A Teenfiction story that you'll definitely love. A one shot made by our WESOG members or so called as Wesogians. An inspirational stories that you can't deny.
A Senseigan One Shot Story...
Hope you like it!
•|•|•|•|•|•|•|•|•|•
Last Dance
"Tangkad! Ikaw ang magiging last dance ko sa debut ko ah?" Tanong sa'kin ni Thea, gurlfriend ko.
"Oo naman pandak!" Sahot ko kaagad sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
"Pero tangkad... Pano kung di ako aabot sa debut ko?"
Napangiti ako ng mapait. Mahirap mang tanggapin pero kailangan eh. Kailangan mong tanggapin na hindi na siya magtatagal sa mundong ito.
"Shhh... Wag kang mag-isip ng ganyan. Aabot ka sa debut mo okay? Tandaan mo yan pandak!"
Napatango siya sabay yakap ng mas mahigpit sa'kin. Ba't ba kasi nagkasakit ka pa?
Dismissal time. Habang naglalakad kami sa hallway. Nagulat ako ng humawak sa'kin ng mahigpit si Thea. Tinignan ko siyang may pagtataka. Laking gulat ko na lang ng bigla na lang siyang nawalan ng malay.
"Thea! Thea! Gumising ka!" Yugyog ko sa kanya pero wala eh.
Binuhat ko siya sabay para ng taxi papunta sa pinakamalapit na hospital. Pagdating namin sa hospital. Sinalubong kaagad ako ng mga nurse.
"Miss, delikado ang buhay niya! Please, gumawa kayo ng paraan!" Pagmamakaawa ko.
"Wag po kayong mag-alala sir. Gagawin po namin ang makakaya namin!" Sabi naman ng nurse sabay pasok na sa emergency room.
Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Bwesit! Anong gagawin ko nito?
"Jasper, nasan ang anak ko?" Bungad na tanong sa'kin ni tita.
"Nasa loob pa po ng emergency room" walang ganang sagot ko.
Kinakabahan na ako sa magiging resulta. Sana mahiging ligtas muna siya.
Mga ilang oras. Lumabas na ang doctor galing sa emergency room.
"Doc, kumusta po ang anak ko?" Mabilis na tanong ni tita.
"It's sad to say pero kailangan niyo itong malaman. Mas lalong lumaki ang butas sa puso ng inyong anak. Delikado na kung magpapa-opera pa siya. All you have to do is to wait her to sleep. Excuse me" saad ng doctor sabay alis.
Napasuntok na lang ako sa dingding. Di ako makapaniwala! Wala na ba talagang chance na mabuhay pa siya? Bakit kailangan pa niyang mamatay? Hindi man lang ba siya tatagal sa lupa? Ba't kukunin niyo na Lord? Gusto ko pa siyang makasama! Gusto pa siyang makasama ni tita! Bakit? Bakit siya pa? Bakit siya pa ang binigyan niyo ng ganitong sakit? Di pa ba sapat ang mga kabutihan na ginawa niya?
ANO PA BA ANG KAILANGAN NIYANG GAWIN PARA DI MO SIYA KUNIN?!
Nang magising na si Thea. Lumapit kaagad si tita sa tabi niya. Habang ako nakaupo pa rin sa upuan na nasa tabi ng kama nito.
"Buti at gising ka na anak" maluha-luhang sabi ni tita.
"Ba't nandito na naman ako? Anong ginagawa ko rito?" Mahinang tanong niya.
"Nahimatay ka kasi anak. Buti at natulungan ka kaagad ng mga doctor rito sa hospital"
"Ganun po ba?"
"Sige, lalabas muna ako sandali. Bibili lang ako ng makakain natin" mapait na ngiti ang ibinigay ni tita bago umalis.
Napatingin naman sa'kin si Thea na may lungkot sa kanyang mga mata.