*RIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGG*
"What the duck?!" gulat na napabangon ako nung marinig ko yung alarm ko. Letsugas anong oras naaaaa. Tinignan ko ang orasan ko at ang sabe ng mga kamay neto ay.... "9:00 am"
Nanlaki agad ang mga mata ko "Hutaena, late na kooooooo. Bakit di ako ginising nung hudas kong kaibigan? Bwisit" maktol ko sabay lipad papunta ng banyo. Mabilis lang akong nag ayos kasi late na talaga ko. Nagsuot lang ako ng leggings na itim (kasi di ko mahanap yung jersey short ko punyemas) , black na tube at hanging blouse na white. Tapos sinuot ko din yung sapatos kong white na bigay pa sa akin ng papa ko.
Pagkatapos kong magbihis, nagtatatakbo na ko pababa ng hagdan. Dumaan muna ko saglit ng kusina kasi baka may pagkain.
"lintek talaga. Yari talaga sakin yun mamaya" nanggigigil ako. Walang pagkaen packing tape naman. Kumuha nalang ako ng daawang slice ng bread at umalis na.
Nag aabang na ko jeep sa may kanto namin ng biglang may dumaan na mabilis na kotse.
*broooooooom*
"HOY. WALANG KWENTANG DRIVER. SANA PINALIGO MO NALANG SAKIN YUNG ALIKABOK NAHIYA KA PA. BWISIT" Sigaw ko kahit alam kong di na nya ko maririnig. Naman oh, puro pa ko alikabok. After 12345678910 years , may dumaan na ding jeep. Sumakay na ko kasi baka maunahan pa ko, mukang punuan pa naman.
Nagtataka siguro kayo kung saan ako pupunta at bakit madaling madali ako. Okay, di ako papasok sa school kung yun ang nasa isip nyo. Di rin sa trabaho , kasi off ko ngayon. Pupunta ako ngayon ng audition para sa isang dance group ng school. Pangarap ko kasing makapag aral sa, SU (Sylvestre University). Mahirap lang ako ay kami pala ng bessy ko, kaya sobrang gusto naming makapasok dun. Sabe kasi nila , pag doon ka nakapagtapos sila na mismo ang hahanap ng magandang trabaho para sayo.
Napakamahal ng tuition fee doon. Di ko talaga kakayanin kahit kumayod pa ko ng kumayod. Buti nalang nabalitaan namin ng magaling kong kaibigan (na iniwan ako) na ang lugar namin ang isa sa mga napili nilang bigyan ng opportunity na makapasok sa eskwelahan na yun. Kaya sobrang nag ensayo ko para sa araw na to tapos malelate lang ako? Nakakainis.
This school year, mag 1st year college na ko at ang kukunin kong kurso ay theater arts. Gusto ko kasi maging professional theater actress someday. Di naman sa pagmamayabang pero , ako na si Cassandra Jhasmine Yap ay di lang sa pagsayaw magaling. Magaling din akong kumanta at umarte. Pero sayaw talaga ang pinakahilig ko. Bata palang kasi ako, sinasabak na ko ng papa ko kung saan saang contest kaya siguro ganto ako. Palaban. Di ako nahihiya sa harap ng maraming tao.
"Bayan ng Ilawan Stadium, may bababa ba?" tanong ni Manong Driver. "Meron ho" sagot ko naman.
Pagkababa ko, nawindang ang ganda ko sa haba ng pila. Jusko, eto na nga bang sinasabe ko eh. Minsan lang kasi yung gantong opportunity sa lugar namin kaya siguro marami narin ang nag try. May nakita akong namimigay ng number kaya nilapitan ko to para magparegister.
"Miss excuse me. Mag paparegister ho ako" nakangiting tanong ko.
"Huh? Sorry Miss, naubusan na kasi. Last na yung lalakeng binigyan ko kanina. Pasensya na" sabay alis. Put- pusang gala naman oh. Totoo ba yan? TOTOO BA YAN? Napahilamos nalang ako sa muka ko sa sobrang panlulumo. Yung tanging pagkakataon ko, naging bato pa. Ano nang gagawin ko neto ngayon. Luminga linga ako nagbabakasakaling may nakalaglag ng number nila. Yes I know ang lame, wala eh desperada na to mga prends. Saktong pagtingin ko sa kaliwa ko, nakita ko yung kaibigan kong baliw.
"HOY ALLISON, LINTEK KA!" Sigaw ko, kasi baka di nya marinig eh. Napalingon naman sya agad sakin habang nanlalaki ang mga mata. "CASSANDRAAAA" ay award sumigaw din sya pabalik oh, may pag kaway pa.
Nakalapit na sya sakin kaya agad ko syang nakurot sa tagiliran. "Bwisit kang babae kaaaa! What the duck, Ali? Di mo talaga ko ginising? Alam mo naman kung gaano kahalaga sakin tong araw na to. Tamo ngayon di na ko nakapagparehistro dahil late ako. Wala pang pagkain sa bahay kanina. Ali naman, pangarap natin to eh. Pero iniwan mo ko, ala-"
"Wait. WAAAAIT. Dire diretso kang magsalita babaita. Wait lang mag eexplain ako" Putol nya sa sinasabe ko. "FYI, ginigising kita 6am palang ng umaga. Hindi ko alam kung bakit kahit sampalin na kita eh ayaw mong magising. Kaya di na kita ginising ulit. About sa pagkain na sinasabe mo, hoy baka nakakalimutan mo wala na tayong stock sa ref. Hindi pa tayo nakakapag grocery dibaaaa?" hinihingal na sabe nya.
"Sht langs, oo nga pala. Pero di yun yung problema ko Ali eh. Hindi na ko makakasali. Naubusan na ko ng numero. Tsaka tignan mo, ang haba haba ng pila" naluluhang sabe ko. Wala na. Wala na ang mga pangarap ko, gumuho na. Huhuhu
"oh eto" sabi nya, sabay abot sakin ng kulay puti na parang sticker at may numerong nakasulat. "oh ano to?" tanong ko naman. "Marunong kang magbasa diba? May numero te, so ibig sabihin nakarehistro ka. Pinalista na kita kanina kasabay ng akin, buti nalang at pumayag sila na-" Niyakap ko agad sya ng mahigpit dahil sa sobrang tuwa. "What the duck friendship, MARAMING SALAMAT. SOBRANG SALAMAT TALAGAAAA. Hulog ka ng langit. Omg makakasali na ko" tatalon talon pa ko habang naiiyak sa tuwa.
Pumila na kami ni Ali dahil nag uumpisa na silang magpapasok. Nakakamangha kasi sobrang dami palang taga bayan ang gustong makapasok sa school ng sylvestre. Nakakaexcite kasi ang dami ko na namang makikitang kakaibang talento. O to the M to the G, sana eto na talaga *cross fingers*
"Cass, ready ka na ba?" kinakabahang tanong sakin ni Ali. Palagi syang ganyan, di kasi sya sanay na magperform sa harap ng maraming tao. Sinasali ko nga sya sa grupo ko kaso ayaw nya. Magaling si Ali. Nung nakita ko sya one time na sumasayaw habang nakaheadset, nakitaan ko sya ng potential kaya tinulungan ko sya na ienhance pa masyado ang pagsasayaw. Ako kasi ang nanghihinayang.
"Yep. Super. Nakakaexcite Ali hahaha ngayon ko lang ulit to naramdaman." nakangiting sambit ko sa kanya. "Sana bessy eto na to. Gusto ko talagang makapasok dyan" sabe nya sakin.
"Kaya nga kelangan nating galingan" sabe ko tapos sabay bigay ng ngiti kong pampalakas ng loob. "Alalahanin mo lang lahat ng inensayo at tinuro ko sayo. Kaya natin to Ali. Para sa pag aaral at kinabukasan natin ha?" sabay ngiti ko sa kanya.
*********
"GOOD AFTERNOON EVERYONE!" malakas na bati ng emcee na bakla. Grabe yung boses ah, nakalunok ng microphone te? Kairita. "EXCITED NA BA KAYONG LAHAAAAAT?" Dugtong nya pa.
"KYAAAAAAAAAH"
"SUPEEEER. OMG"
"TAMA NA DADA. UMPISAHAN NA TOOOOOOO"
At kung ano ano pang tili ang narinig ko. Jusko, my ears. Oh god.
"omg cass. Omg. Omg. Omg. Eto na cass eto na. Mag uumpisa na, mag uumpisa naaaaa" sabay alog sakin. Isa pa to eh. Kakaltukan ko na ng bongga. Kanina oa ko inaalog punyemas, naaalog na braincells ko.
"oo nyeta alam ko, alam ko. Di mo na ko kelangan alugin ng ganyan" iritang sabe kk sa kanya. " eeeeeeh caaaassss ayan naaa--"
"Isa pa. ISANG ALOG PA BWISIT KA , IHAHAGIS KITA SA BABA" putol ko sa sinasabe nya. Nagpout naman ang gaga. Kala mo naman bagay. "You are so brutal talaga bess. Grabe ka sakin" at mukang iiyak pa. Oh god ang drama nya.
"Tigilan mo ko sa mga pag--" naputol ang sasabihin ko ng bigla ulit nagsalita yung baklang emcee. "Ladies and Gentleman, thank you for waiting. Eto na ang pinakahihintay nating lahat. Ngayon ang araw kung saan malalaman natin kung sinu sino ba ang mga performer mula sa ating bayan ang mabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa SYLVESTRE UNIVERSITY !!!" napakalakas nyang sabe. Shutang bakla to sisirain pa tenga ko. "Okay so before we begin, magsitayo muna ang lahat para sa prayer at pambansang awit" daming dada neto. After magdasal at kumanta , eto naaaa...
"OKAY ITS TIME. LET'S START THE COMPETITION"
"woooooooohhhhhh"
"omg ayan naa"
"yeaaaaah"Ayan na. Hayuf. Tengene. Ipagdasal nyo kami mga kafriendship.
BINABASA MO ANG
Rhythym of the Hearts
RandomSa pagsasayaw nya lahat idinadaan ang mga nararamdaman nya. Mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Isang pagkatataon ang ibinigay sa kanya upang maipamahagi ang natatanging talento na meron sya at ang tanging paraan upang makapagtapos sya ng pag...