hinaot tanan

8 0 0
                                    

“Kuya, bakit wala ka pang girlfriend?” Tanong ko sa kanya habang pareho kaming nanunuod ng telebisyon.

Tumawa muna siya bago sumagot “Saka na kapag 18 kana”

Kumunot naman ang noo ko at tiningnan siya “Ano namang koneksiyon nun?”

“Ikaw kasi ang gusto ko”

Pinandilatan ko siya ng mata at binato ng popcorn, habang siya eh tumatawa pa nang nakakaasar.

“Mama! Si kuya gus---” hindi ko na natapos ang isisigaw ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.

“Biro lang, kala mo naman na gusto kita, eh ang slow slow mo. Pangit pa”

Hinampas ko ang unan na hawak ko sa kan'ya na siya namang kinatawa niya na parang baliw.

“Ang sabihin mo kaya wala kang girlfriend kasi ang torpe mo, saka nagmana ako sa'yo kaya pangit ka rin!”

“Hoy! Hindi ka sigurado, 'no. Saka na ako maggigirlfriend kapag 18 kana, 'diba may usapan tayo”

Napaisip naman ako at inalala kung ano ang napag-usapan namin.

“Bawal akong magboyfriend hangga't hindi pa ako 18?” tanong ko.

“Nadali mo! hahaha”

“Oh, tapos? Anong koneksiyon nga nun?” takang tanong ko.

Napahawak siya sa sentido niya at napapikit na parang naiinis “Hindi ko alam kung bakit naging kapatid kitang slow ka”

Napasimangot naman ako at sunod-sunod na sumubo ng popcorn.

“Kapag nagkaboyfriend ka, saka lang ako maggigirlfriend”

For the nth time, napaisip ulit ako. Takte, hindi ko talaga gets!

“Syempre may mag-aalaga na sa'yo nun. Pero syempre dadaan muna sa'kin manliligaw mo bago mangyari 'yon, para malaman ko kung papasa ba siya sa'kin bilang kapareha mo. Dapat kasing pogi at kasing bait ko, 'yong kayang ihandle 'yang pagkaslow mo hahaha! Ayon, saka na ako maghahanap ng girlfriend na katulad mo rin. Pero sa ngayon, ikaw na muna aalagaan ko kahit sobrang slow mo” ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

Naisip ko, ang swerte pala ng magiging girlfriend ni kuya at syempre ang swerte ko rin bilang kapati--- SANDALI!

Napagtanto ko na nag-iisa ako, nakangiti sa harap ng aming telebisyon. Wala akong Kuya pala. Punyeta! Sige, wattpaaaad paaaa!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana AllWhere stories live. Discover now