ako sa inubos niyang bacon at spam koooo...

To: Engr. Deanna
'Hey, zup, Engr.? Are you free today? Tara maniningil na ako sa bacon & spam na inubos mo! Hahaha..'

1 minute...

2 minutes...

5 minutes...

10 minutes...

Busy ata siya, huhu, sad naman.. Ngayon lang ako pwede eh.. Ang hirap mag off sa work ko.. Paiba iba ng cycle every month..

Beep!

Kinuha ko agad yung phone ko at binasa yung message..

From: Engr. Deanna
'Uyyyy, Celine!!! Tara! I'm free today! I'll pick you up in half an hour sa tapat ng condo niyo ah?'

Hahaha excited pa sakin, Deanna? Naku, ang cute cute moooo... Nakuuuu...

Naexcite lalo tuloy ako... Hihihihi

To: Engr. Deanna
'Okkkaaayyy! Mas excited pa sakin? See you in half an hour!'

Nag ayos na nga ako at bumaba na agad ng condo...

Pagbaba ko...

"Celine!!!" tawag ni Deanna sakin ng kumakaway pa..

Wow ang aga naman neto, nandito na agad, may 10 minutes pa kaya before half an hour na usapan namin.

Lumapit na ko sakanya.

Wow ulit! Ang cute naman pala lalo nito pag di puyat at gutom, hehehe. Ang papi naman! At hmmmmm ang bangoooo!

I can't help but to check her out, ang ganda kasi at ang papi. She's wearing black jeans and checkered dark blue and white long sleeves, na naka angat yung sleeves hanggang braso niya.. Ang cute naman neto lalo pag nakangiti..

StargazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon