Simula

13 1 5
                                    

"Insan,ayon oh,mas hinog iyon kesa yan." sabay turo ni clariz sa mas hinog na manga na mas mataas.

"Oh ikaw na,ikaw na kumuha,maka utos ka parang ang gaan-gaan ng panungkit ah."

"Kaya mo yan,amasona ka naman eh" sabay halak hak niya.

"Ayoko na pagod naku,ikaw naman.sakit na ng batok ko,nangangalay narin ako." sabay bitaw sa panungkit.

"Diko yan kaya noh.ang bigat kaya. Asan naba si kuya kase??"tukoy niya sa pinsan namin na si kuya clarence na kapatid niya

"Tama na kase yan,ang dami na niyan."sabay turo sa isang timbang na puno na ng manga.

"Alam mo naman mga bituka ng mga pinsan natin,hindi kain ang ginagawa kundi lamun." tumawa nalang ako.

"Eh basta ayoko na pagod naku.tayo naghihirap dito tapos sila kakain lang? Kung kulang yan hayaan muna,sila na kumuha ng iba." sabay tayo at buhat sa timba.

Ang galing galing lang talaga ng timing.pagka dating namin sa kubo kung saan kame tumatambay ng madalas eh saka nagsidatingan ang iba naming mga pinsan.kuya clarence kapatid ni clariz,ate jane, kuya james,ate lanie,kuya lance,ate len.ate meg,kuya mike at kuya morgan.

"Yan lang ang nakuha niyo?"
Tanong ni kuya clarence sabay turo sa isang timbang manga.animoy nangi insulto pa.inirapan ko siya.

"Ay ganun?"sabay ngisi ko. "Ok,walang kakain sa inyo.amin lang to ni clariz. Kung gusto niyo kayo na kumuha ng inyo." sabay renda sa timba.

"Teka lang naman,walang ganyanan.eto naman hindi na mabiro,akin na, kame na magbabalat."sabay ngisi ni kuya clarence.tawa naman ng tawa ang iba naming mga pinsan.naki pag agawan pa tlga ang iba.

Mga pinsan ko talaga..mga walang kwenta.gusto nila yung hindi na sila nahihirapan.ang katwiran kase nila kaya ko na daw.tsk.pang lalaki naman daw kase ang lakas ko.kaya ayon at inaabuso nila ako.minsan nga pinapagalitan na ako nila mommy dahil sa galaw ko hndi daw naayon sa itsura ko.mas lalaki pa daw ang galaw ko kesa sa kapatid kung si kuya albert at kuya andrey.

"Ikaw angel ah.kapag nalaman nanaman ni tta ang ginawa mo lagot kana naman."sabi ni kuya mike.

Ngumuso lang ako,at sumimangot.isa isa naman silang tumingin sakin nagtataka kung ano yung sinabi ni kuya mike,magsasalita na sana ako pero inunahan ako ng tsismosa kung pinsan.

"Pano kase yung isang ka klase namin sinapak niya.ayon dugo ang ilong."maarteng kwento ni clariz.
Napangiwi naman ako dahil sa mga reaksyon ng mga pinsan ko.

"Oh.my.god. nanapak kana naman? Seriously angel?" di maka paniwalang tanong ni ate lanie.

"Eh binubully nila ako ate,sinabi ba naman nilang tomboy ako eh hindi naman ako tomboy.bagay lang sakanya yun".
Bale wala kong sinabi.humalakhak naman ang mga pinsan kung lalaki.

"Oh bakit hndi nga ba?"tinignan  ko ng matalin si kuya james.humalakhak ulit siya.

"Hindi pa ba alam nina tta at tito?" tanong ni ate meg.sasagot sana ulit ako pero naunahan nanaman ako ni clariz.syempre dakilang tsismosa.

"Hindi pa alam nila tita at tito ate.at hindi na nila malalaman,kase naki usap na si kuya albert at kuya andrey"sabay ngisi sa akin.

"So? They save you again little princess.pasalamat ka talaga pinag tatakpan ka nila.pano nalang kung malaman nanaman nina tito at tita? Grounded kana naman niyan."sabi ni kuya clarence.natahimik nalang ako.

"Hay naku angel kelan kaba kase magtitino?every week ka nalang ganyan?" natatamad na sabi ni ate lanie.

Tama naman sila every week may gulo ako sa school,buti nalang at lagi akong pinag tatakpan ng mga kuya ko,at hindi na umaabot kila mommy at daddy.

"Kuya hindi ko naman po kasalanan,sabi ko naman kase na hindi ako tomboy pero lagi parin nila akong inaasar."Sabi ko

"Panong hindi nila sasabihin na tomboy ka? Tignan mo nga ang sarili mo? Lagi kang naka suot ng sombrero,naka jersy shirt at short kalang,kung hindi lang dahil sa school eh hindi kapa magpapalda.daig mo pang gumalaw mga kaklase mo na lalaki."sabi ulit ni ate lanie na medyo naiinis na. Hindi ko naman ipag kakaila ganun na talaga ako simula ng nagkaisip ako.pati sina mommy nababagabag narin dahil sa pananaw ko sa sarili ko. Na wala akong paki alam kung ano man ang sabihin ng ibang tao basta magawa ko ang gusto ko at wala akong nasasagasaan na ibang tao at tama ang ginagawa ko.

Pero sa iba kase kahit wala akong ginagawang masama,masakit parin sa kanilang paningin ang mga pinag gagawa ko,dahil nga babae ako.hindi ko naman sila masisisi,dahil sa aming lahat na magpipinsan na mga babae ako lang ang may panggalawang lalaki.ganito talga siguro kapag nag iisa kang babae na anak at bunso pa.kahit kase may mga babae akong pinsan hindi ko parin ma take na magdamit ng bistida o girly na damit, mas komportable kase ako sa maluluwag at mga jersey na damit.kesa naman maiiksi at sopistikadang mga damit. Mag gigrade 11 naku pero ganito parin ako.

Naka lipas ang mga oras pinag sasabihan parin ako ng mga pinsan ko di nalang ako umiimik.mahal nila ako kaya kapag pinag sasabihan ako tatahimik nalang ako.kwentuhana at tawanan nalang kame.

"Oo nga pala may liga sa kabilang barangay,kasali kame kaya manuod kayo."si kuya morgan.

"Kelan ang laban niyo?"si ate meg.

"mamayang alas tres,2nd game."

"Sige manunuod kame,"sabay sabay maning sabi.kapag ganitong may paliga super excited talaga ako.lalo na kung mga pinsan ko ang maglalaro at mga kapatid ko.

"Kuya morgan kasali ba sina kuya?tanong ko.

"Diko alam kung makaka abot sila sa game,alam mo naman na nasa trabaho sila,pero naka lista sila,kahit hindi naman na sila mka punta ok lang kayang kaya naman namin yon.kasali sa grupo si dave at jeff."sabi ni kuya james.

Tumango tango nalang ako,pero mas mainam sana kung mkaka laro sina kuya.magaling kase sila pag dating sa larong iyon.





Y-Angels 1 (Angel Natividad) Where stories live. Discover now