Kabanata 1

545 19 15
                                    

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan upang makalabas ako sa bahay na ito na hindi nila napapansin.

"Anak, may lakad ka ba? Huwag kang magpapagabi ha?" Ang narinig kong sabi ni ina bago ako makalabas sa pintuan. Kahit ano pang pag-mamadali ang gawin ko ay parati parin akong nahuhuli ng ina.

Hindi pa ba siya sanay na palagi akong hatinggabi umuuwi? Bakit kailangan niya pang sabihin iyon sa akin, alam naman niyang hindi ko rin naman siya sinusunod.

Hindi ba siya nagsasawa sa kauulit non? Ako kasi nagsasawa nang makinig.

Naglakad na lang ako patungo sa apartment ng barkada ko. May usapan kasi kaming magbabarkada ngayon na mag-iinuman kami para sa kaibigan kong may kaarawan. 

Sumasama naman talaga ako kung saan ang gimik ng barkada eh, ayaw na ayaw ko ang nanatili sa bahay na puno ng problema.

Nakarating na ako sa tambayan dahil binilisan ko ang paglalakad sapagkat umaambon na sa labas. 

Ewan ko ba kung bakit umaambon, eh, sumisikat naman ang araw nang umalis ako.

Nang makarating ako sa tambayan ay nakita ko ang mga kaibigan ko na abala na sa pag-iinuman. Mga walang-hiya, hindi man lang ako hinintay.

"Pare, halika na dito, hindi ka na namin hinintay, ang tagal mo kasi eh," sabi ni Jhon, isa sa mga katropa ko. Siya ang may kaarawan ngayon.

"Ang sabihin mo, sakim lang talaga kayo sa alak! Gusto niyong mas marami ang nainom niyo kaysa sa amin!" Sabi ko naman sa kanya at saka ay sinamahan sila na nakaupo sa sahig.

Habang umiinom ay dumating naman ang isa ko pang tropa. Tinanong ko naman siya kung umaambon pa ba sa labas . . .

"Gago! Ang taas nga ng araw eh! Bakit aambon? Tanga!" bastos na sagot niya. Nasanay na ako sa ganito eh. Sa ilang buwan ba naman na nakasama ko ang mga tarantadong 'to ay hindi pa ba ako masasanay?

"Sinong tanga? Tarantado ka ah!" Balik ko naman sa kanya.

Tinawanan lang kami ng barkada at sila ay nagpatuloy lang sa kakainom nila.

"Kuya, alam mo, idolo kita!" Napatingin naman ako sa bunso kong kapatid dahil sa sinabi niya.

"Oh? Bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang kinakarga ko siya. Malapit talaga ako sa kapatid ko. 

"Eh, kasi, mabait kang kuya, mabait kang anak, mabait po kayong kaibigan. Naku, kuya, ang suwerte talaga ng babaeng magiging girlfriend mo!" sabi niya na habang binibigyan ako ng matamis na ngiti. 

Ganito palagi ang kapatid ko. Laging nakangiti at nakatawa. Malambing sa aming tatlo nila mama at papa.

"Girlfriend? Hindi ka magagalit kapag nagka-girlfriend si kuya?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang kulot na buhok.

"Bakit naman po ako magagalit, kuya? Basta ba, mas maganda siya sa akin eh." sagot niya sa akin. Ang batang ito, saan ba niya natutunan ang mga bagay na katulad non?

Nginitian ko siya at saka tinapik ang ulo niya sabay gulo ng bahagya sa buhok nito. Ayaw na ayaw pa naman niyan na ginugulo ang buhok niya.

"Kuya naman eh, ginugulo mo na naman ang buhok ko. Argh!" 

"Oh, pre, shot ka pa, kung ano na naman ang iniisip nito," sabi ni Mark habang inaabot sa akin ang isang baso ng alak. Kinuha ko ito at saka inubos. 

Biglang nagbago ang lahat sa aminng kapatid ko nang malaman ko ang masamang balita.

"Sinong gusto ng yosi sa inyo? Meron ako dito, marami-rami kasi akong nakuha sa wallet ni mama." Sabi naman ni Mike sa amin. Mabuti nalang at nagsalita siya dahil marahil ay manunumbalik na naman sa akin ang araw na iyon.

"Hahaha, talaga lang ha, Mike? Buti naman at hindi ka nahuli, baka piningot ka na naman non!" Asar ni Jhon sa kanya. Hindi na bago sa barkada ang mag-asaran. Kaya gustong-gusto ko ang manatili dito kasi nakakalimutan ko ang mga problema ko.

"Ulol. Hindi na ako nagpahuli no! Baka, hindi na naman ako pinaalis kung nagkataon." Pananariwa niya sa nangyaring hindi pagpapalabas sa kanya ng mama niya nang mahuli itong nangungupit.

