Chapter 5

107 4 0
                                    

Chapter Five: Sorry or sorry?

Glade's POV

"V! Anyare uy! V!" shit talaga. Eto ako oh, ginigising ko siya.. Di ko alam bigla nalang siyang nawalan ng malay nung nilapit ko yung walis sa mukha niya.. Tapos sobrang pula pa niya as in kala mo rashes.. Ugh. Ano ba to! Kasalanan ko ba kung bakit nagkaganto tong si V? -_- juskolord. Di ko alam gagawin ko!

Tatawagan ko nalang si Kuya? Kinuha ko yung phone ko at tinawgan si kuya, sana sagutin niya.. Baka kasi tulog pa yun.. Eh halos 2:00 palang ng madaling araw. Waaaah natataranta na ko.

"Hello?"

Ayun! Buti sinagot niya agad.

"Kuya! Help! Si V!" sabi ko sakanya. Napapataas na nga boses ko sa sobrang kaba eh.

"Anong nangyari ha?"

"Kuya, ano.. Nahimatay siya dito sa unit ko!"

"Ha? Bakit siya nahimatay?"

"Kasi kuya natulog siya dito sa unit ko ng di ko alam, paggising ko nasa tabi ko na siya tapos pinapaalis ko siya ayaw niya kaya kinuha ko yung walis tsaka ko tinutok sa mukha niya.. Ayun! Bigla siyang nahimatay tapos ang pula niya kuyaaaa! Ano gagawin ko?" halos naiiyak na ko sa takot at kaba ko.

"Pinatulog ko talaga si V diyan.. Para may kasama ka.. Mabait na yun kahit ganun.. Tsaka ginamit mo ba yung walis na yun nung nilapit mo kay V?"

"Oo kuya, kaninang umaga nagwalis ako ng mga alikabok sa terace."

"Allergic siya sa sobrang maalikabok na bagay lalo na pag nilapit sa balat niya. Baka naman hinampas mo pa siya ng walis kaya namula tapos nagsilabasan yung rashes."

"Oo.. Kuyaaaa anong gagawin ko?"

"Pumunta ka sa unit niya kunin mo yung susi sa bulsa niya tapos hanapin mo yung gamot niya sa kwarto niya."

"Sige kuya.." then he ended the call.

Kinapa ko sa bulsa ni V yung susi tapos pumunta ako sa unit niya.. Wow, ang ayos ng unit ha? Organize na organize.. Ang bango pa... Nilibot ko yung mata ko sa unit niya at dumiretso ako sa kwarto niya.. Sa gilid nung kama niya may lampshade tapos may nakajar dun na puro tablet.. I think ito na yun.. Kumuha ako ng isa at bumalik na ako ng unit ko.. Wala pa ding malay si V.. Pano ko papainumin to ng gamot? Gisingin ko kaya?

Tinapik tapik ko ng mahina yung pisngi niya para gisingin..

"Mmm.." ungol niya.

"V.." sabi ko.

Minulat naman niya yung mata niya..

"Inumin mo na gamot mo oh." binigay ko yung gamot at isang basong tubig..

"Thank you." sabi niya ng mahina sakin tapos natulog ulit siya.. Pinabayaan ko nalang siya sa kama ko.. Sa sofa nalang ako natulog.. Pagbigyan na, may sakit naman siya eh.. May puso din naman ako kahit palagi akong inaasar niyan..

--

Nafeel ko na umaga na kaya gumising na ko.. Pero.. Nasa kama ako? What? Baka naman panaginip lang yung kagabi? Ay nako. :3 pero hindi eh.. Agad ko namang kinuha yung phone ko tapos tinignan ko yung call logs ko.. Oo, tinawagan ko nga si kuya.. Pero bakit nandito na ko sa kama at nasaan na si V?

Tumayo ako papuntang sala, andun si V sa sofa nakahiga.. Di na siya masyadong namumula..

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko noo niya.. Wala siyang lagnat.. Okay naman.. Siya siguro naglipat sakin sa kama? Haaay..

Babalik na sana ako sa kwarto ko ng tinawag niya ko..

"Glade.."

Tapos lumingon ako sa kanya.. He's smiling at me..

"What?" tanong ko.

"Thank you again.." sabi niya.. Napangiti din naman ako sa sinabi niya sakin.. Natouch din ako kasi sa kabila ng ginawa ko sakanya nagpapasalamat pa din siya sakin. Magsosorry ba ko sa kanya? Kung di dahil sakin di naman siya aatakihin ng allergy niya eh.. Pero kung di naman siya nagmatigas na lumabas ng unit ko hindi naman mangyayari yun sa kanya.. Magsosorry ba ko? Ugh. ㅡ.ㅡ

"Mas bagay sayo yung nakangiti.." sabi niya sakin.

"Sorry.." lumabas nalang sa bibig ko ang salitang yan.. Pero I mean it.

"Wala yun.." -V

Tapos dumiretso na ako sa kwarto para magmorning rituals..

Next chapter..

To be continued.. Hahahaha.. It seems na nagkakaayos na sila ha? Just look forward to the next chapters... :)

My Love Story [BTS ft. Kim Taehyung] (On-going) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon