"Uy guys si Deans may graham balls ulit!" Sigaw ni Jia pagkakita sa bitbit ng kaniyang junior, sabay tili naman ng mga kaklase sa isinigaw nito.
Hindi maisip ni Jema kung ano ang meron sa kaniyang mga kaklase at baliw na baliw sila sa graham balls ni Deanna. Hindi niya alam kung masarap ba ang mga ito o bumibili lang talaga sila dahil si Deanna ang nagbebenta.
Halata naman na mayroon silang favoritism pagdating sa ubod ng tangkad na lower year student. Umiling nalang si Jema at tinuloy ang pagtingin sa cellphone.
Kinalabit siya ni Jia, "Mare gusto mo? Masarap yung graham balls ni Deans" sabi nito sabay bigay ng pagkain sa nananahimik na Jema. Kinagatan nito ang graham ball na iniabot ni Jia. Napapikit nalang siya sa sarap, tumayo siya at nilapitan si Deanna, hindi napansin ang paglayo ng mga kaklase sakanilang dalawa dahil ang naiisip niya lang ay ang sarap na natikman sa graham ball.
Nang makaharap ang nagtitinda, nagsalita ito, "Magkano isa?"
Sumagot naman si Deanna, "Ano, sampu"
"Luh, ang mahal naman." Gulat na sabi ni Jema.
"Mas mahal kita." Ngiti naman ni Deanna, "AYIIEE" Tili ng mga kaklase.
"Malaki naman tsaka masarap kaya worth it e, diba guys?" Dugtong pa ng nagtitinda ng graham balls. Napairap nalang si Jema sa mga kaklase niyang tumango at sumagot ng oo.
"Sige na nga, wala akong pera pero pabili ng two balls."
"Two balls?"
"Oo two balls."
-
"Hay nako, buti napabili natin ng graham balls si Jema noon noh?" Proklama ni Jia pagkalabas nila Deanna at Jema sa silid aralan ng magkahawak kamay.
"Oo nga, grabe ang tagal bago siya bumili"
"Ang manhid naman kasi, di napansin yung crush ni Deanna sakaniya"
Tumawa nalang ang lahat at naglinis na ng mga confetti na ikinalat para sa pagdiriwang ng ika isang taon ng JeDean.
Madami kasing nagbebenta sa school eh.
Dapat ata yung title nito, Love at first balls AHAHA
Sorry guys sabog tong author

YOU ARE READING
Ideas/Drafts
Short StoryIdeas thats been stuck with me for a long time. Most of these are from things I've read or heard. I imagined them better than my execution ;( So, I've recently been into the JeDean GaWong, so I finally gathered the courage to publish this book. (Thi...