"Maswerte ka't marami kang natitiba sa ermats mo, wala nga akong nakuha kahit ni sentimo eh." Reklamo ko naman sa kanilang tatlo. Minsan na rin akong nanguha ng pera sa mga magulang ko pambili ng alak at yosi. Hindi ko alam kung nalaman ba nila ang ginawa kong iyon.

"Bakit? Naospital na naman ba si Chelsea?" Tanong naman ni Mark si akin. Kilala rin nila ang bunso kong kapatid kasi minsan ko na itong nakwento sa kanila.

"Oo." Tipid na sagot ko. Hindi talaga ako masyadong nagbabahagi ng mga bagay bagay tungkol sa kapatid ko.

"Kawawang bata," narinig kong bulong ng isa sa kanila. Ito ang ayaw niya sa lahat. Ayaw niyang kinaawaan ang kapatid niya kasi nasasaktan din siya.

"Teka lang, may kwento pala ako sa inyo mga dude. May nakilala akong babae, grabe, ang hot mga dude, ang sexy eh. Kung magdamit, talo pa ang mga pokpok sa bayan." Nagsimulang kwento ni Mark. Si Mark naman ang matinik sa babae sa aming apat. Hindi na namin alam kung ilang babae na ang nagalaw ng mokong na iyan.

"Oh? 'Wag mong sabihing pinatus mo na naman? Wala ka talagang patawad," komento ni Mike. Maging ako ay napa-iling na rin sa mga gawain ni Mark.

"Eh anong magagawa ko, sila ang nag-aaya eh?" Pagmamayabang ni Mark.

"Pinairal mo na naman iyang pagiging chicboy mo! Pag nagkataon at nadisgrasya, ako talaga ang unang tatawa sa iyo." Sabi ni Jhon. Sinundan naman ito ng tawanan ng tropa.

"Oo nga pre, uso pa namang karma ngayon," pakikisali ko sa kanila. Kung gaano ako umiwas sa babae ay siya namang kabaliktaran ni Mark.

"Wala 'yan, magandang lalaki lang talaga ako eh." Pagmamayabang pa ng loko. Mukhang hindi pa ito natatakot sa karma. 

"Gago! 'Wag ka munang managinip. Puro ka imagination eh!" saad ni Jhon. Sa grupo ata si Jhon ang grabe kung mangbara. 

Nang 'di lumaon ay napagdesisyonan narin naming magsiuwian. Ubos na kasi ang alak, kung meron pa sana ay magdamag kami dito. Wala eh, kahit lasing, kailangan parin naming umuwi.

Nakita ko si papa sa labas ng pintuan. Hindi na ako makapaglakad ng maayos dahil sa kalasingan. Siguradong mahahalata na naman niya na naglasing na naman ako. Sesermonan na naman ako nito, panigurado.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na itigil mo na iyang bisyo mo? Ako ba talaga ang sinusubukan mo ha, Bryan?" Galit na saad sa akin ni papa. Oo, lagi nga niya akong pinapagalitan. Lagi kasi nila akong hinihintay na makauwi para masermonan lang.

"Ano bang pakialam mo ha? Bakit, humihingi ba ako ng pera sa inyo?" Sagot ko sa kanya. Hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko dahil sa kalasingan.

"Dadagdag ka pa ba sa problema namin ng ina mo ha? Alam mo naman ang mga nangyayari, hindi ba? Bakit ka pa dumadagdag sa iisipin namin ng ina mo? Ano ba ang nangyari sa iyo ha, Bryan? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan!" Sabi niya sa akin habang hinahawakan ang braso ko upang hindi ako makapasok sa bahay. Mukhang galit nga siya, ang higpit kung makahawak eh.

"Hindi nga. Ako nagturo sa sarili ko! Kaya pwede ba, huwag mo na akong pakialaman? Problemahin niyo iyong kapatid kong sakitin, huwag ako!" Singhal ko sa kanya. Bigla ata akong tumapang dahil sa epekto ng alak sa aking katawan.

"Huh! Ang kapal ng mukha mong magsalita ng ganyan. Wala ka pa namang kahit katiting na karapatan para sabihin iyan. Walang kwenta!" Sabi niya saka ako binitawan mula sa mahihigpit niyang mga kamay.

Nagsimula na akong maglakad papasok ng matigilan ako sa binitawang salita ni papa . . .

"Birthday ng kapatid mo bukas. Nagpumilit siyang lumabas sa ospital para lang makita ka sa kanyang kaarawan. Kung may katiting ka pa man na awa para sa kapatid mo, gawin mo ang tama." Mahinahon ngunit malinaw na sambit ni papa.

Bukas? Alam ko naman na bukas ang kaarawan niya eh. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

Pero, hindi ko siya mababati. Hindi ko siya babatiin. 

Isang Patak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon