Chapter 2

2 0 0
                                    

"Closer I get to touching youuuu, closer I get to loving you. Give it --"

Pang #36 na silang performer. Mag jowang nagduduet. Muka lang silang nasa videoke ... Charot. Pero muka talaga. Kasi naman , ang saket sa tenga nung boses nila. Oh god. Napapapikit nalang ako kada bibirit sila.

"Excuse me #36, okay na pwede na kayong bumaba. Ayokong masira yung eardrums ko dahil sa boses nyo. NEEEEEEXT" sabe nung nagiisang babae na judge.

Harsh nya no? Sabe sa inyo masakit sa tenga eh. Pero ganyan talaga sila mag judge. Sobrang pranka pala nilang magsalita, lalo na yang babae na yan. Yung mga sinasabe nila

"Okay tama na, para kang tuod dyan sa gitna"
"Oh god, wala kang future dyan"
"Ang panget ng boses mo"
"No class at all"
"Di ka bagay sa school namin"
"Di ka presentable tignan, muka kang basura"
"You have a pretty face, but you no talent"

Parang gusto ko na tuloy mag back out dahil sa mga naririnig ko. Tapos , after mabigyan ng ganoong statement yung performer bigla sila tatakbo palabas ng stadium at umiiyak. I feel sorry for them, syempre mga kababayan ko yan. Si Ali nga, kanina pa namumutla. Tss.

Pero meron din naman silang pinupuri, kagaya ng

"You're good"
"pwede na"
"Konting hasa pa, gagaling ka din"
"Di ka maganda pero magagawan ng paraan may talent ka naman"

Kung puri bang matatawag yang mga yan. Haaaay buhaaaay. Lima silang Judge, isang babae the rest lalaki na. Yung babae , Ella Martinez ang pangalan. Tama lang yung height , petite , mistisa , may bilugang mata at hanggang balikat na itim na buhok.

Yung isang lalaki Carlo Martinez, siguro magkapatid sila nung Ella kasi same surname eh. Di sila mukang kambal so baka magkapatid lang. He has this aura na happy go lucky guy. Kasi mula pa kanina, nakangiti na sya. Shet di ba nangangawit panga nyan? Anyway, kulay chesnut brown yung buhok nya, he has round eyes like his sister. Medyo matangkad din sya.

The other one, Joseph Sy. Obvious na may lahing chinese to, kasi bukod sa singkit sya yung surname nya pang chinese hehe. Color black yung buhok nya at mahaba hanggang balikat. Kamuka nya yung sa F4 , ano nga pangalan nun? Yung sa meteor garden? Si wat.. Wasiley? Wachiley? Wazily? Basta yun kingina. Naka pandora hat din sya. In all fairness bumagay sa kanya. Meron syang charming looks na yung tipong pag tumingin sya sayo, mapapangiti ka tapos magu-goodvibes ka, mga ganun ba.

The 4th judge, Luigi Monteverde. Feel ko rockstar to. Ay mali, di pala feel kasi rockstar talaga sya. Sure ako dyan 😏. Pano kasi yung itsura nya, all black from top to bottom pati medyas di pinalagpas. Nakataas taas yung buhok nya, pero di mohoks hahahaha. Nakataas lang talaga na tipong pag may nalaglag sa buhok nyang butiki tegi hehehe. Tahimik lang sya. Shy type ata si koya.

And last , Mattheo Andrews Sylvestre. And yes, sya.. i mean yung family nya ang may ari ng SU. Obvious naman sa surname diba? Kanina pa sya walang imik, di nagcocomment, di nagsasalita, di ngumingiti. Poker face lang sya. Di mo malalaman kung bored or what. Di ko lang masyadong makita facial features nya kasi natatakpan ng hoody nya. Feel ko panis na laway neto eh, kahit humikab di ginagawa.

"Bes" kinakalabit ako ni Ali.

"oh? Problema?"

"I want to back out. Mukang di ko talaga kaya" tapos yumuko sya at tinitignan yung kuko nya na akala mo yun yung pinakainteresting na nakita nya.

