Alone with you

144 2 0
                                    

[SARA POV]

"mabuti nalang at tapos na ang shift ko!"-ako

wala pa si Nikki nag out of town kasama si David kaya magisa ko lang sa dorm ngayon at buti nalang ang BEAST ay hindi pa bumibisita para makikain ulit.

bakit?

kasi nagkagulo sila noong pumunta sila sa dorm ko.

naglalakad ako nang nakita ko nang may  nagtext sa akin

ang una si Joseph

"Hon, kamusta ka na? miss na kita..."-Joseph

ang sakit nang puso ko noong nabasa ko ang text ko na iyon.

itinapon ko ang magazine at tumakbo papalayo dito....

hindi ko na alam ang gagawin.

nang papatawid ako ay may sasakyan muntik na kong sagasaan at binubusinahan niya pa ko nang ilang ulit.

sumabog na ako.

"PWEDE BA TUMAHIMIK KA?"-ako

at tumakbo na ko papalayo nakita pa ata nung driver na tumulo ang mga luha na pilit kong tinatago...

[JUNHYUNG POV]

nagdri-drive na ko pauwi nang biglang may babaeng tumakbo at muntik ko nang sagasaan. parang kilala ko itong babaeng ito ah. si Sara pala

binusinahan ko nang ilang beses para ma bwisit. humarap siya sa akin

"PWEDE BA TUMAHIMIK KA?"-Sara

biglang tumulo ang mga luha niya habang tumatakbo palayo.

*Ano kayang problema noon*-ako

[SARA POV]

Pumunta ko sa isang convenient store at bumili ako nang beer.

alam kong hindi ako marunong uminom pero bumili parin ako.

umuwi ako sa bahay at nagpalit ako nang damit na maluwang in short sinuot ko ang shirt na pinasuot sa akin ni Junhyung

umupo ako sa sofa at nagbukas nang isang can ng beer nang biglang may nagbukas ng pintuan.

si Junhyung lang pala...

"bakit ka nandito?"-ako

"okay ka lang?"-Junhyung

"pakialam mo?"-ako

[JUNHYUNG POV]

*kamusta na kaya si Sara?*-ako

pumunta ako sa dorm nila at binuksan ang pintuan. nakita ko si Sara na suot suot ang shirt ko habang may hawak na can ng beer.

"bakit ka nandito?"-Sara

"okay ka lang?"-ako

"pakialam mo?"-Sara

wala na akong masabi kaya tumabi na lang ako sa kanya at kumuha ako ng isang can ng beer.

iisa pa lang ang naiinom ko pero siya naka lima na ata.

"Sara, dahan dahan ka lang, kapag tuloy tuloy kang uminom nang ganyan kabilis malalasing ka agad. talaga bang marunong kang uminom nito?"-ako

humarap siya sa akin "Hindi..."-Sara

"Junhyungie anong mararamdaman mo kapag alam mo nang niloloko ka nang bf mo pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo?"-Sara

nilabas niya ang wallet niya at ipinakita kay junhyung ang litrato ni Joseph.

Memories Of You (B2ST!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon