Nang imulat ko ang aking mga mata tanging ang kanang kamay lang ni lola ang naka-angat sa ere. Nabigla ako hindi ito ang siglong kinabibilangan ko. Ngunit alam kong may kailangan akong gawin upang makabalik sa kasalukuyan.
'Celeste' madiing tawag sakin ng inakala kong lola ko. Sapagkat Celeste ang pangalan ni lola. Nanginig ang aking mga tuhod sapagkat alam kong dapat ko siyang katakutan. Marahil siya ang Lola ni Lola Celeste
'Patawad po Donya Amanda' nanginginig kong tugon. Pati ako ay nagulat sa inasta ko,pananalita ko at iniwika ko.
'Aba't hindi poke anak ka ng asawa ko ay makarapatan ka ng pasakitin ang ulo ko.'
'Paumanghin'
'Itong pagkakatandaan mo anak ka lang ng asawa ko bunga ng kapusukan ng kaniyang pagkabinata. Tinanggap kita rito upang pagsilbihan ako. Maliwanag? Linisin moa ng buong hacienda, Pagbalik ko makaraan ang tatlong araw na pista sa cebu ay nararapat na tapos ka na'
Nakaramdam ako ng pangungulila sa aking lola Celeste. Ngayo'y nauunawaan ko na kung bakit napakabait niya bagama't nakaranas siya ng pangamba sa mismong asawa ng kanyang Donya Amanda. Dahan dahan akong kumilos at pinagpagan ang gusgusing saya na suot ko.
Ikinabigla ko ang aking nakitang larawan, para akong tinakasan ng dugo.
Marahas akong napamulat ng may mga bisig na yumakap sa AKIN.
'Anong problema apo?' naluha ako ng tinig na ni lola Celeste ang narinig ko.
'Lola patawad po sa pagiging pasaway kong apo'
'Matagal nakitang napatawad apo, nagagalit lamang ako dahil mahal kita at dinidisiplina kita, siya ikaw ay maggayak na sapagkat mahuhuli tayo sa misa'
Napakabusilak ng loob ni Lola Celeste sapagkat minahal niya ako't inaruga kahit hindi naman kami magkadugo, ngayon nauunawaan ko na sapagkat ako ang kanyang madrasta noong siya'y bata pa lamang. Marami man akong nagawang pagkakamali sakanya sa una kong buhay. Ginawaran naman ako ng pagkakataon para bumawi sa kanya bilang isang mapagmahal na apo.
'Amanda!'
'Nariyan na ho Lola!'
-------------------------------------------------------------
10122019