Part II- Jealousy

42 1 0
                                    

Married On Text- Jealousy

 

Karamihan sa mga mag-asawa naghihiwalay(Annulment or Divorce) dahil sa tukso. Ang tukso ay hindi natin maiiwasan dahil nandyan lang sa tabi yan hinihimas-himas ang pasensya mo, at kapag nastrike na nito ang temper mo susunggaban mo na para mawala na yung aching urge na bumibuild-up. Sa lovelife, expect not just the happiness and pleasure but also the pain and trials- dahil sa mundong ito walang masaya lagi, singka-tibay lang ‘yan. You have a powersaver and that is our God. Higpitan mo ang kapit mo sakanya at kapag nararamdaman niyang bibitaw kana hihilayain ka niya ng malakas para makabangon kang muli at humawak pa sakanya ng mahigpit...

<<<>>> 

 

Bumuntong hininga si Lia habang naghihintay ng customer na magchecheck-in. Isang linggo na silang married ni John sa text at simula nung araw na nagpropose siya at nagpakasal sila, hindi na siya nagparamdam man. Friday ngayon at alam niyang day off nito, pero simula nung umaga wala pang text mula sakanya. Parang nawawalan na ng gana si Lia.

“Uy girl! Ba’t ang lungkot mo? May sulat para sayo oh!” Ang sabi ng katrabaho ni Lia at saka inabot ang sulat na sinasabi. Tumingin si Lia sa sobre at dahan-dahan itong kinuha mula sa co-worker nia.

Tinitigan niya yung puting sobra at tinignan ang likod.

Ano to? Walang adress? –ang nasa isip niya. Aba, kanino nga ba nanggaling ‘yan Lia? Haba ng hair ah.

“Ang gwapo nung nagbigay niyan, sobra!” Her co-worker giggled and gushed how good-looking the sender was. Lia glared at her playfully and hid the letter in her blouse pocket.

“Hindi mo ba bubuksan?” Tanong ng katrabaho niyang si Karen. Lia frowned. “Hindi, mamaya nalang baka mahuli ako ni boss at tawagin pa akong slacker.” Sagot ni Lia na sumulyap muli sa Iphone niya. Napansin ito ni Karen at inagaw niya bigla ang Iphone tsaka sinubukang buksan pero may password ang phone. Hinablot muli ni Lia na may inis na nakapinta sa mukha niya.

Oo nga naman Karen, masyado kang nosy.

“Aha! May password ha. May sikreto. Dat namang walang password yan ah.” Pagtatakang sabi ni Karen.

Huwag munang alamin Karen, oo may sikreto nga siya ano ngayon?

“Anu kaba wala, yung pamangkin ko kasi pinakikialaman kaya nilagyan ko ng password” Liar Lia, Liar kananaman. Wala kanaman pamangkin eh.

Pwede ba? Kunwari meron nalang, magsulat kanalang diyan!

Aba sumasagot ah, pero sige nanga haha. Umalis si Karen nang hindi siya nakapulot ng i-chichismis kay Lia which to her is a relief.

Lumipas din ang araw at gumagabi na, oras na para sa out ni Lia at nagbihis na siya. Paglabas niya ng hotel ay may nakita siyang lalaki na nakatayo sa labas. Nakasandal ito sa pader sa may tabi ng pinto ng hotel. Nakaside yung lalaki at medyo madilim, kaya hindi niya maaninag ang mukha, pero sa tangos ng ilong nito at haba ng pilik-mata siguradong gwapo ito.

Naisip ni Lia na baka may hinihintay lang siya na tao, baka sinusundo or something, baka kuno nag-check-in sa hotel. Dinaanan lang siya ni Lia nagmamadali siyang umuwi dahil gutom na siya pero hinawakan siya nung boy sa braso. Hala!

Hindi kumikibo ang lalaki at hawak lang siya sa braso, natakot si Lia at hindi na tumingin pa sa mukha niya nagpumiglas siya at muling tumakbo. Tumawag agad ng taxi, at napanatag si Lia nang makarating siya sa apartment niya, agad niyang ni-lock ang pinto at bintana. Takot-na-takot siya hindi nya alam kung stalker yun, spy, assasin o ano, o baka naman rapist. Nanginig siya sa takot at humiga sa kama, hindi na inalintana ang gutom.

Nagring ang phone niya, tinignan niya ang caller I.D at biglang tumibok ang puso niya nang nagflash sa screen ang pangalan ni John. Sa wakas tumawag din ang asawa niya. Medyo kinakabahan din siya dahil ito ang unang beses na maririnig niya ang boses ng fake husband niya.

“Hello” Sagot ni Lia.

“Hi” A musculine voice spoke on the other line at biglang na-turn-on si Lia. Boses palang macho na, panu pa kaya kung sa personal.

“It’s been a long time. Day off mo ngayon diba?” Ang tanong ni Lia.

Natawa si John. “Yup.” Maikling sagot nito.

Lia frowned. “Kamusta?”

“Okay lang, alam mo bang tinakbuhan nanaman ako ng crush ko kanina?” Ang sabi ni John kay Lia.

Natawa si Lia, hay naku, hopeless na talaga ang fake husband niya sa crush nito. Ilang beses na siya nitong natakbuhan.

“Bakit Lagi kanalang niyang tinatakbuhan?” Ang respond ni Lia kahit na may nafefeel siyang selos sa kaloob-looban niya.

“I don’t know. She looks scared.” Ang sagot ni John.

“Ahh. Ba’t hindi mo nalang kasi siya hayaan, baka ayaw niya sayo.” Suggest ni Lia.

“Ahmm. Siguro nga pero pinabigyan ko siya ng letter sa co-worker niya hindi ko lang alam kung naibigay niya.” Ang kwento ni John na walang kamalayan sa nararamdaman na selos ni Lia. Mukhang may nafefeel na si Lia for John ah.

Sa inis ni Lia pinutol niya yung call at saka nagbihis, hindi na niya napansin yung sulat at saka na
kumain, pagkatapos kumain saka dun lang sinilip ang phone. 5 text from John.

‘Hey, bakit mo pinutol?’- John

‘Lianne, are you okay?’ – John

‘Nasan ka?’-John

‘Reply kanaman, you’re worrying me’- John

‘Lia?’-John

Naflutter si Lia dahil nag-aalala sakanya si John, akala niya SOT partner lang ang turing sakanya ni’to. Nawala ang pagkainis niya at siya na ang tumawag kay John.

“Hello, where are you? Safe kaba diyan?” Pagsagot, ito agad ang tumumbad sa pandinig niya.

Natawa si Lia. “Chill. Nagbihis lang ako, actually got home from work kanina pero. By the way meron palang lalaking humawak sa braso ko natakot ako tsaka ako tumakbo at tumawag ng taxi. Thank God dahil hindi niya ako sinundan.

“Haha. Tama yang ginawa mo, at kung sakaling may gawin siya saya shout my name right away at darating ako.” Medyo-seryoso pero pabirong sabit nito.

Butterflies starts to errupt in Lia’s stomach pero tinawanan nalang niya ito.

“Talaga lang ha! Sigurado ka ha? Kapag hindi ka dumating agad ano gagawin ko sayo?” Pagbabanta ni Lia na pabiro.

“Ha! Okay, I won’t come right away para you’ll do me in bed” Malisyosong sagod nito. Na-turn-on nanaman si Lia sa mga sinasabi niya.

“Pervert!” Lia playfully yells at him in between her laughs.

“Ayan! Tumawa ka’din. Nakakakilig kang tumawa.” Nakangiting sabi ni John over the phone.

Hindi nagtagal eh nagsimula na nilang pag-usapan ang mga obsceneties at nauwi sa SOP. Hala, sana lang hindi mabuntis ang utak mo Lia. Panay nalang ah...

Hanggang sa susunod na part...

A/N: Maiksi lang po ngayon. Medyo malapit na tayo sa ending hehe. Thanks sa support po. Click that star on the the upper side if you like it J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married On TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon