"LAFS"

13 0 0
                                    

<Angelica’s POV>

“Hoy Angelica, kanina ka pa pangiti-ngiti at tulala diyan ah.” Tinapik ni Isabelle ang balikat ko pero di ko siya pinansin. “Siguro nagde-daydream ka na naman dun sa nakasalubong nating pogi noh?” sabi niya.

Kanina pa talaga ako nangangarap. Halos di ko na nga naiintindihan yung lessons kanina.

Ganito kasi iyon, na-love at first sight AKO (As in AKO LANG. Hindi na-mesmerize si Isabelle sa kagwapuhan nung guy. I don’t know why) sa gwapong lalaking nakasalubong namin papasok ng school kaninang umaga.

Okay I admit, mata ko ang nagmahal. Pero mukha naman siyang mabait tsaka magalang eh ( > 3 < )

Sayang nga lang kasi di ko alam yung pangalan niya tapos may ID nga pero nakatalikod naman and naka-uniform ng private school. Aww, malas, sa public school lang kasi ako eh pero I have beauty and brains and good qualities kumbaga, total package na ako hihi ^o^

“Hehe. Di kasi mawala sa isip ko. Grabe talaga! Ang gwapo-gwapo niya! Kyahhh!” niyugyog ko ng bonggang-bongga si Sabel o Isabelle. Tawag ko sakanya ay Sabel pero Isabelle talaga ang name niya.

“Aray! Aray! Teka nga lang.” pinigilan niya ako “Gusto mo bang mabali buto ko!!?” payat kasi siya. Actually, below normal yung BMI niya. Ayaw niyang sumali sa feeding program, nakakahiya daw. Psh, may kaya sa buhay pero payat =_=

“OA naman. Mababali agad? Di ba pwedeng magkaka-bruises ka muna?! Exaggerated lang?” pamimilosopo ko.

“Tsk. Uwi na nga tayo.” Barado siya eh XD haha.

Ako nga pala si Angelica Velasco aka Angge, ang Miss Perfect sa school (Joke lang pero totoo xD). Mahilig akong mang-hunting ng mga pogi (Totoo yan) pero NBSB haha. Pihikan kasi ako, gusto ko sa lalaki yung total package na (katulad ko ^o^), yung tipong wala ka nang hahanapin pang iba sa kanya.

Karamihan kasi ng pogi ngayon ay bad boy, suplado at masungit pero may good side or nagiging good (Sa kakalasan, kasukdulan at wakas). Like yung character sa DNP, Sadist Lover, Avah Maldita, Ang Fiancé Kong Hudas, BTCHO, SDTG, TBYD  etc. (Idol ko silang lahat and sila ang dahilan kung bakit maraming kilig jiffies sa utak ko hehe :”>)

Siguro naman may lalaki pang ganun noh?! Kung wala na, sayang naman!! Di man lang ako nakatikim kahit isa, CHAROT LANG!

And ipinapakilala ko rin ang BFF kong si Isabelle Dizon aka Sabel. 3 years na kaming mag-BFF at 3 years na din kaming magka-klase. Parang na nga kaming sisters. She’s pretty and adorable (mas maganda ako sakanya, jk!) kaso payatot.  No offense sana kay Sabel. I’m just saying the truth. Pero mahal na mahal ko siya noh.

“Huyyy! Ano ba Angge?” nagbalik wisyo nanaman ako nung pinitik ni Sabel yung pisngi ko.

“ARAY!” sigaw ko pero di ako galit. “Bat mo ginawa yun? Huhu.” Hinimas ko yung pisngi ko. Sakit kaya nun.

“Nag-de-daydream ka nanaman kasi!”

“Eto naman ei!” tumayo at kinuha ko na yung gamit ko. “Tara na nga!”

Naglakad na kami hanggang sa sakayan ng mga jeep.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon