FORCED 4

1.1K 2 0
                                    

PAGKATAPOS kong kumain ay nagtungo ako sa labas kahit hindi ko naman alam kung saan ang labasan ng mansyon na 'to.

Napakaganda ng mansyon niya. Hindi ko maiwasan humanga sa desenyo ng mansyon. Mula sa ceiling, sa wall, sa floor at maging ang mga display. Makakalimutan ko talagang kinidnapped ako e.






"Señorita!" napahinto ako sa tumawag sa akin, batid ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Hinarap ko yung tumawag sa akin.

"Ano yun, Shin?" tanong ko.

"Ihahatid na kita kay Master." wala ba siyang pangalan? Err!

Gusto ko pa sanang libutin yung buong mansyon, pero baka isipin niya nawawala ako. "Sure."






Iginaya niya ako sa isang paliko na daan. Batid kong papunta na ito sa labas ng mansyon dahil unti-unti ko nang natatanaw ang natural na liwanag galing sa sikat ng araw.

Bumungad sa akin ang napakalawak at napakagandang garden. Punong-puno ito ng mga magagandang halaman at iba't-ibang uri ng bulaklak. Kapansin-pansin din ang parihabang swimming pool sa gitna ng garden.




"Narito na tayo, Señorita." tumango naman ako. "Maiwan na kita, Señorita." ngitian ko lang siya.

Natanaw ko ang aking kidnapper na nakatayo malapit sa pool. Ngunit nakatalikod ito, pero batid kong naninigarilyo ito. Dahil sa usok na ibinubuga niya.

Naglakad ako palapit sa kanya. Gusto kong malaman kung bakit ba niya ako kilala? At bakit niya ako kinidnapped?




"Take your seat." may halong awtoridad at lambing ang kaniyang boses. Ganun na lang ba niya kahalata ang presensya ko? O sadyang inaantay niya ako?

Gawa sa kahoy ang upuan at mesa ngunit hindi ordinardyong kahoy lang. Meron parin itong magandang desenyo.

Imbes na umupo ako ay umikot ako para harapin siya. Tinignan niya naman ako na parang hangin lang na dumaan.

Whuttt?!

Humithit pa siya sigarilyo niya saka ito tuluyang dikdikin sa ash tray na nakapatong sa kahoy na mesa.

"Gusto kong malaman kung bakit ako nandito?" nag-cross-arm ako.

Inayos niya ang coat niya, hindi ko ba maintindihin ng sarili ko. Ang hot lang nang galawan niya.

"Very well! Take your seat then."

"Model ako. Sanay akong tumayo." sarkastikong tugon ko.

Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya, batid kong nairita siya.

"Fine." Lumapit siya akin lalo kaya halos magkadikit na ang katawan namin. Amoy na amoy ang mamahalin niyang pabango.

Nanigarilyo siya pero bakit ang bango niya pa din?

"Alexa, I want you to be mine for three months."

What?!

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Parang gusto ko tuloy maupo hindi mag-sink in yung sinabi niya e. Pero kailangan kong panindigan na sanay akong tumayo. Kaya tiniis ko pa din tumayo kahit feeling ko gusto kong matumba.

"Is this your deal?" tanong ko.

Kasasabi lang diba, Alexa?!

"Yes and I'm serious about it." wala nga akong makitang ibang emosyon sa mukha niya. Ako naman, parang nalunok ko ang dila ko!

"I have family, friends and boyfriend. They are all waiting for me."

"How sure are you?" tinignan niya ako ng matalim, saka ibinaling ang mata niya sa envelope na nakapatong sa mesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 F O R C E D Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon