Chapter 1Eri's POV
"I'm really okay, dapat si lola lang yung inaalala mo Pa." Sabi ko sa kabilang linya
"Magiingat ka parati habang wala ako diyan. Matagal-tagal pa ako bago makabalik, mataas parin yung lagnat ng lola mo." Pagaalala niya.
"Opo Pa, pakisabi kay lola miss ko na siya." Tumawid naman ako when the green light turned on.
"Osige bye na, baka ma late ka pa."
"Bye Pa, love you!" At inend ko na ang phone call.
Habang tumatawid, halos tumigil na ang puso ko sa pagtibok ng dahil sa nangyari.
+×+×+×
Kai's POV
"What happened?!" Pasigaw kong tanong nang biglang pumreno ang sasakyan.
"S-sorry sir, muntik na akong makabangga." Sabi ng driver ko.
Napabuntong hininga ako ng dahil sa sinabi niya.
"Okay, we need to say sorry first, lalabas ako." I was about to open the door ng pinigilan ako ng driver ko.
"Ako na ang magsosorry sir, ako may gawa nito."
"Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lumabas na siya.
Nakita ko galing sa kotse na walang tigil na nagsasabi ng sorry yung driver ko.
Tsk, wala ba siyang planong tulungan yung babaeng tumayo? Lalabas na sana ako, nang makita kong tumayo na siyang mag-isa.
Wait, that uniform. She goes to the same school as me?
Ngumiti lang siya at umalis. Huh, why did she leave? Is she really okay?
Pagkatapos makapasok uli ng driver ko tinanong ko na siya agad.
"Is she not hurt?" I asked
Umiling lang siya at sinabing "Wag na daw tayong magalala, okay na okay lang daw po siya sir."
I sighed from relief when I heard what he said.
We went straight to school after what happened.
+×+×+×
Eri's POV
Paulit-ulit kong iniihip ang nasugatan kong siko.
"Eri! Anong nangyari sayo? Bakit ka ba nasugatan?" Walang tigil na tanong ni Trixy nang makadating ako ng school.
"Nothing, natumba lang ako kanina." And I smiled to stop her from worrying.
"You should get that treated, baka ma-infect pa yan." Hinila niya ako at dinala ako sa clinic.
Pero nang makadating na kami, wala yung nurse. Kaya sabi ni Trixy hintayin ko daw siya sa loob at hahanapin niya yung nurse.
I sat on the bed while waiting for her pero ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin siya.
Tumayo ako at lumapit sa pinto.
"Asan na ba siya? Baka malate pa ako nito kakahintay."
I looked around hoping to see her already, but it caught my attention when this student passed by.
Oh, that's a new face, transferee ba siya?
"Hey Eri, I'm back." While wondering about it, thankfully dumating na si Trixy with the nurse.
Humingi naman ng paumanhin ang nurse dahil wala siya kanina at ginamot niya na ang sugat ko.
Pagkatapos akong gamutin lumabas na kami ni Trixy at pupunta na sa aming mga sariling classrooms.