(one shot)

20 3 6
                                    

Sayong mga labi na bakas ang mga ngiti, ako'y nahuhulog sa bawat ngisi. Hindi man halata ngunit sa loob ko'y unti-unting natutunaw ang aking puso sa bawat pagdungaw. Sa tuwing nakikita ang iyong mga mata ako'y nakakakita ng kislap na para bang galing pa sa ulap. Minsan masasabi ko ako'y nalulungkot kapag nakita kong may kasama kang iba, ngunit kailangan ko ding isipin na wala tayong relasyon sa isa't isa. Sana naman ay iyong mapansin ang puso kong nagpapapansin upang mak uha ang puso mong malayong mapasaakin, at kung mapapasaakin man ang iyong pusong mahirap angkinin ay sana naman ay tumagal tayo ng numerong mahirap bilangin.

                                              - otaku poeter

Aminin ang Matagal kong nililihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon