Unedited!
Married On Text (Part 1)
Alamnating lahatna dito sa mundong ito, maraming babae ang nangangarap na maglakad sa altar ng isang magandang simbahan, suot ang wedding gown na binili pa sa dibisorya or ng mga rich girl na pinadesign pa sa mga sikat na fashion designer. At lalong marami ang nangangarap na magpakasal sa taong minahal nila oh pinangarap lang din nila. Syempre isa na dun si Lianne Mallari...
Pero, iba ang takbo ng isip ng tadhana eh- yun ay kung may isip siya- sa kasamaang palad wala talaga kaya hindi natin mapredict...
Isang gabi, nabore si Lianne kaya she decided to dial a number similar to hers, pero iba yung last digit. Walang sumagot agad kaya napagdesisyunan na niyang i-end call.
Kinabukasan may nagtext, napansin ni Lia na iyon yung number na dinadial niya kagabi.
Ang sabi... ‘Sino ‘to?’- Unknown.
Napagisip-isip ni Lia na ayaw na niyang humaba pa ang usapan at makipagtext kaya she lied. ‘Ah. Sensya na. Na wrong dial lang po ako’ – Ang reply ni Lia.
Akala ni Lia sa dismissive text niya ay hindi na magrereply yung unknown number but she thought wrong.
‘You think, I’ll believe you?’- Unknown
Napanganga siya at medyo nainis. Kaya ang nireply niya... ‘Then don’t believe me, who are u anyway?’ Lia
Naisip niya na baka babae yun kasi everytime na may katext siyang boy, ayaw nilang makipag-usap sakanya ng English kasi daw nosebleed sila.
Nagvibrate ulit phone ni Lia, another text message from Unknown.
‘I don’t evn know u, u don’t evn know me, why should I?’ – Unknown.
Aba! Ang Yabang!- Ang nasa isip ni Lia at dali-daling nagtextback.
‘Then Why are u still replying to me if you don’t know me? It’s just a wrong dial why make a big deal out of it?’ –Lia.
Ha! Sagad na English yun Lia. Sigurado maiinis na ‘yon kaya hindi na siguro magrereply- ang nasa isip niya. Maya-maya tumunog at nagvibrate sa kamay niya ang phone. Tsk! Kala ko pa naman nainis na sya. Hmf! Nanggigil niyang binuksan at binasa... ‘Ohh... Really... What’s the number you’re supposed to dial then?’- Unknown.
Gusto sanang isagot ni Lia na ‘Your number’ but she decided against it. Mabubuking siya sa pagsisinungaling niyang hindi niya sinadya ang pagdial kung ganun.
‘09********* this is the number I’m supposed to dial. I’m really sorry for that mistake and for wasting your time’ –Lia replied, lying. Hindi naman talaga siya feeling sorry kasi nga she really intended to dial the number.
Not a while later, another text appeared on her inbox. ‘You should be, it’s your fault. What’s your name?’- Unknown.
Aba tignan mo nga naman ‘tong hypocrite na’toang yabang at suplada ah. Kala mo kung sino- galit na bulong ni Lia sa sarili. ‘We don’t know each other let’s just forget about it. Bye’ Lia.
‘Wait. Can we text for a while?’-Unknown
Aba Matinde! Hindi kaya lesbie ‘to?
Pero, kahit na naiinis si Lia, nagreply parin. Bakit mo pa babale-walain kung nandyan na eh. Siya din naman naghanap niyan eh, a boredom killer what she always tell herself. Pero ang mga tanong sa isipan niya ay tila pinaglalaruan ang curiosity niya.