Chapter 2
Eri's POV
The class already ended kaya inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na nang classroom.
Habang naglalakad sa hallway nahulog ko ang mga dala kong gamit nang may biglang nakabangga saakin.
"I'm sorry Eri Diaz! Hindi ko sinasadya." Agad naman ako tinulungan nung taong yun.
"Okay lang yun." Nginitian ko naman siya.
"Eri! 'Bat ka ba nasa sahig, anong nangyari?" Agad naman lumapit si Trixy nang makita niya ako at tinulungan ako sa pagpulot ng mga gamit ko.
"Ano bang pangalan niya?" Bulong ko pagkalapit na pagkalapit niya.
"Huh? Ahh, si Henry Borres, classmate ko." Napatango naman ako sa sagot niya.
Tumayo na kami nang matapos na kaming ligpitin ang mga gamit ko, binigay naman nung lalaki yung iba kong gamit na napulot niya.
"Thank you Henry Borres." I said and accepted my things.
"K-kilala mo ako?" Gulat niyang tanong.
Hindi ko na siya sinagot at nginitian lang. Nag wave naman ako sa kanya bago kami umalis.
"Hayss, hindi ka parin ba talaga sanay na kilalang kilala ka sa school?" Trixy said pagkatapos namin makaalis.
"Hoy hindi kaya." Pagtatanggi ko.
"Hindi ka diyan, sapakin kaya kita. All of the students picked you as the most beautiful girl in the school kaya lahat ng tao dito kilala ka, pa-humble ka pa eh." At sinimangutan niya pa ako. Napatawa naman ako sa kanyang reaksyon.
Maya-maya pa bigla naman tumunog ang phone ni Trixy.
"Oh my god, sorry Eri I need to go tumatawag na si mom." Sabi niya pagkatapos niyang makita kung sino ang tumatawag.
"Sure, bye mag-ingat ka."
"Hmph! Dapat sarili mo yung sinasabihan mo niyan, napakaclumsy mo pa naman. Osige, bye bye." She winked at me before leaving
Nang hindi ko na siya makita, agad naman akong umupo sa pinakamalapit na bench dahil hindi ko na talaga ma tiis ang sakit ng paa ko.
"Ughh ang sakit." Bulong ko.
"Why would it not hurt kung kanina ka pa nagpapanggap na okay ka lang." Nanlaki naman ang mata ko nang may biglang nagsalita galing sa likod ko.
K-kanina pa ba siya diyan?
Nagulat ako nang lumuhod si Kai sa harap ko at tinanggal ang sapatos at ang socks ko.
"H-hey--"
"Tsk tsk, I knew it. Look, sobrang namamaga na yung paa mo. I should have noticed it when I saw you walk weirdly earlier in the canteen." Sabi niya ng may halong inis.
Napatingin ako sa phone ko nang may biglang tumatawag. Nang makita ko kung sino iyon hindi ko nalang ito pinansin.
"Are you not gonna answer that?" Tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot.
"Oliver sasama ka bang kakain sa labas pagkatapos ng game?"
"Ah hindi na, baka manonood si Eri ihahatid ko nalang siya pauwi pagkatapos."
"Ikaw talaga, nagkagirlfriend lang ayaw mo nang mag hang-out kasama kami."
"Hahaha, osige mauna na kayo sa court hihintayin ko muna siya."
Napatigil ako nang maringig ko yung boses na yun.
"I need to bring you to the clinic, kailangan agad yan magamot." He said and stood up.