"Tigil tigilan mo ko Allison. Ang tagal nating nagpraktis para rito tapos magbaback out ka?"

"eh Cass kasi, baka mapahiya lang ako. Buti sana kung katulad kita. Maganda, talented at makapal ang mukha"

Aba'y nanlait pa!

"Hoy. Confidence ang tawag dun no! Bwisit na to" taas kilay kong sagot.

"hehehe"

"Ali, magaling ka. Lagi mong tatandaan yan. Anu pa't naging kaibigan kita? Nandito lang naman ako nakasuporta sayo kahit gaga ka hahaha" sabe ko sa kanya

"Yieeeeeee. Thank you beeees. Labs na labs mo talaga ko" sabay yakap nya ng mahigpit.

"oo na sige na. Bitaw na. Abusado eh" at nag pout sya. Natawa nalang ako.

"NUMBER #41, Miss Allison Chantal Diaz. Please come up here in stage. You're next" Announced nung bakla.

"Sheyt. Bes ako na. Huhuhh kaya ko to. Aja!" oh si allison na pala. Sunod na ko pagkatapos nya.

"Go bes. Fighting!" sana lang magawa nya ng maayos.

Bumaba na sa upuan si Alli at pumunta na dun sa stage. Ang ganda ng bestfriend ko mga katropa. Yung buhok nya sobrang itim at bagsak hanggang bewang. Mekenes sye mga tropa. Kala mo lumunok ng isang drum na gluta. Maliit sya mga nasa 5'3 ata ang height nya. Tapos ako 5'7 , share ko lang. Yung mata nya bilugan na bumagay sa maliit nyang muka. Mukha syang kpop, mas maganda pa nga sya sa mga yun kung tutuusin eh.

Ayan na, ayan na. Nasa stage na sya. Papakilala muna daw sya. Kelangan kasi nun, tsaka yung reason mo bakit ka sumali. Dami nalang achuchu tss.

"Hi Miss Allison" emcee said.

"Hello poooo" Ali said. Yes namern, yan ba kinakabahan? Todo kaway pa ng kamay. Mayor ka ? Mayor?

"You're so cute, Miss Allison. Hahaha may lahi ka bang foreigner?"

"oo nga ang cute moooo!"

One of the judges said. Tumayo pa talaga. Ay hala! Ang ganda ng bff ko ah. Yung judge na nagsabe ay yung lalaking masayahin at di nangangalay ang panga. Mukang babaero tong lalaki na to. Napayuko naman si Ali pero hindi nakaligtas sakin ang pagpula ng pisngi nya. Hala tengene, yari yan kay Yuri hahahahaha susumbong ko to pagtapos namin dito. Si yuri jowa nya yun, kagrupo ko.

" Yes I have po. Im half korean, half pinoy po" Alli said. "Oh I see, kaya pala ang cute mo. Anyways, Can you please introduce yourself and tell us why you joined here" baklang emcee said.

" Hi everyone, my name is Allison Chantal Diaz. 17 years old. Currently living at Brgy. Sto nino. Im here because....ahm" at lumingon sya sakin sabay ngiti. "Im here because of my bestfriend. She inspired me the most. This is my way to thank her for everything thay she did to me, hi besssy hehehe" sabay kaway sakin. Naglingunan naman silang lahat sakin. Facepalm. Jusko ka Alli. Napilitan nalang akong ngumiti pabalik. Di nga ata ngiti to eh, ngiwi. "And of course for our dreams and goals." dugtong nya.

"aaahhh. What a touching scene here. Okay Allison, give us what you've got. Goodluck girl"

Nag umpisa na syang pumwesto. Nagsenyas na sya sa music operator, palatandaan na ready na sya. Napansin ko din na medyo umayos ng upo yung mga Judge. Okay, mukang nahatak ng charisma nya ang mga to. Much better. Huminga na sya ng malalim at nag umpisa na.

"Havana"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rhythym of the HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon