QR #1

769 13 2
                                    

        

    "Paano nakapasok ang mga patay gutom dito sa university? " biglang sabat ni Kira pagpasok ko palang sa klase. Tumawa naman silang lahat.

"Ma'y patay gutom dito sa university. Kawawa naman" sabi ni Katrina twin sister ni Kira

Yung mga kaklase ko naman sigaw nang sigaw, " Sino? Sino yung tinutukoy niyo?"

"Isa siyang sinungaling at mahirap! Yung nanay niya ay isang maid habang yung tatay niya ay janitor dito sa university on night shift. Kawawang bata" sabay tawa ni Kira at nakipag-apir sa kapatid niya.

"Sure kayo? Paano naman nakapasok yung ganyang klaseng tao dito sa school? " sabat naman ni LeAnn

"Palakpakan po natin si Jasmin Aguire ang hampas lupa na kaklase natin!" at dun sa flatscreen nang classroom namin, pinakita yung mukha ko

Umiiyak na ako, ginawa ko lang naman lahat yun para hindi ako ma out of place. Para hindi nila ako tatawanan gaya nang ginagawa nila ngayon. "Sumusobra na kayo" sabi ni Ari yung best friend kong mayaman. "Bakit? Totoo naman diba? Mahirap yang best friend mo. Ingat ingat ka Ari baka pinaghut-hutan ka lang nang pera niyan" hindi ko na kinaya at tumakbo na ako palabas nang university.

Tumakbo ako dun sa may kanto at dun ko na iniyak lahat...nang bigla kong ma tandaan na maganda ako. Tumayo ulit ako at sinabi sa sarili ko " Magbabayad yang lahat sila pag yumaman ako. Pagbabayarin ko silang lahat, isa isa" at napagpasyahan kong umuwi nalang imbis na pumasok sa klase.

"O? Maaga ka ata nauwi anak?" sabi ni mama

"Ba't niyo ba ako binuhay nang ganito? Bakit ba kayo mahirap? Tingnan niyo naghihirap din ako. Mahirap din ako. Pinagtatawanan ako kasi yung nanay ko isang maid at yung tatay ko janitor! Walanghiyang buhay 'to!" sabi ko sa nanay ko at isang malutok na sampal ang naabot ko galing sakanya "Magpasalamat ka at binuhay kita!" sabi niya

"Itong maliit na bahay na ito? Itong damit kong hindi branded? Itong peke kong bag? Ito ang pagpapasalamatan ko? Sana pinatay niyo na lang ako. Gagawa pa kayo nang anak, yun pang mahirap kayo" sinampal niya ulit ako " Mangilabutan ka sa mga sinasabi mo Jasmine. Kung hindi dahil sa amin nang tatay mo wala ka sana dito.."

"Kaya nga. Sana nagpa-laglag ka na lang. Ayoko maging mahirap!" at umalis na ako dun sa bahay bago pa niya ako sampalin ulit.

Pumunta nalang ako sa mall para magpalamig nang utak, yung mukha ko ang hapdi pa. Naiinis ako, ba't ba kasi sa lahat nang tao sa mundo, naging mahirap pa ako? Ako pa talaga yung napili! Walang hiyang buhay! Napaupo nalang ako dun sa waiting area nang mall, at napa iyak sa sobrang galit at frustrated ko. Ayoko na maging mahirap. Basta gagawin ko talaga lahat nang kaya kong gawin para maging mayaman. Ayoko maging mahirap habang buhay. " Miss are you okay?" napatingala naman ako sa sinong nagsabi nun.

Ma'y edad na siya mga 30 plus o mas pa diyan, pero gwapo naman siya. Brownish-black yung buhok niya. Suminghot ako, tapos I wiped my tears with the back of my hand " Ah opo, okay lang po ako. Pasensya na po" sabi ko satay yumuko

"I know you're not okay. " sabi niya " Oh you go to Javier University, but I've never seen you around there"

Napatingin nalang ako sakanya, baka stalker to o ano? Pero bakit naka long sleeves siya at pantaloons? Baka ito yung bagong dean of students? "Sorry po, pero sino po ba kayo?"

Napakamot siya sa batok niya, " Sorry, I am Rhiener Cacerez. I am a sponsor and a professor at your school. "

Shit, big shot pala 'to. "Pasensya na po kayo, hindi ko pa po kasi nakikilala lahat nang staff sa university. Freshie pa lang po ako sa JU po, sorry po talaga" sabi ko at yumuko

Tumawa siya " Oh you're new that's why I've never seen you before. Would you mind taking a walk around the mall for me?" offer niya

" Pasensya na po kayo pero kailangan ko na pong umuwi. Late na po kasi eh"

"Before you go, here's my card, call me.." he moved closer , held my hand, and kissed it "If you ever need anything..anything at all..don't hesitate" and before I could say anything more, he left.

Baka siya na ang susi ko para maging mayaman. Tinignan ko yung card na binagay niya Dr. Rhiener Anthony Cacerez, put a condom around your heart, because I am about to fuck your feelings, then I sweetly smiled.

"Jas? " bigla kong nilingon kung saan yun nanggaling at si Ari lang pala. The thing about me is madaling madali lang akong umiyak. I ran towards her and cried. I hugged her, " Sinabi ko naman sayo diba? Dapat sinabi mo na yung totoo"

"Para ano? Para pagtatawanan na ulit nila ako? Wag na. " at lumayo na ako sakanya

"Osya sige na..nangyari na ang dapat mangyari. Okay ka lang ba?" sabi naman niya

"Sobrang madali mo lang yang sabihin kasi hindi ka mahirap. Nabuo ka na walang problema sa pera. "

"Jas, that's not what I meant. Syempre I don't agree with you lying to everybody, but..."

"Hala Ari! Tingnan mo! Ang ganda nung damit! Dali pasok tayo" sabi ko at hinila ko na siya para matahimik na

*

Nakauwi ako mga 12:30 na nang gabi, grabe ang daming biniling damit ni Ari para sakin. Mga branded pa talaga at magaganda pa.

"Anong oras na Jasmine? Bakit ngayon ka lang?" sabi ni mama

"Haay nako wag mo na akong sermonan, alam kong late akong nakauwi. Nag-aya kasing magmall si Ari kaya nadala ako sa oras. Hindi ko uulitin" papasok na sana ako nang kwarto nang pigilan ako ni mama "Mag-usap muna tayo iha"

"Bukas na, inaantok na ako" sabi ko at binuksan yung pinto nang kwarto ko

Pumasok siya nang kwarto, "Nagiging masakitin na yung papa mo, anak. Magreretire na siya. Matanda na yung papa mo. Hindi na siya pwedeng magtrabaho pa...mawawala na yung employee's discount niya..ita-transfer ka na muna namin sa public university sa kanto...kung okay lang sayo"

"ANO?!" napasigaw ako nang wala sa oras. What the hell?

"Intindihin mo naman yung sitwasyon natin anak. Wala na tayong pera. "

"Dahil sa putang pera na yan, hindi ako makakapag-aral sa dream school ko. Hindi yan pwede mama. Kailangan kong tapusin yung pagiging doctor ko sa university o baka walang trabajo ang tatangap saakin. "

"Anak, yung kikitain ko na pera eh sakto lang para sa mga pagkain natin at pambayad dito sa bahay" sabi ni mama na mangiyak-iyak na

"Ma! Ano ka ba! Okay lang yan si papa, kaya niya pa. Hindi ako pwede magtransfer mama! Intindihin mo naman!"

"Pasensya ka na anak. Wala na talaga akong iba pang magagawa"

Pumunta nalang ako sa labas nang bahay at dun ko binuhos yung galit ko. Putang pera na yan, dahil diyan baka ma public college ako. Hindi ko papayagan na mangyari yan. Hindi pwede. Isip Jasmine. Mag-isip ka nang paraan para hindi ka ma public college. Mag-isip ka bilis!

Ah, si Dr. Cacerez. Baka pwede niya akong matulungan! Tama! Kinuha ko kaagad yung cellphone kong antique at yung card nung doktor at kinapalan na yung mukha ko at tumawag sakanya.

"Hello Good morning, Dr. Cacerez office, how can I help you? " sabi nun babae sa kabilang linya

"May I speak to Dr. Cacerez please?" tanong ko naman

"I'm sorry, Ma'am, but he isn't available at the moment, but I can pass on a message"

"Please tell him that Jasmine Aguire wants to meet up with him tomorrow at noon, kung pwede? " please please please Papa Jesus, sana pwede.

"Okay at what time and where?"

"Mga 11:30 AM sa Bistro Cafe malapit sa Javier University"

"I'm sorry, but he has some things to do at that time, but you are welcome to see him tomorrow at that exact time"

"Ok, sige pupunta ako diyan bukas. Salamat." at binaba ko na.

Kung papipiliin ako, mayaman o mahirap, magiging mayaman na mayaman ako...

Dares and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon