Team Battle Part two

1 0 0
                                    

Chapter 8

Jhoan PoV

Nandito kami ngayon sa loob ng gubat upang dito mag-insayo. Dahil bukas ay uumpisahan na ang Team Battle. 

Sana kami manalo, alam naming dehado kami sa team ni David, malalakas sila kompara sa amin.

"Team Lavander, gusto kong ipaalam sa inyo na ang kabilang team ay minsan lang nila pwedeng gamitin ang kapangyarihan ng bawat isa." sabi ni Ms. Hena.

"Ayos po sa amin yun Ms. Hena, lalo na at ang iba sa 'min ay hindi pa kayang kontrolin ang kapangyarihan." sagot ni Ashlley.

"Pabor sa 'min yun!" sagot naman ni Renz, ang ice user sa amin.

"Kung ganun umpisahan na ninyo ang pag-iinsayo." sagot sa amin ni Ms. Hena, bago kami iniwan.
********

"Ashlley, baka pwedeng magpahinga mona tayo! kanina pa kami tumatakbo, pagod na pagod na kami." reklamo ni Jhoylyn.

"Oo nga naman Ash." sabi naman ni Carlyn.

"Five minutes break." sigaw ko.

"Anoooo.. five minutes Ash, naman e!" reklamo nilang lahat.

"Sige na guy's wag na kayo magreklamo." sabi ko sa kanila.

"Renz, gaano katigas ang yelong nagagawa mo?" rinig kong tanung ni Ashlley, kay Renz.

"Hindi ito basta-basta nasisira." sagot naman ni Renz.

"Hmmm.. ganun ba!" sabi ni Ashlley, na tila nag-iisip.

"Anong plano mo Ash?" tanung ko sa kan'ya.

"Sa mismong araw ng laban ninyo malalaman." sagot niya sa 'kin.

"Kung ano man ang plano mo, may tiwala kami sayo." tungon ko sa kan'ya.

"Salamat Jhoan!" sagot naman niya, nginitian ko na lang siya bilang sagot ko.
********

"Sigurado ka sa plano mo?" gulat kong tanung, kahit ang iba ay ganun din.

"Oo!" seryosong sagot niya.

"Pero delikado ang iniisip mo, alam natin na hindi pa nila masyadong kontrolado ang kapangyarihan nila Carlyn, at Marivic." sabi ko.

"Guy's hindi naman siguro magpaplano si Ashlley, na ikakapahamak natin! tama ba ako." sabi ni Renz, na nakatingin kay Ashlley.

"Oo naman, hindi ko kayo ipapahamak." sagot ni Ashlley.

"Sige gagawin namin yan!" sabay na sagot nila Carlyn, at Marivic.

"Alam naman natin na kapag tumira si Carlyn, gamit ang kapangyarihan niyang apoy ay kokontrahin ito ni David, at susunod si Marivic, na titira at alam nating kokontrahin ito ni Ariel, gamit naman ang kapangyarihan niya hangin. Habang ginagawa nila yun ay gagawin ko naman ang pagkabit-kabitin ang mga bold natin, upang makapag-usap tayo sa pamamagitan ng isip natin at ikaw Renz, gawing mong yelo ang buong arena upang hindi magamit ni Ivan, ang kan'yang kapangyarihang magpatubo ng halaman at pagkatapos ay gumawa ka ng maze na gawa sa yelo na tayo lang ang nakakaalam.

Tinawag na kami ni Sir. Christian, upang pumunta sa harap ng arena. Nag-umpisa na nga ang countdown at ang palalagay ng shield sa buong arena nang matapos ito ay nag-umpisa na kami, unang tumira si Carlyn, nagpakawala siya ng bolang apoy at hinagis ito sa kabilang team. Katulad ng inaasahan namin ay hinarang ito ni David, at nagsalubong ang kanilang mga kapangyarihan sa itaas ng arena.

Sumunod naman si Marivic, at katulad ng nauna ay sinalubong ito ng kapangyarihan ni Ariel, nagawa namin na madestract ang kabilang team. Ang sumunod naman ay si Renz, ginawa niyang yelo ang paligid at gumawa siya ng maze nang matapos na ay tapos na ko na ring ikabit ang bold namin sa isa't isa, kaya pumasok na ang mga kasama ko sa loob ng maze.

The Immortal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon