7

2 0 0
                                    

"KUNIN niyo sa storage room ang mga panlinis." Ani ng guard. Kakapasok palang ay nagcocommunity service na kami. Absent si Andrey dahil nga sa Lola niya kaya kaming dalawa lang ni Prantez ang maglilinis.

Tahimik lang naming tinahak ang storage room at nang makarating ay agad naming binuksan ang pintuan. Tumambad sa amin ang alikabok at kadiliman.

"Nasaan ang switch?" Tanong ni Prantez na kumakapa sa dingding.

"Sira daw. Tara na bilisan na natin." Aniko at kinuha ang cellphone sa bulsa para buksan ang flashlight ngunit wrong timing dahil lowbat pa 'ata ako.

"May flashlight ka?" Tanong dito.

"Wala, h-hindi ko pala nadala cellphone ko." Napakamot nalang ako sa batok at hinanap na ang mga mop dito sa gilid. Nakapa ko na ang isa kaya umalis na ako 'don at lumipat sa kabila para kunin ang mga timba.

"AAAAAHHH!!" Biglang tumili si Prantez dahil nagkabanggaan kami at biglang natumba sa sahig. Nasa ibabaw niya ako at hindi namin makita ang itsura ng isa't isa dahil sa sobrang dilim.

"Mr. Guillermo? Ms. Prantez? Hindi ko pala nasabing nasa gilid lang ang mop at---" Biglang natigil sa pagsasalita si manong guard nang itapat nito ang flashlight sa amin d>___<b

"O-oh?" Agad kaming napatayong dalawa at nagiwas naman siya ng tingin. Pinagpagan ko ang suot kong pants at kinuha ang map at timba na parang wala lang.

"Saan po kami unang maglilinis?" Pagbabasag ko ng katahimikan.

"A-ah sa hallway muna." Nasa kalagitnaan na ako ng pag momop nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Where are you, kuya?"

"Sa school pa princess, bakit?"

"Anong oras ka po pupunta dito?" Tinignan ko muna ang suot kong relo bago sumagot.

"Before lunch. Nandyan ba sila Mom?"

"Wala po, but kuya Dino is here." Natigilan naman ako at napabuntong hininga.

"Alright, see you princess." aniko at tuluyan nang ibinaba ang tawag.

"K-kapatid mo? S-siguro sobra kayong close." Ani Prantez at ngumiti naman ako.

"Yeah."

"S-sa second floor na ako maglilinis ah." aniya at kinaway ko lang kamay dahil nakatalikod ako sa kanya.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay saka ako lumingon sa daan na dinaanan niya at 'don ko nakita na may nahulog pala siya. Notebook na may seal na lalagyanan sa loob. Sinandal ko muna ang Mop sa poste atsaka pinulot ang notebook. It's a typical notebook. Ibubulsa ko na sana iyon nang biglang bumukas ng hindi sinasadya ang pahina na may seal at tumambad sa akin ang i-isang n-napkin?

Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko kaya dali dali ko 'yong tinago. D*mn it d>//<b

Binilisan ko na ang pagmomop at saktong alas otso y media na ako natapos. Nakasalubong ko si Manong Guard at sinabi niyang garden nalang ang lilinisin namin. Nabanggit pa nito na nandoon na si Prantez kaya 'di ko maiwasang 'di mamula.

Nagtungo na ako sa Garden at nakita ko siyang nagdidilig 'don. Tinulungan ko siya at ako na ang nagwalis ng mga dahon na nakakalat sa lupa. Nang matapos ay kinapa nito ang bulsa ng apron niya at kita ko naman na bigla siyang namutla.

"N-nasaan ang notebook ko?" Kahit pabulong ay narinig ko parin iyon.

"A-ah i-ito n-nahulog mo kanina." Aniko at nilabas ang notebook niya. Parehas kaming namula nang biglang malipat nanaman ang pahina nito sa seal. Napapahiyang ibinulsa niya iyon at nagpasalamat sa akin. Dali dali siyang umalis kaya nakahinga agad ako ng maluwag.

Her Only Reader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon