CHAPTER VIII

23 1 0
                                    


Hay naku, naiistress ako sa lalaking yun. Kakaloka eh?

"Hooh bahala ka sa buhay mo lalaki ka."

~Bogshhhh~

Bumukas ang pintuan ko at niluwa si Rence.

"Ano?" pagtataray ko sa kanya

"I'm sorry. At teka lang may kasalanan ka din naman ah."

"Aba! At may kasalanan talaga ako? Ano naman po yun?"

"Sumama ka dun sa lalaki mo na walang paalam."

"Bakit nagpaalam ka?"

"Oo, nagnote ako sayo."

"Bakit? Sinabi mo na sa babae mo?"

"Hindi"

"Oh hindi naman pala, edi hindi ko rin sinabi. Hala alis sa kwarto ko."

"Hoy babae, ako nagbayad nito. Ikaw lumayas."

"Fine." Then I packed my things. Akala niya. May matutuluyan ako oyy, mangungutang ako kay Rafael.

"What are you doing?"

"Nag-iimpaki? Tanga ka na ba ngayon?"

"Hindi, bakit ka nag-iimpaki?"

"I'm leaving." Sabay kuha ko sa maleta ko at lumabas ng pinto

"HIndi ka aalis!"

"Sabi mo umalis ako. Tapos ngayon ayaw mo. Bahala ka." at umalis nga ako

"Hoy teka." bahala ka nga at lumabas din ako

"Bahala ka nga. Babalik ka din."

Aba, akala mo babalik ako? Hindi. Paglabas ko nakita ko si Rafael dala ang maleta niya.

"Uwi na rin kayo?" tanong niya

"Hindi. Ikaw balik Pinas ka na ba?"

"Yeah. Bakit may dala kang maleta?"

"Naglayas?"

"Hahaha. Bakit?"

"Pinalayas na hindi ako ng asawa ko?"

"Hahaha nakakatawa ka talaga peipei. Gusto mo sabay na tayong umuwi ng bansa?"

"Sige, i papa reschedule ko na lang ang flight ko."

"Let's go? o baka gusto mong wag na umalis?"

"Aalis ako and that's final. Akala niya babalik ako magsama sila ng babae niya."

"Ayun oh, nangangamoy selos."

"Nang aasar ka? Hindi ako nagseselos, naiinis lang. Tara na nga."

Naku, akala ng lalaking yun. Huh, hindi ako babalik noh. Ayun nga pumunta kami ni Rafael ng airport. At naghihintay na lang kaming tawagin para sumakay ng eroplano pauwi sa  Pilipinas.

"Calling for all the passengers bound to Philipines."

"Tara na.Tawag na tayo oh."

"Oh, tara na." Nagsmile na lang ako. Pero hindi ko ata mapigilan na luminga sa paligid.

"Mamimiss mo ba ang Paris o may hinihintay kang pumigil sayo?"

"Tss. Ikaw korny na korny na ako sayo ha."

"Asus, change topic ka lang eh. Tara na. Kung humabol sa Pilipinas na lang siya humabol, maiiwan na tayo ng eroplano oh."

"Tseeehh."

"Honey naman sorry naaa."

"Aww ang sweet nung asawa oh."

"Bagay talaga sila."

Nagtinginan ang mga tao dahil sa pagsigaw ni Rafael. Baliw talaga to.

"Baliw. Hahahaha."

"Ayan, tumatawa ka na. Gumaganda ka lalo."

"Gusto mo ihatid kitang mental pagdating natin sa pinas?"

"Sige ba. Basta ba ikaw yung nurse."

"Ayun balik korny na naman po."

"Again, calling for the passengers bound to Philippines."

"Ayan galit na si ateng tagatawag hahaha."

Kaya ayun pumasok na nga kami. Pagpasok namin ayun yung upuan na naman niya yung sa may window kaya nakipagexchange ako. At habang tinatanaw ko ang tanawin sa labas ng bintana ...

"Sir, do you need anything?"

Narinig ko ang isang malanding tinig na nakakasuka. At paglingon ko, nagtama ang aming mata at parang mag aapoy na ang mata ko sa galit.

"Oh, hi maam DO YOU WANT ANYTHING?" (Ang landi talaga kahit sino na lang ang kasama.) bulong ng bruhila

"Oh, your asking me? I want you out of my sight. Now, leave."

"Malandi."

"Tinatawag mo ba ang sarili mo?"

"You may go miss." Sabat ni Rafael para matigil kami.

"Oh relax."

"Ang landi niya kasi eh. Grabe dapat sa kanya i-kick out sa eroplanong to eh."

"Haha. Lumalabas na yung usok sa ilong mo. Ang pangit mo na."

Aba, pangit ako? Tignan natin. Habang tumatawa siya, nagsmile ako, ang pinakamagandang ngiti ko, ah hindi yung seducing na ngiti. At unti unting lumapit ako sa kanya. Napatigil siya sa pagtawa. Hahaha.

"Sinong pangit?"

"Ikaw." Sabi niya ng lumalapit din sa akin. Arrgghh palaban to.

"Talaga?"

"Oo. Bakit? May angal ka?"

"Wala."

Umatras ako. Aba 2 inches na lang yung layo ng labi ko sa kanya. Baka himatayin ako noh.

"Matulog ka na nga. Mahaba habang byahe to." At nagsmile sya. Ang gwapo. Hihihi

His Exchange BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon