2

59 3 1
                                    

Chapter 2: New home

Amira's

nagising ako sa isang dalampasigan, sa dalampasigan na ang buhangin ay napaka pino

"nasaan ako?"

"mahal, gising kana pala tumayo kana diyan at pupunta tayo sating tirahan"

"sino ka?"

sa ngiting inilabas ng lalaki saaking harapan biglang parang tubig sa bilis ng agos ang aking memorya sa pag balik

sa gabing ako ay inialay sa dagat, pagbukas ng aking mata nilalang ng karagatan akin ng asawa, Levistius ang kanyang ngalan, tindig na nakakahumaling

balat na kayumanggi, buhok na berde kakulay lumot,

pero ngayon saking harapan, lalaking itim na itim ang buhok, matang kulay luntian, ang ilong na matangos, ang labing mapula

sa kanyang muling pagsasalita, karagatan ay tila kumakanta

eto ba ay uri ng mahika o sadyang akoy nahuhulog na?

hindi, hindi ito pwedeng mangyari

"nasaan ako?"

ngiti ay isinumbat niya sa aking tanong, muli kong inilibot ang aking mata

karagatan ay ukay ganda, naririnig ko yapak ng kanyang paa, papunta sa kung saan niya gustong magpunta

sinundan ko siya ng tingin, isang maliit na barong barong lumantad saakin, gawa sa nipa bakod ay na papalamutian ng mga kabebe

"ang ganda" muli kung sinabi

kapansin pansin ang kanyang pagiging tahimik, bawat bigkas ba niya ng salita ay mahal?

kung sana normal lang siyang nilalang baka kanina ko pa siya pinaliguan ng mga banat kong wagas

"Levistius, anong lugar to?"

"eto ang bago nating magiging tirahan mahal, halika at libutin mo ang ating maliit na barong barong"

tumayo ako saaking kinasasalampakan, sinundan ang tinig ng lalaking may ari ng karagatan

gusto kong maiyak muli dahil di na ako makakabalik saamin, pero ayaw kong umiyak ng ma alala ang kanilang ginawa

mismong magulang ko pa talaga ang nagpadala sakin sa ganitong sitwasyon

ang akala ko'y kahibangan, yun pala ay may dalang katotohanan, ang kanilang kwento na ang mga taong nakatira sa karagatan ay isang katunayan na hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay alam mo na

ng ako'y makapasok sa barong barong, sahig ay gawa sa kawayan, maliit lamang ngunit kasya na saaming dalawa

ano kaya ang magiging buhay ko dito? namin?

"Levistius, gutom nako" sambit ko ng marinig ang aking kumakalam na tiyan

ako'y niyang tiningnan at ibinaling sa maliit naming kusina ang kanyang paningin

dahan dahan niya akong itinulak papunta doon, pagtataka nakaguhit saaking mukha

"a-anong?"

"magluto kana mahal, alas dose na ng hapon ako'y gutom na rin"

"ginagago mo ba ako Levistius?" medyo may pagalit saaking tono ng ito'y aking sambitin

akin siyang nilingon, ngiti niya ang aking nakuha

isang buntong hininga aking pinakawalan, mukhang wala nakong magagawa

nilingon ko uli ang kusina ng mapansing mayroon na palang mga gulay at karne ng baboy sa isa sa mga basket na naka lagay sa mesa,

ito'y aking nilapitan at pinagmasdan

"Levistius, nakatikim kana ba ng sinigang?"

"hindi, pero ikaw ba ay maari kong tikman?" hindi ko pala alam na ang may ari ng karagatan ay may pagka manyak rin pala

akin siyang nilingon at itinaas ang aking isang kilay

nginitian na naman niya ako na parang walang nangyari at may ginawa siyang di ko mapaniwalaang alam niya

ginalaw niya ang kanyang mga kamay na parang may kinukurot siya sa kanyang mga dibdib

sabay sabing "oppai"

Note: This part is so lameee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sitio. MambukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon