ako si dianne. 20 years old . bagong lipat pa lang ako sa bagong apartment na mas malapit sa trabaho ko.
tuwing umaga nakikita kong laging nakatingin sa akin ang kapit bahay kong lalaki. syempre maganda kase akO . charr 😂
lumipas ang isang bwan at kasundo ko na ang mga kapit bahay ko lagi nila akong niyayaya tuwing may okasyon
“dianne” tawag saken ni ate marissa
“tara sa bahay may inuman birthday kase ng anak ko ” .“sige po susunod ako magbihis lang po ako.”
narinig kong may pumaradang motor sa harap siguro si jay na yun.
si jay ung lalaking pasulyap sulyap sa akin pero pag titingin na ako umiiwas naman sya . lahat ng kapit bahay ko kasundo ko na sya lang talaga yung hindi namamansin.
matangkad sya pogi din at maputi. lagi syang ngumingiti sa iba pero pag sa akin laging seryoso ang mukha nya . problema kaya nito ?.
hmmp .. lumabas nko at pumunta sa bahay nila ate marissa. sa labas sila umiinom at umupo na din ako.
“dito ka sa tabi ko be.” tawag sa akin ni jaycel. kapatid ni jay.
umupo ako sa tabI nya at nag umpisa nadin uminom. malapit nanamin mauBos ang isang bote ng gsm nung lumabas c jay.
“kuya!” tawag ni jaycel sa kapatid .
“halika dito inom tayo wag mag paka goodboy wala ka namang jowa eh. ”
hindi sya pinansin ng kapatid at patuloy lang sa pag dutdot ng cellphone habng naka earphone.
“si kuya talaga kj.” nakasimangot na sbi nya. namumula na din sya halatang lasing na.
“ay nga pala bakit mag isa ka lang jan sa bahay dianne? ”
“ah..wala lang ayoko kase. ng may kasama . nasa probinsya ang mga kamag anak ko. napunta lang ako dito dahil sa trabaho” sambit ko sabay inom.
“ubos na pala ang iniinom nten bili muna ako.” sbi ko
“pasama ka na ky kuya madilim na sa labas.” sabi ni jaycel at tinawag ang kuya nya
“naku hindi na mukhang masungit ang kuya mo.”
“hindi mabait yan” sabay tawag ulit sa kuya nya . inutusan din sya ng tita nyA kya wala na syang nagawa.
tumayo si jay at nag simula ng maglakad palabas . sumunod ako sa kanya tiningnan ko muna si jaycel na nakangisi at kumindat pa .. natawa ako dahil naasar nya ang kuya nya na nakasimangot na.
tahimik lang kme habang palabas nasa likod nya lang ako. tumigil kame sa malapit na tindahan at bumili na ako ng gsm at grapes na juice. bumili nman sya ng diaper para sa pinsan nya. hanggang sa pag balik ay nasa likod pa din nya ako . napatigil ako ng maputol ang plastik at bumagsak sa paa ko ang bote.
“arayyyy.” sigaw ko at napalingon nman sya
“ako na.” kinuha nya ng alak sa akin “kaya mo ba maglakAd ? ” tanong nya tumango lang ako at paika ikang nag lakad.
inalalayan nya ako dahil napansin nyang hirap ako maglakad . namaga agad ang paa ko ang saket.
pagdating namin ay iniabot nya kay jaycel ang binili namen at sinamahan ako sa bahay namen.
“sandali bibili lang ako ng yelo.” tumango lang ako at lumabas na sya.
pag balik nya nakabalot na sa tela ang yelo . umupo sya sa sahig at kinuha ang paa ko. dinampian nya ng yelo ang namamagang parte. medyo naiilanG ako sa ginagawa nya . ang awkward din dahil wala sa amin ang nag sasalita. buti nalang dumating si jaycel.
“anung nangyari jan.?” tanung nya
“wala nabagsakan lng ng bote naputol kase ang plastik.” sagot ko nman
“panu na yan mahihirapAn ka mag lakad palabas bukas wala pa naman tricycle napumapasoK dito.” -jaycel
“ihahatid na lang kita . saan ka ba pumapasok ?” nagulat ako sa tanung ni jay.
“ahm. dyan lang sa may novo sa tabi ng sm.”
“sige isasabay nalang kita bukas.” sabi nya at tumingin sa mata ko.
nahirapan ako matulog dahil sa nangyari ngayong gabi .. kinausap nya ako .. my god nikikilig ako hiHihi.
~~~