Grade six ako nito at may crush na agad ako at may karibal pa hahah. Lande!! Hindi! Natural lang yan diba? Agree? Its called puppy love (^–^)
______________________________
[Sinsay/Rowell/Wewe's POV]
“Hoy Wewe! Gumising kana dyan!” panggigising ni mama sakin na may kasama pang kurot.
Ouch! Ang brutal naman ni mama. Kailangan pa talagang mangurot? Pwede namang tapik tapikin nalang?
Wewe nga pala ang tawag sakin ng pamilya ko pati narin ng mga taga dito samin. Ang sagwa noh? Kapag may nangaasar nga saking bata, tinatawag akong wiwi hahah, ansagwa!
“Ouch! Si mama naman iiihhh” hinihimas ko ngayon yung hita kong kinurot ni mama.
“Lintik kang bata ka! Anong oras nanaman oh!” nanggigigil na sabi ni mama.
Yan nanaman si mama, palagi nalang highblood. Dibale, sanay na naman ako eh. Sa araw araw ba naman na ginawa ng dyos eh palagi nalang akong late magising at pumasok kaya palageng highblood si mama ko sakin.
“Opo” (_ _")
Tumayo na ako sa higaan ko at naupo nako sa sala namin. Nakatulala lang ako at naghihintay sa oras. Si mama ko naman ay inaasikaso ang mga susuutin ko papasok sa school.
.................
“Hoy wewe! Nakatulala ka nanaman dyan! Hintayin mo nga ako!” nanggigigil nanaman si mama hahah.
Patay! Wahhh siguradong mapapalo nanaman ako ni mama nito kaya agad na akong nagmadali sa pagkain para makaligo na.
*nubnubnubnubnub*
Finish! Hahah tapos nakong kumain! Sabay lingon ko sa wall clock namin.