Madalas na kame magkasama ni Jay araw araw hatid sundo nya ako sa trabho pag day off namen namamasyal din kame kung saan saan. 2 months din sya nanligaw saken walang araw na hindi nya ako pinakilig.. Kaya naman nung day off namen nanood kame ng sine.. Tumambay din kame sa park at nag usap.
"Dianne masaya ka bang kasama ako? " tanong nya
"Oo naman, sa 2 months na panliligaw mo masasabi ko na napaka sweet mo "
"Talaga?" nakangiting sabi nya.
" edi pwede na pala kita tanungin kung kelan pwedeng maging tayo? "Tumingin ako sa kanya at ngumiti
" oo naman, alam mo sa mga araw na nakakasama kita ang sayasaya ko hinihintay lang naman kitang mag tanong e" nakayukong sabi ko."Edi ibig sabihin tayo na? "
" oo sino ba ako para tumanggi " nakangiting sagot ko
Napatayo sya at umupo sa harap ko.
"Ok wala ng bawian ha tayo na. " masayang sabi nya habang hawak ang kamay ko." oo haha. "
Masaya kaming umuwi.. Inilagay nya ang kamay ko sa my bewang nya pag angkas ko sa motor medyo nahihiya ako pero mas lamang ang kilig hihihi.
Ng makarating kame sa bahay 10pm na wala na din tao sa labas.. Hawak ang kamay namen habang inihahatid nya ako sa my pinto ng apartment.
" goodnight, " nakangiting sabi ko
"Goodnight din Love" nag flying kiss pa sya habang papunta sa my pintuan nila. Inintay nya muna ako makapasok bago nya isara ang pintuan nila.
Nakangiti akong napahiga sa kama. Ang saya yung crush ko noon boyfriend ko na ngayon yiieee..
Nagising ako ng my kumatok sa pintuan
"Sino naman kaya to ang aga aga" nakapikit akong bumangon.
"Good morning love almusal na tayo" nakangiti si jay habang hawak ang tray na my lamang dalwang pinggan ng fried rice at my tocino at itlog sa gilid my dalwang tasa ng kape din.
" pasok ka.
"Wait lang ha mag hilamos lang ako"
"Ok love ihanda ko na to sa lamesa"
Pagkatapos namin kumain umuwi na sya para makapag handa sa pag pasok. Ako din ay nag asikaso na.. Inihatid nya ulit ako sa trabaho nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa pisngi tapos nag paalam na din sya..
Napakabait na kasintahan ni jay. Tuwing umaga sabay kame nag aalmusal binigyan ko sya ng extra ng susi ko para dw sa bahay nalang sya magluluto. Sabay din papasok sa trabaho sabay uuwi, sabay mag dinner kulang na nga lang sabay din matulog hihi.
Every monthsary namin lagi syang my pa bulaklak. Wala na talaga akong mahihiling pa sa katulad nya napaka perfect na jowa ni minsan wala kameng pinag awayan.. Nag tatampo sya pag di ko sya narereplyan ang sarap sa pkiramdam na makatagpo ng katulad nya.
~~~