Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi dahil masipag ako kundi dahil trip ko lang.
And guess what, nakasalubong ko lang namin ang isang walking cotton candy.
"JC!! Ang sarap mo naman ngayon! Bakit may pa cotton candy ka?"
"Pwede ba Dora, tigilan mo ko."
"Ay badtrip ka ngayon? Meron ka? PMS?"
"PMS?"
"Pre -menstrual syndrome pero pwede ring Post -mentrual syndrome." Sabay bungisngis ko sa kanya.
"Ewan ko sayo." Tsaka nya ko nilagpasan. Pero dahil dakilang epal ang lola nyo ay sumunod pa rin ako sa kanya.
"JC, bakit nagpalit ka ng hair color? Dahil ba sinabi ko na mukha kang ponkan sa Orange? Ayaw mo ba sa ponkan? Kiat kiat na lang para cute"
"Ikaw kelan ka susunduin ni Boots?"
"Matagal pa, nawala nya yung mapa eh."
Ano? Basag ka ba?
"Eh bakit hindi na lang ikaw ang mawala?"
"Aray ah! Gusto mo talagang mawala na ko? Napakasakit mo talagang magsalita! Porke hindi ako kagandahan hindi ka man lang manghihinayang?"
"Manghihinayang din"
Umaliwalas ang mukha ko sa sagot nya. "Talaga ba?"
"Oo, kawawa naman yung mga maiiwan mo. Andami mo pa namang utang."
"Leche ka! Walang kwenta!"
Wala man lang syang care sakin! Ang alam ko may pinagsamahan naman kami!
"Dora, antayin mo ko mamaya,"
"At bakit?"
"Libre kita ng lunch"
Tae!!
"Talaga ba???""Syempre joke lang."
Putangina!
BINABASA MO ANG
The Director's Kwon Heir (EDITING)
HumorJC Kwon unico hijo of Kwon Corp. Director. Their family own and manage the KWON University. Dorothy Mae Park college student, took up BS MATH at nasa 2nd year college na. Dori to friends and close friends but Dora to Kwon JC. What will happened if K...