"Oh Sugo ng Kadiliman! Magpakita ka sa akin!" Sigaw ng isang babaeng nakasuot ng itim na mahabang damit habang nagsasagawa ng isang Ritwal. May binubulong bulong itong mga Latin na salita habang nasa gitna sya ng isang malaking Pentagram na iginuhit gamit ang dugo ng mga taong kanyang Nakulam
"Ina! Ina! Pakawalan nyo ako dito!" Sigaw ng batang lalaki na anak ng Mangkukukam.
"Manahimik ka! Hindi pa ako tapos sa ginagawa kong ritwal. HihihihiwAHAHAHHAHHA di magtatagal Bealial Mapapasakamay na ng panginoon ko ang katawan mo!" Tila baliw na saad ng Mangkukulam pagkatapos ay kumuha ito ng kutsilyo at hiniwa ang kanyang pulsuhan. Ang dugong lumabas sa kanyang sugat ay agad nyang ipinatak sa Pentagram
"Ina...." Labis ang takot na rumihistro sa mukha ng batang lalaki. Hindi na nya alam ang kanyang gagawin
"Pag ikaw ay Naialay ko na sa Aking panginoon ,Bealial. Magsisimula na ang paghahasik nya ng kanyang itim na kapangyarihan hahhahhahahah." Napaatras ang Batang lalaki ng makita nyang tumayo ang Kanyang ina at tsaka lumapit sa kanya dala dala ang isang kutsilyo
"Huwag po Ina.. huwag po!"
"Shhh Anak kaunting dugo mo lang naman ang kailangan. Hindi ka ba nasisiyahan dahil makakamit ko na ang matagal ko ng pinapangarap?" Agad na hinablot ng Mangkukulam ang kamay ng bata at agad itong hiniwaan sa may bandang pulso. Ng lumabas ang dugo mula rito ay agad itong sinalok ng mangkukulam at ipinatak sa Pentagram
"Ina!!!!" Umiiyak na sigaw ng bata ng biglang mag ilaw ang pentagram at lumabas ang mga kulay itim na usok at lumapit sa kanya. "INA! INA! HUWAG! TULUNGAN NYO PO AKO!"
"MAHANAHIMIK KA! KAYLANGAN KA NG PANGINOONG BELIAL!"
"AYOKO PO INA! ina... huwag po... HUWAG!!" Nagsisigaw ang batang lalaki habang pilit na kumakawala mula sa itim na usok. Napatingin ito sa kanyang ina na bahagyang pinagmamasdan lamang sya
Wala na ang dati'y mapagmahal nyang ina. Nawala na...
"Ina..." tanging saad nito habang nawawalan na ng lakas
Napatigil ang Babae at bigla nyang nabitawan ang kutsilyong kanyang hawak hawak. Tama. Biglang natauhan ang mangkukulam. "A-anak?" tanging saad nito "h-hindi! Huwag! HUWAG MONG KUNIN ANG ANAK KO!"
agad itong tumakbo papalapit sa kanyang anak at agad itong nitakap "tumigil ka. TUMIGIL KA NA!!!!!!"
"HALIKAYO! NANDIDITO PO ANG MANGKUKULAM!" napatingin ang babae sa labas ng marinig ang boses na iyon. Kung kinakailangan magpakita sya sa mga tao sa labas upang matapos ang kahibangan nya ay gagawin nya "PASUKIN NYO ANG LOOB! MAY GAGAWIN MASAMA ANG MANGKUKULAM NA IYON SA KANYANG ANAK!"
biglang nagsipasok ang mga tao sa loob ng bahay ng babae at pinagsusunog ang mga bagay roon. Tama! Kailangan matigil ang Ritwal kung hindi...
Mapapasakamay ng Demonyong si Belial ang kanyang anak. "AYUN ANG MANGKUKULAM!" Sigaw ng isang tao. Tahimik lamang na tumayo ang Mangkukulam at kinuha ang Kutsilyo sa kanyang tabi at ngising tumingin sa mga tao
"Hola Y Adios" tanging saad nya bago sinaksak ang kanyang sarili. Sa puso. Ngunit ito ay labis na nagsisisi sa nagawa nya sa kanyang anak
"KUNIN NYO ANG BATA!" sigaw ng isang tao. Agad nila itong inilabas at inilayo sa bahay na iyon. Habang ang katawan ng kanyang ina ay nanatili doon habang nasusunog ang kaniyang dating bahay
Agad na nagmulat ang mata ng bata at tumingin sa lalaking bumubuhat sa kanya. "Toy anong pangalan mo?" Biglang nagitim ang buong mata ng bata at ngumisi
"Belial" labis ang pagkagulat ng taong bumubuhat sa kanya ngunit di iyon pinansin. Bumalik bigla ang mata ng bata mula sa dati nitong kulay
Doon pa lang nagsisimula ang paghihirap ni Bealial sa kamay ni Belial
_____
"Sa Tingin ko nagtagumpay ang mangkukulam na si Rebecca Father. Nakita ko ang mata nya kanina. Naging itim ito" mahinang saad ng isang lalaki sa Padre na nagbabantay ngayon sa batang si Bealial
"Hindi nagkakamali ka. Ramdam kong hindi pa nagtatagumpay si Rebecca. Hindi pa tuluyang naililipat sa katawan ng batang iyan ang Demonyong iyon" mahinahong saad ng padre habang nakatitig sa kinahihigaan ng bata
"Hindi pa natatapos ang ritwal?" Tumango ang Padre at umupo sa isang upuan at marahang hinawakan ang kanyang bibliya
"Hindi pa ngunit hindi ko rin masasabing hindi naimpluwensyahan ang bata ng demonyong iyon"
"Kung ganoon ano po ba ang dapat nating gawin? Kung mawawala ho ba ang batang iyan matatapos na ba ang problema natin?" Umiling lamang ang padre at tsaka tumingin sa kalangitan
"Kung agad na mamatay ang bata. Parang pinadali lamang natin ang layunin ng demonyong iyon. Mabilis nyang makukuha ang katawan ng bata. Sa tingin ko ay kailangan na natin ng tulong" buntong hininga ng padre. Maging sya ay di na nya alam ang gagawin
"Ano pong tulong?"
"Kailangang madala ang batang ito sa Vatican City"

BINABASA MO ANG
Belial's Curse
Mystery / ThrillerMany years ago a two Powerful demons named Malphas and Belial were challenged. They need to compete each other for a position. To be a Lucifer's Right Hand So they Decieved humanity, they do Troubles, Scattered lies, Destroyed hopes and make every p...