Prologue

10 2 1
                                    

Joey’s POV

Dugo.

Dugo.

Dugo kahit saan. Nasaan ba kami?

Ang naalala ko lang, umattend kami ng aking girlfriend sa  isang business event, pero bakit ganito? Anong nangyayari?

Sinubukan kong iangat ang aking ulo upang makawala sa amoy ng dugo ngunit ang aking mga mata ay lalong nagulat.

Mas maraming dugo.

Nakikita ko si Berry at Daisy, na pawang na mga kapatid ni Cherry, na aking girlfriend, na puro dugo din. Sila ay may tama sa kanilang mga paa at kamay.

Unti-unti, bumabalik na ang aking memorya.

Matapos ang business event, napagpasiyahan naming pumunta sa isang restaurant upang kumain at uminom, kami ay sumakay ng isang van na may kasamang driver, ngunit kami ay sumalpok sa isang truck at heto, kami ay nadisgrasya.

“kuya Joeyyyy!!!!!!!” tumatawag na si Berry.

Pilit akong tumayo upang tulungan sila. Hirap na hirap tumayo si Daisy at si Berry naman ay may tama sa ulo. Kailangan na naming umalis, dahil baka magliyab ang sasakyan sa mga susunod na mga minuto. Pilit kaming tumayo at inalalayan ang bawat isa sa paglalakad.

Ilang minuto nga, hindi ako nagkamali, tumagas na ang gasoline at sumabog na ang van.

“KUYA! AYOKO NA DITO!” biglang yakap ni Berry sa akin. Nakita nya kasi ang patay na katawan ng aming driver at ang tumamang ulo ng kabilang truck.

“ayon sa report, kayo ay anim sa loob ng truck. Isa ang patay, lima ang buhay.” Sabi ng dumating na pulis

“opo.” Sagot ko.

Binitiwan ko na si Berry, at sinimulang hanapin ang aking girlfriend na si Cherry?

Si Daisy at Cherry, kasama si Liam. Asan si Cherry?

“Asan si Cherry?” tanong ko.

“Baka nasa gilid-gild lang.” ang sabi ni Liam.

Sinimulan kong maglakad at hanapin sya. Pero wala sya. Humingi ako ng tulong sa mga pulis.

“Clear. Iho, wala nang ibang tao sa lugar. ” sagot ng pulis.

“Baka naman kasama sa sumabog.” Sagot ni Berry. Wag naman sana.

“Walang bakas ng anumang nasunog na katawan sa sasakyan, kaya baka nasa paligid din sya. Hahanapin muli namin sya.” Sagot ng pulis.

Ilang oras ang naging paghahanap, ngunit wala sya.

Isang bagay lang ang nakita ko sa damuhan. Ang singsing na ibinigay ko sa kanya.

Cherry.

Cherry.

Nasaan ka Cherry?

Lost PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon