FORCED 1

2K 2 0
                                    


PAGDILAT ko ng mga mata ko sobrang madilim ang paligid. Wala akong makitang kahit anong liwanang. Anong klaseng lugar to?

Nakahiga ako sa malambot na kama. Napaupo ako. Wala akong magawa kundi yakapin ang sarili ko.

Nasaan ba ako?

Gusto kong umiyak, sumigaw at humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses.

Ramdam kong may nagmamasid sa akin. Ramdam ko ang presensya niya dito.

"Buti naman at gising ka na!" baritong boses ng lalaki. Bigla akong natuyuan ng lalamunan.

"S-sino ka?" kinakabahan na tanong ko. Ni hindi ko alam kung nasaang parte siya?

"Hindi na mahalaga ang pangalan ko, Alexa!" fuck! Kilala niya ako?

Nagsitayuan ang balahibo ko. Buong buhay ko naging mabuti akong anak sa mga magulang ko, sa mga kaibigan ko at lalo na sa kapwa ko tao. Wala akong niloko, sinaktan at inalipusta.

Bakit ako? Anong kailangan niya sa akin?

"Nagmamaka-awa po ako sa inyo! Gusto ko na pong umuwi sa amin." naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko sa tuhod ko.

"Hindi ako marunong maawa!" ramdam ko ang tigas ng tono sa pananalita niya. Nakakatakot siya.

"Ano pong kailangan niyo sa akin? Palayain niyo lang po ako ibibigay ko po lahat ng gusto niyo."

Narinig kong tumawa siya ng bahagya. Yung tunog sarcastic na tawa.

"Lahat ng gusto ko?"  seryoso niyang tanong. "May pera ka ba?"

"Kung pera lang po madami ako nun. Magkano po ba?"

"Sorry, but I'm not interested with your money."

Nalaglag ang panga ko. Hindi dahil marunong siyang mag-english pero ano bang gusto niya?

"Kung kailangan mo ng trabaho, our company will offer you a job and we will compensate you well."

"Iniinsulto mo ba ako Miss Fontabella?" nanlamig ang buong katawan ko.

"H-hindi. Please, gusto ko nang umuwi." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Bakit, kaya mo bang ibigay ang gusto ko?" panghahamon niyang tanong sa akin.

Napalunok ako sa kaba. May pakiramdam akong iba ang ibig sabihin ng kahilingan niya. Hindi ko siya kakilala at hindi ko siya kayang pagkatiwalaan.

"A-ano bang gusto mo?" utal kong tanong.

Kahit pakiramdam ko ay alam ko ang hihilingin niya. Pinilit ko pa rin tanungin siya.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama. Mas lalo ang kinabahan at natakot sa paglapit niya.

Naramdamam ko ang bigat ng kanyang hininga. Mabango ito amoy mint. Stop it, Alexa!

"Alexa!" tawag niya sa pangalan ko. Buong buo ang kanyang boses.

Hindi ko makita ang mukha niya. Kaya pinapakiramdaman ko lang siya.

"What a beautiful name." hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko.

Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan. Nakakapaso ang paghaplos niya sa pisngi ko.

Muli ay hinaplos niya ang aking pisngi. Kaya napailing ako.

"Huwag po!" natatakot ako.

"I can sense fear." hinawakan niya ako sa balikat. Gusto ko sana din siyang hawakan para patas na kami.

 F O R C E D Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon