Prologue

29 2 0
                                    

Love at first sight?


Marami na akong nabasang novels and short stories even mga napanood na kwentong about sa Love at first sight. Pero ako personally, I don't believe in that. Ano ba naman kas, LOVE agad e, unang pagkikita niyo pa nga lang. Napaka imposible hindi ba?


Loving an imperfect person perfectly?


Kung ako ang tatanungin, against ako dito. Hindi ako naniniwalang mamahalin mo pa ang isang tao kung nasa kanya na lahat ang imperfection. Walang taong magmamahal ng taong nasa kanya na ata ang lahat ng kapintasan. Helloooo! Ano ka masukista? Para mo na ring sinugal yung kaligayahan mo.


Love conquers all?


Nako! Kalokohan! Hindi kayang sakupin ng pagmamahal ang lahat ng aspeto ng buhay. To sum up everything, I don't believe in love. Ok, let me clear things up. Hindi ako naniniwalang may totoong "pag-ibig" sa panahon ngayon. Oo, this generaration make me believe that love doesn't exist. Kung dati naniniwala ako, well this time, hindi na. In this era, love is just a word, a fantasy that was created by people who were so much attached with each other.



Until one day,

I met this guy who changed my perception about that so called "Love"


Love at first sight?


Yes, Masasabi kong na-hook ako sa kanya unang pagkikita pa lang namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya that moment. Alam mo yung tipong para siyang metal at ako naman yung magnet? Wala namang extraordinary sa kanya that day pero.......... Hayy! Bakit ganon? Is this Love?


Loving an imperfect person perfectlly?


Mayabang siya. Over confident. Masyado siyang tiwala sa sarili niya. Manhid siya. Manhid siya most of the time. Pero bakit ganto? Bakit ayos lang sa'kin lahat ng ito. Ayoko sa mga gantong attitude. But why I accept his flaws? Is this what you called Love?


Love conquers all?


Lahat sinuong ko. Mapahiya, mapagtawanan, sigawan, umiyak, mapagalitan, mabalewala.... Pinilit kong lampasan lahat ng fears ko para lang makapasok sa mundo niya. Bakit ko ito ginawa? Ito na ba talaga yung "Love" na sinasabi?

When we meet HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon