Introduction-Lonely Boy

1.1K 42 6
                                    

[PLAY THE VIDEO]

Wala akong maalala, kung ano pangalan ko, kung ano trabaho ko o gawain ko sa buhay noon, at kung saan ako naninirahan noon. Basta ito ako ngayon kabilang sa mga infected ng virus at di ko maalala kung paano ako naging isa sa kanila, naging zombie ganun. Tanghaling tapat na palakad lakad pa rin ako sa kalsada para maghanap ng pagkain o mag abang hehehe kaninang umaga pa ko palakad lakad pero wala pa rin ako mahanap puro mga katropa kong zombie ang nakikita ko lang sa paligid. Naisipan kong maupo sa bench kaya lumapit ako sa bench at na upo.

Pero alam niyo kahit isa ako sa mga infected di ko maiwasan maging malungkot bakit kamo? Pakiramdam ko kasi nag iisa ako sa mundo...Oo nga nandyan yung mga katropa kong zombie pero alam niyo naman na hindi kami marunong makipag communicate sa isa't isa dahil walang ibang lumalabas sa bibig namin kundi mga ungol. Pero minsan may lumalabas na word sa bibig namin hehehe.

"Brrrrrrr.."-????

Napalingon ako sa side ko kung saan nang galing un. Paglingon ko katabi ko na pala itong bestfriend ko na zombie hehehe siya nga pala si Chad. Paano ko nalaman pangalan niya? Ewan ko basta nung una kami nag usap bigla lumabas sa bibig niya yung chad. Eh di chad na tawag ko sakanya hahaha. Teka makikipag usap lang ako ah?

"Brrrrrr?" Ang sabi ko sabay tingin muli sakanya. Tumingin din naman sakin ito.

"UHHRRMMHHH" -Chad

"MMMURGHHH" -Ako

-End of Conversation-

Umiwas tingin na ako sakanya pagkatapos namin mag usap. Oo na, oo na kami lang nagkakaintindihan hahahaha. Sabi naman sainyo eh walang iba lumalabas sa bibig namin kundi ungol. Kumbaga ganito lang kami magsalita.

Zombie speak:

"UUHHRRMMMHHH"

"MMMURGHHH"

at tulad din ng sabi ko minsanan lang may lumalabas na word sa bibig namin. O biglaang lumalabas sa bibig namin. Tulad nito...

"Uuuhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh...."-Chad

Napalingon na naman ako kay chad.

"Hu..hu..hungry?"-Ako

Tumingin naman din muli sakin si chad.

"BRAINS!"-Chad

Wag ka mag alala chad kahit ako nagugutom na rin. Halos lahat naman ng katropa naming zombie dito gutom na at sabik na sabik makahanap ng BRAINS at Human Flesh. Pero lalo na talaga pag BRAINS na ang usapan nakakadiri man pero we cant help it! BRAINS talaga gusto namin sa lahat. Di ba sabi ko sainyo malungkot rin ako? At BRAINS ang isa sa nagpapaligaya sakin o nag papalimot ng lungkot na nadarama ko. Pero panandalian lang yun pag ubos na yung BRAINS wala na. Balik ulit sa malungkot na buhay "Im a lonely boy". Balik tayo sa BRAINS pag kinain kasi namin yun parang nabubuhay muli ang patay naming pag iisip o dead brain. Sa bawat nguya namin ng utak may fireworks na sumasabog sa utak namin na ang sarap sa pakiramdam ugh sh*t! Lalo ako nagutom.

"(Sniff , sniff) " teka may naamoy akong BRAIN! Uhh sh*t kusang gumalaw mga paa ko upang hanapin ang amoy na yun pati bestfriend ko sumama sakin (Sniff, sniff)

"BRAAAAIINN!!!!"-Galit na sigaw ni Chad dahil sabik na sabik ito.

