Nang Dahil sa Pag ibig

16 2 0
                                    

Nasubukan nyo na bang pumasok sa isang relasyon na isang BIRO lang? Ginamit ka lang dahil gusto nyang mag higante sa taong nanakit sa kanya. At yung taong gumamit sayo ay matalik mong kaibigan na matagal mo ring iniibig.
Ano kayang feeling?

Ako si Wenard , isang simpleng lalaki at simpleng mangarap, isa lang naman ang pangarap ko. Ang mapansin at makasama habang buhay ang bestfriend kong si Micah.

Syempre napapansin ako ni micah kasi lagi kaming magkasama araw araw at nag kakausap. Ibang pansin ang gusto kong mapansin nya sakin, yun ay yung pag hanga ko sa kanya.

Inamin ko na sa kanya tong nararamdaman ko sa kanya pero pinagatawanan nya lang ako at sinabing wag daw akong mag bibiro nag ganun.

Sobrang nasaktan ako dun, dahil inisip nya na biro lang ang feelings ko para sa kanya.

Sinakyan ko nalang sya sa pagtawa nya at binawi ang mga sinabi ko sa kanya na gusto ko sya. Kahit masakit sakin ang pag balewala nya sa nararamdaman ko. Ok lang. Basta maging magkaibigan lang kami sa matagal na panahon ayos na sakin yun.

Bawat nag kaka boyfriend si micah, sinasabi nya sakin ang mga katangian na meron sa boyfriend nya na nagustuhan nya doon at sobrang ipinag mamalaki nya ito. Ako naman si mr. Torpe tango lang ng tango habang naka ngiti sa bawat sinasabi nya, pero deep inside inis na inis na ko, inis ako sa sarili ko dahil binawi ko pa ang mga sinabi ko kay micah. Dapat pinanindigan ko nalang yung mga sinabi ko sa kanya, baka sakali ipagmalaki nya rin ako sa iba at ikwento. Pero hindi eh, bestfriend lang talaga ang turing nya sakin at baka hindi na iyon magbago.

Naiinis din ako kay micah kasi kahit obvious na yung pag kagusto ko sa kanya parang hindi nya binibigyan ng halaga yun.

Habang naglalakad ako nakita ko si micah na umiiyak sa tambayan namin, lumapit ako sa kanya at tinanong sya.

"Bakit? Anong nangyari?"

imbis na sagutin nya ang tanong ko , niyakap nya ako bigla at sinabing.

"Sana ikaw nalang si kenrich. Sana ikaw nalang sya, para hindi ako nasasaktan ng ganito. Hula ko na talagang niloloko nya na ako pero hinayaan ko lang yun kasi mahal ko sya. Mahal ko sya Wenard, mahal ko si Kenrich " sabi nya habang nakayakap sya sakin.

"ikaw lang naman kasi. Sinabi ko na ngang may gusto ako sayo binalewala mo lang." Biglang kumalas sya sa pag kakayakap nya sakin, sabay tingin nya sa mga mata ko , iniwasan ko yung titig nya.

"Oo . Totoo yung mga sinabi ko sayo dati. Hanggang ngayon gusto parin kita." sabi ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanya

Niyakap nya ulit ako at sinabing.

"Tulungan mo ko Wenard. Tulungan mo kong maka move on sa kanya, at ipapamukha ko sa kanya kung sino ang niloko nya." tumango lang ako sa kanya at sinabing tutulungan sya.

Kahit panakip butas ok lang sakin, basta nasakin na si micah at wala ng pwedeng umepal pa samin.

Mas madalas na kaming lumalabas ni micah sa isang araw.

Minsan nga buong araw na kaming magkasama mga tatlong buwan na rin kaming ganito.

Parang boyfriend na talaga ang turing nya sakin, basta iba na pati yung saya na nararamdaman ko iba narin.
Di ko mapaliwanag.

Parang akin na talaga sya, kulang na lang pakasalan ko sya para akin na talaga sya, para wala ng makaagaw pa. Pero may side parin sakin, may sinasabi pa rin yung utak ko na hindi ko maipaliwanag. Parang sinasabi ng utak ko na di parin nakaka move on si Micah.

Pwede pala yun, puso lang masaya sakin hindi yung isip.

Habang naglalakad kami ni micah na naka holding hands at nag uusap tungkol sa kung ano ano, naka salubong namin si Kenrich na ex nya na may kasamang babae at nakaakbay pa ito sa babae.

ISANG MALAKING BIROWhere stories live. Discover now