Cherry’s lost.
Lily’s POV
“ANO? PATAY NA SI ATE CHERRY? ” sigaw ko sa telepono. Isang linggo lang ako nawala at pagdating ko, wala na yung kapatid ko?
“wag mong itaas ang tono mo sa akin.” Sigaw ng nanay ko sa akin.
“eh malamang, ate ko yun, diba ko magwawala?” pambabara ko.
“Hindi naman sa ganun, pero, syempre, nalulungkot din naman ako.” Sagot nya. Seriously, nasa panic mode lang ba ako o, hindi lang talaga nalulungkot nanay ko? Bakit sya ganun?
“OO na. Uuwi na ako. Eto na gate na ko.” Sagot ko.
Hindi ko matanggap. Ang ate ko? Wala na? sino na ang magtatanggol sa akin? Gusto ko nang umiyak. Pagpasok ko sa bahay. Malungkot sila. Sina ate Daisy at Ate Berry ay may mga benda sa ulo at paa. May mga galos din sila.
“Kelan darating ang bangkay ni Ate?” tanong ko.
“Wala.” Tipid na sagot nung dalawa kong ate.
“panong wala? Walang katawan? Nasa sasakyan ba sya, nang namatay?” tanong ko. I’ve heard the story kanina, kinwento ni Ate Daisy sa telepono.
“Wala.” Sagot ni Mama.
“PANONG WALA?” sigaw ko.
“walang katawang natagpuan. ” sagot ni Ate Berry.
Paanong walang katawan, tas patay na agad? Pag walang katawan, patay agad?
“Baka naman nawawala lang. naghahanap ba ng tama ang mga pulis?” tanong ko.
“Pulis ba ako? Bakit ba ang dami mong tanong at hindi ka na lang manahimik, Lily?” sagot ni Mama sa akin.
Bakit ba ganyan sila? Wala bang maghahanap kay ate? Si kuya Joey kaya?
Binaba ko lang ang aking maleta at pumunta sa kanyang bahay.
“Kuya Joey, alam kong nalulungkot ka, pero, saan mo huling nakita ang ate ko?” tanong ko sa kanya.
“magkatabi kami sa sasakyan. At nang sumalpok ang sasakyan, wala na sya.” Sagot nya.
“naniniwala ka bang patay na si Ate?” diretsang tanong ko.
“hindi ko alam.” Sagot nya.
“Kuya, paano kung buhay pa si ate? Wala namang katawang natagpuan eh, baka naman buhay pa sya. Sabi ko.
“hindi ko alam.” Sagot nya.
“eh paano nga kung…” magsasalita na ako, pero tumayo sya.
“PWEDE BA, LILY? GUSTO KONG MAPAG-ISA ! UMALIS KA MUNA.” Sigaw nya. Seriously, natakot ako. Kaya umalis na ako.
JOEY’S POV.
Nabigla din ako sa ginawa ko. Kapatid pa din ni Cherry yung bata. Pero, gulong-gulo din ako. Oo nga’t nakaligtas ako, pero, nasaan ba si Cherry?
Isang singsing lang ang naiwan sa akin. Gusto kong maniwala na tama si Lily, pero, paano nga kung wala na talaga sya?
It’s been a week nang mangyari ang aksidente, every police officer is making their effort to find Cherry. I even paid private officers just to find her.
Ang daming nagsasabi na kasama ang katawan nya sa loob ng sasakyan at nasunog, pero, bakit, hindi ko man lang nakita yun? Wala ba man lang nagligtas? Kung patay na talaga si Cherry, bakit walang katawan at kung buhay sya, asan na sya? Bakit wala pa rin sya?
LILY’S POV.
Hay nako! Ganito na lang ba? Wala nang maghahanap kay ate? Jusme. Pupunta na lang ako sa shop ko. Gulong-gulo ang utak ko. Ang dami kong tanong. Asan si ate? Patay ba o buhay? Kung buhay, asan sya? Sino kumuha sa kanya? Bakit walang reaksyon si Mama at sina ate? Kung kidnap to, bat walang hiniginging kapalit? Ayoko pa naman ng ganito. Ang dami kong tanong.
“Lily?” sabi nung costumer.
Nang tumingin ako, Ay! Si Kuya Drake pala. Boyfriend ni Ate Daisy.
“Kuya, ikaw pala. Nakauwi ka na pala.” Sabi ko.
“Ah, oo, kaninang umaga lang. mga 9 pa ko. ” sagot nya.
“Ganun? Medyo sabay pala tayo ” sabi ko.
“I’ve heard the incident. Cherry is missing.” Bigla nyang pagiiba ng topic.
“Ah, oo. Nawawala si ate. Di ko alam kung nasan na sya.” Sagot ko.
“patay na raw ah. Di ka ba naniniwala?” bigla nyang tanong.
“kuya naman, wala namang tao ang gustong mamatayan.” Sagot ko.
Matagal din kaming nagkwentuhan. Galing sya ng Hongkong. Family business ata. Buti na lang at hindi na sya kasama sa insidente. Kundi, baka maraming nasugatan lalo.
DAISY’S POV.
“Baby? Pasensya na ah. I’m still in shock. Kamusta ka?” tanong ko sa aking boyfriend na si Drake sa telepono.
“Sorry din. Kamusta ka?” sagot nya.
“okey lang naman. Nalulungkot pa rin ako sa pagkawala ni Cherry. Sana buhay pa sya.” Sagot ko.
“ sana nga.may mga sugat ka pa ba? Magaling na ba?” bigla nyang tanong.
“okey lang naman. Anong oras ka nakauwi?” tanong ko.
“mga 7, baby.” Sagot nya.
Gusto ko pang magkwento, pero, parang hindi ko pa kaya. Nasasaktan pa rin ako.
Nang maghapon na, pinatawag kami nina mommy at daddy. Naririto raw ang mga pulis.
“may natapuan kaming isang bangkay.” Sabi ng isang pulis.
“ si Cherry ba? Ano?” maluha-luhang tanong ni Daddy. Dad was close to Cherry. Actually, she is dad’s favorite girl. Anyway,
“iimbitahan po sana namin kayo sa punerarya.” Sagot ng pulis.
BINABASA MO ANG
Lost Pieces
Mystery / ThrillerPaano kung mawala ang itinuturing ng lahat na kaibigan, kapatid, kasintahan, pinsan, kaklase at anak? Anong gagawin mo? At higit sa lahat, paano at bakit sya nawala? Only one individual is missing, but why does it look like, that everybody’s persona...