(Sniff, sniff) sinundan namin yung amoy para matagpuan namin ito. Pero tekaa "HEEELPPPPP!!! HEEEEEELP" babaeng humihingi ng tulong na agad sumalubong samin. Napahinto ang babae ng makita kami ughhh! BRAIN! Sabik na sabik kami kainin itong babae na ito. Sa itsura ng babae ngayon ito ay takot na takot. Dahan dahan kami lumalapit ng mga kasamahan ko

"UUHHRRMMMHH" sabay sabay na ungol namin habang palapit sa babae na ito habang siya ay nag ste-stepback para makalayo samin. At dahil kanina pa kami gutom tumakbo na kami at agad agad namin nakuha ang babae "AAAAAAHHHHHHH!!" Hawak hawak ko kamay nito at nakaready na ang mga bibig ko Sorry guys, I cant help it. Gutom na gutom na ko kaya kinagat ko na ang kamay nito sabay nguya nguya na sinabayan pa ng pag sigaw ng babae dahil sa sakit na nararamdaman dahil pinag fie-fiestahan na namin siya. Agad agad ko hinawakan ang ulo nito sabay kagat.

"Ughh (Nguya, nguya) BRAIN!"-Gigil na pagkasabi ko. Habang nginunguya ko ang utak nung babae ay may biglang pumasok na ala-ala sa isipan ko. Tulad nga ng sabi ko kanina sa tuwing nakakakain kami ng BRAINS ay nabubuhay muli ang patay naming pag iisip. At ayun nga may pumasok na ala-ala sa isipan ko pero hindi ito ung memories ko kundi memories ng babae na kinakain namin ngayon. Ang mga nakikita kong ala-ala sa babae ay yung mga panahon pa na wala pang VIRUS at hindi pa nag ka-ka apocalypse. At dahil sa mga ala ala na ito nawawala yung pakiramdam ko na mag isa lang ako sa mundo. Pero tignan mo nga naman ang saya saya ng mga panahon na yun at..at..at..ang daming BRAINS! Uhhh sh*t ang dami kasing tao sa ala-ala na ito eh. Hahaha nasasabik tuloy ako braiiiins braaaaiiiins!

Pakuha pa ko ng utak ng babae pero wala na kong nakapa kaya napatingin ako pag tingin ko kinakain na rin ng mga kasamahan ko. Uwaaaaaa! At dahil dun nawala na rin yung mga ala-ala huhuhu. Bumalik muli yung pakiramdam ko na pagiging mag isa "Im a lonely boy". At pagiging malungkot pero maliban sa nabusog na ko. At dahil wala ng BRAIN kumain na lang ako ng human flesh nung babae.

.

.

.

.

.

,

.

.

.

.

.

.

Pauwi na ko sa bahay ko kung saan ako natutulog at ito ay isang Mobile Car House. Natagpuan ko lang yan dito nung palaboy laboy lang ako hehehe. Madilim na ang kalangitan kaya pumasok na ko sa loob.

CAR HOUSE

Pag pasok ko sa loob agad agad akong lumapit sa Long Playing Disc. At kumuha ako ng disc para i-play. Lumabas muli ako at naupo sa may hagdanan. Tumingala sa itaas at pinanood ang mga kumikinang na bituin sa kalangitan. Ang tahimik ng paligid dahil walang katao katao kundi mga katropang zombie ko lang. Ang kalat rin ng paligid, mga sasakyan na nakakalat, corpse , plastik na nagliliparan at iba pang basura.

Huminga ako ng malalim "(Exhale) uuhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh...." araw araw ganito. Pagkagising sa umaga maghahanap ng pagkain kaya maglalakbay kung saan saan para sa BRAINS. Paano kung isang araw wala ng brain? Magiging katulad na.....niya ako (tingin sa boney na nasa harapan ko)

"URRGHHHHHH!!!"-Boney

Tumayo na ko at agad agad pumasok sa loob sabay sara ng pinto. Bakit nga ba ako bigla pumasok sa loob? Hindi sa takot kundi umiiwas ako sa away. Boney? Boney isa rin silang infected pero bakit skeleton? Dahil sa sobrang gutom kinakain nila mga balat nila, yung iba naman naglalagas yung balat, yung iba tinatanggal kaya ayun naging skeleton o buto buto kaya kung tawagin ay BONEY. Na upo ako at sumandal, ipinikit ang mga mata at pinapakinggan lang ang tugtog...

How's the introduction?

Comment and vote. Thanks!

Cold Bodies, Warm Hearts || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon