Prologue

7 0 0
                                    

Maraming taon nang lumipas nang matalo nila si Haring Genesis at Ken Z, nag desidido ang Da Squad ay bumukod na at nag kanya-kanya na sila ng buhay.

Si Kristian naman ay lumakbay sa isang napakalayong lugar na kung saan siya ay mamumuhay ng mapayapa at nakapag asawa na at nagkaroon sila ng isang supling na lalaki na ipinangalan niyang Kaisir at masaya silang namumuhay sa isang lugar na ang pangalan ay Midgard.

Maraming pagsubok na dumaan sa pamilya ni Kristian maging ang kalikasan ay hinahamon na rin sila, pero buo at panatag pa rin silang pamilya.

Makalipas ng ilang taon, pumanaw ang Asawa ni Kristian, matinding lungkot at galit na umaapaw sa puso niya; maging ang kaniyang anak na si kaisir. pero bago man siyang pumanaw, nag bilin ang asawa ni Kristian na sirain ang mga puno o bato na may gintong hand print at sunugin ito kasama siya at ikakalat ang kaniyang abo sa pinaka tuktok ng pinaka mataas na bundok sa buong siyam na realms. Kaya sa mga sumunod na araw, Pinutol na ni Kristian ang lahat ng puno na may gintong marka maging ang mga malalaking bato ay inilagay sa isang tabi para ihanda sa pag sunog sa katawan ni Ella (ang asawa ni Kristian)

Kinabukasan, naglalakad sina Kristian at Kaisir para hanapin ang pinakahuling puno na may gintong marka. Nang makita niya ito, lumuhod siya at hinaplosan niya ang puno.

Tumayo siya ulit at kinuha niya ang kaniyang Axe at sinimulan niya itong putulin.

Nang maputol na ang puno biglang naalis ang strap sa kaniyang kaliwang braso na kita na ang marka na sumisimbolo ng kaniyang tunay niyang katauhan.

"Tay, may nakita akong bulaklak para kay Nanay!" tuwang-tuwa na sambit ni Kaisir at pinakita niya ito.

"Sige anak bumalik ka na sa bangka." sagot ni Kristian habang hinihigpitan niya ang strap na nasa kaniyang forearm at binuhat niya ang puno at pumunta na sila sa bangka para bumalik sa kanilang tirahan.

Pagdating nilang mag-ama sa bangka, agad na tininali ni Kristian ang puno sabay hinagis sa tubig habang tinatali ni Kaisir ang tali sa bangka.
Sumakay na si Kristian at umupo naman si Kaisir sa bangka at nagsimula na ito isagwan pabalik.

"Ama, nung kinuwento mo sakin tungkol sa Da Squad buhay pa ba sila?" tanong ni Kaisir.

"Sa totoo lang... Hindi ko alam.." malungkot na sagot ni Kristian.

"Bakit hindi kaya lumipat tayo sa mundo nila? baka mas okay pa ang buhay natin doon." Wika ni Kaisir.

"Ayaw mo ba dito sa Midgard?" tanong ni Kristian.

"Hindi naman sa ganon Ama, pero ayaw mo nun? mas gaganda ang buhay natin pag nasa kabilang mundo na tayo." sagot naman ni Kaisir.

"Hmm..."

Nang marating nila ang isla, agad na bumaba sa bangka ang mag-ama at inalis sa pagkatali ang puno sabay binuhat ito at dinala sa labas ng kanilang tirahan.

Si Kaisir naman ay agad na pumasok sa kanilang tirahan at sinindihan niya ng kandila ang kaniyang pinakamamahal na ina.

"Miss na kita Nay.." emosyonal na sambit ni Kaisir.

maya-maya lamang ay pumasok na si Kristian at nilapitan niya si Kaisir.

"Okay na siya.." Wika ni Kaisir sabay lumabas na ng bahay.

Lumapit si Kristian sa kaniyang asawa at hinaplusan niya ang ulo nito.

"Malaya ka na mahal ko.." malungkot na sabi ni Kristian sabay binuhat niya ang bangkay  at maingat ito ilabas sa kanilang bahay at inilagay ito sa mga panggatong.

Kinuha niya ang bato at ang kaniyang Axe at kiniskis ito sa itim na bato hanggang sa umapoy ang mga kahoy.

Nakatitig ang mag-ama sa pagsunog ng katawan ng babae at hindi mapigilan na maging emosyonal si Kaisir.

"Kaisir.." tawag ni Kristian.

"Bakit?" tanong ni Kaisir.

"Hindi ba tinuruan ka ng ina mo na mangaso?"

"Sa tuwing lalabas lang kami"

"Gusto kong makita."

"Ngayon?"

"Oo ngayon na.. Kunin mo na ang gamit mo at mangaso na tayo ng Usa."

Agad na tumakbo si Kaisir sa loob ng bahay nila para kunin ang kaniyang sandata para hulihin ng usa.

"Tara na ama!" saad ni Kaisir at nauna nang umalis.

Sumunod na si Kristian kay Kaisir at namangha siya dahil alam ng anak niya kung nasaan ang usa.

"Magaling Anak!" Nakangiting sambit ni Kristian.

"Nakita ko na ama!" wika ni Kaisir.

"Sige eto gagawi–

agad na pinana ni Kaisir ang usa pero hindi ito natuma at tumakas na.

"Kaisir ano ba ginagawa mo?! Hanapin mo yung usa!!" inis na sambit ni Kristian sabay kinuha ang pana ni Kaisir.

"Pero–

"Hanapin mo.."

"Ama hindi ko–

"HA NA PIN MO"

"Sige..."

Tumakbo na si Kaisir para hanapin ang Usa para patayin na.

To Be Continued...

The Frostians: RagnarokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon