PANGIT na araw na agad ang sumalubong sa akin dahil bigla nalang may lalaking sumapak sa akin.
"Bakit mo ako sinapak?!" inis na aniko at tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay nang hawakan ko siya sa kwelyo.
"Oh no 'wag mong sabihin bakla!" hindi ko narinig ang ibinulong sa kanya nung kasama niyang mukhang bakla dahil fitted ang damit nito at may make up pa.
"P-pogi hehe, n-nangyari na eh a-ano pang magagawa mo?" t*ngina? Pinaglololoko ba ako nito!?
"Eh kung sapakin rin kita ha?!" ani ko at aamba na sana itong suntukin ng biglang humarang yung kasama nitong may hikaw at naka make up rin.
"Hehehe, n-nagbibiro lang po siya. S-sorry po! Sorry!" anito at inakay paalis ang sumapak sa akin.
Habang nasa malayo, nakita ko na may binulong pa yata yung isa dun sa sumapak sa akin.
"Shokla ka! Sa kanya mo pa talaga ginawa 'yung tagsen scenes, feeling may vagina?"
Inis na naglakad na ako papunta sa school at nagulat naman ang guard nang makita ako.
"Aga mo ngayon hijo ah? Himala." Ngumiwi lang ako at tinahak na ang daan papunta sa building namin. Sinipa ko ang pinto ng room at si Prantez lang ang nakita ko 'don.
Tila nagulat siya ng makita ako at hanggang sa pag upo ay ramdam ko ang pag sunod ng mga mata niya sa akin.
"Staring is rude." aniko at natauhan naman siya at umiwas ng tingin. Nag hintay lang kami ng mga kaklase namin at nung makita nila ako ay tila hindi rin sila makapaniwala.
"Dude may himala." ani sa akin ni Brian pagpasok at natawa naman ako.
"Isang beses lang 'toh." nagsitawanan naman sila at kalauna'y umupo na rin sa kani-kanilang mga upuan. Dumating na ang teacher namin sa first sub at nag kunwari lang akong nakikinig. Matapos niyang magturo ay bumaba muna ako para bumili ng tubig.
Nang oras na ni Ma'am Legaspi ay nagulat siya nang makita ako.
"DRACULA?!" Hindi makapaniwalang aniya. Ngumisi ako sa isip.
"Yes, Ma'am? Miss me?" Natatawang aniko at umusok nanaman ang ilong niya.
"Tsk tsk!" Napasinghal lang siya at nagdiscuss na. Dumating na ang dismissal kaya sobrang siksikan sa cafeteria.
"Guys! Padaan niyo ang bebe ko ano ba!"
"Hi Allan hihi!"
Kasabay 'non ang pagpapapansin ng mga babae sa amin kaya napairap ako. I hate attention. Dahil magkaiba kami ni Allan, as usual, iniwan ko nanaman siya 'don dahil in-entertain nanaman niya ang mga nagpapacute sa kanya.
Lumapit ako sa table namin at nilapag ang bag ko atsaka um-order. Matapon 'non ay nagsimula na akong kumain at inilagay ang isa kong earphones sa kaliwang tainga.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsubo ng biglang may sumigaw 'di sa kalayuan.
"Carliii!!!!!" si Macyn pala. Napatingin ako sa entrance at nakita si Prantez na awkward na kumakaway kay Macyn.
"Sinong tinitignan---si Macyn naman pala tsk! Iba talaga mamili ang Guillermo." pang aasar ni Justin. I'm not looking at her tsk. Akala siguro nito'y si Macyn ang tinitignan ko dahil isa ito sa mga magagandang babae dito sa campus. Well, she really is but I'm not interested to her.
"I'm not, stupid."
"Then who? I doubt you like Carlina, bro she isn't hot!"
"For me she is." bigla namang sabat ni Andrey sa usapan dahilan para kantyawan nila siya. Ngumisi lang ako at tumitig sa basong nasa harap ko. I don't like anyone else.
BINABASA MO ANG
Her Only Reader
Teen FictionNote: I don't usually write the description of my story 'cause I don't honestly know how my story will flow.