<Angelica’s POV>
Nilanghap ko muna yung pabango sa panyo ni Bryan bago ko ito labhan.
Grabe! Nakaka-turn-on yung pabango niya.
S-in-earch ko siya sa facebook.
Halos kalahating araw din akong naghanap sa facebook noh.
Dami kayang Bryan sa mundo!
Pero mabilis ko naman siyang nakita at in-add. May mutual friends kasi. Nagulat nga ako kasi mutual friends ni Bryan si Sabel!
Baka naman type din ni Sabel si Bryan? Oh. NO.
Pero sabi niya, di daw niya magagawang sulutin yung crush ko. I felt relieved.
Days passed, di ko na siya nakita pa.
Pero updated naman ako sa kanya dahil in-ACCEPT niya ako sa fb. Nagulat nga ako nung malaman ko yun, kaya palagi ko siyang mine-message kahit di siya nagrereply (FC kasi ako hihi XD)
Inamin ko na rin na nagkagusto ako sakanya kaya siguro siya lumayo.
Nasa akin parin yung panyo niya. Yun lang yung hindi ko sinabi sa kanya. Remembrance ko na yun para sa taong naka-love at first sight ko.
“ANGGEEEE!!!” sigaw sakin ni Sabel.
“Shhhh! Nasa convenience store tayo ohh, wag ka ngang mag-iskandalo.”
“Eh kanina pa malalim yung iniisip mo dyan eh. Mga nasa 73 ft. na ang lalim.”
“Kailangan compyutin??” sarkastikong sabi ko tas sumipsip sa iniinom kong mountain dew.
“Hindi naman.” Cool na sabi niya “Eh ano ba kasi problema mo dyan?”
“Si Bryan!”
“Bryan?! Ahh yung naging crush mo agad kahit dalawang beses mo palang nakita.”
“Uhuh.”
“Bakit mo ba pinoproblema yun? Wala kang nang pag-asa dun. May GF na yun.” Wait. Ano? GF daw? WHAT?! WHY?! WHO?! WHEN?! HOW?! AARRGHHHH!!!
“HUH?! Pano mo nalaman??”
“Nakita ko siyang may kaakbay na girl nung isa araw dun sa mall.” Bakit di ko siya nakikita samantalang si Sabel, nakikita niya?
Baka naman kapatid niya, tropa, pinsan, bestfriend or kapatid-patiran lang. Di siya pwedeng magka-girlfriend!! Bakit hindi pwede? Ano niya ba ako? STRANGER! Tama. I’m just a stranger.
“Talaga?!” tumango lang siya. “Ah. Okay.” Sumipsip ulit ako sa Mountain dew.
“Hello!”
“Huh---” FUUUU—muntikan ko nang maibuga yung iniinom kong mountain dew.
Really unbelievable.
Guess who?
“Hellooo!” why he’s smiling??
He’s SMILING at ME! But we’re not close actually we’re STRANGERS.
“H-hi?”
“Umm. . . .”
Naalala ko bigla yung panyo niya. Buti nalang nadala ko ngayon at pwede ko nang ibalik. “Umm. . . . . . . naiwan mo yung panyo mo noon nung nakasabay ka namin sa jeep.” Inabot ko na ito sa kanya.
“Thanks. . . . . actually. . .” humawak siya sa batok niya na parang nahihiya. Weird! Eh baka nga di niya pa ako kilala eh. “Angelica. . . umm. . .” Huwaat? Kilala niya ako “Actually sinadya kong iwanan yun sa jeep kasi ano. . .” sinadya niya?? Nekekeleg ake! “Matagal na kitang kilala at matagal na din kita crush!” HUH? Nananaginip na naman ba ako?? Paki sapak nga ako.
Yieeeeeeee :””>
Bakit naging crush ako ng crush ko??
And we lived happily ever after. . . .
-FIN-
BINABASA MO ANG
Love At First Sight
Teen FictionHope you enjoy this short story of mine :) Thank you and spread the love even though forever doesn't exist.