Chapter 3

1.3K 23 1
                                    

~ I was captured the moment we met
Carried away with every word you said
It's a mystery how you got to me
I fell in the spell of your charms
With your siren's smile you caught me off guard ~

--

In his perspective...

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" binusinahan ko siya ulit para mapalingon siya. Pero tinignan niya lang ako ng masama

Hindi ko naman talaga siya intensyon na inisin pero nakakatuwa kasi yung reaction niya kanina nung nakita ko na nahihiya siya after siya ipakilala ni Trey kaya tinuloy tuloy ko lang

"Huy Bea!" No reaction "Bea!" No reaction "Beaaaaaaaaaaaaaaa---"

"Oo na oo na manahimik ka na dyan! Ang ingay mo masyado..." sabi niya habang magkasalubong yung kilay niya. Cute

Dumiretso siya sa likod ng kotse ko. At talagang gagawin pa akong driver nito

"Dito ka kaya sa harap? Para naman akong personal driver mo niyan..."

"Just drive. Pasalamat ka sumama pa ako sa'yo dahil mukhang wala talagang vacant cab ngayon. Tsaka malay ko ba kung masamang tao ka pala..." sabi niya while looking outside the window

Sasagot pa sana ako pero I choose not to dahil mukhang badtrip na talaga siya. Kaya nagdrive na lang ako

"Bea?" tinignan ko siya sa mirror ko and nakita ko na nakatulog pala siya. Sabagay puyat din 'to dahil anong oras ko na rin naman siya nakita sa Mcdo kagabi. Nagpark lang ako malapit sa JSEC and then turned around to see if she's awake, pero she's still leaning sa window

I tried to wake her up pa pero mukhang palalim na yung tulog niya. I looked at her facial features. She looks like an angel when she's asleep and calm, unlike kanina na parang gusto niya na akong tusukin ng tinidor niya. Ayan Thirdy ginalit mo kasi. Naalala ko na naman kung pano niya pinagbuntungan ng galit yung chicken niya kaya pumunta muna ako sa cr para magpakalma kasi tawang tawa na ako tas pagbalik ko wala na siya sa table. Pero focus muna Thirdy, anong gagawin mo dyan ngayon?

I looked at my watch and nakita ko na 12:50 na. Shoot may training pa ako ng 1:00. Tinitigan ko ulit siya. Ang ganda niya, pero hindi yun yung dapat kong iniintindi ngayon...

Dahil wala na akong maisip, I dialed Trey's number na lang

"Hello Trey?"

"Thirdy? What's up?" she said on the other line

"Uhmm I'm with Bea kasi, and she fell asleep sa car ko. What should I do ba?" I looked at her once again and masarap na talaga tulog niya, "Mukhang puyat kasi ehh, di ko magising..."

I heard her gasp and then she screamed like she's kilig "OMG BAKIT KAYO MAGKASAMA? I thought nagtaxi siya? Pano na si Sofia niyan?"

"Kalma! Ang OA ha. Nakita ko lang siya kanina sa tapat ng Mcdo and 'di siya makahanap ng taxi kaya I offered na makisabay siya sakin. I didn't know naman na makakatulog siya..." I explained to her

"Mas okay na rin yan. Kaysa naman sa taxi siya nakatulog, baka kung ano pang mangyari sa kanya..." may point din naman. I didn't know na antukin pala 'to masyado... "What do you need pala?" she added

"I have a practice kasi by 1 pm and medyo malelate na ako. Kaso di ko naman alam kung anong gagawin ko kay Bea. Di ko naman siya pwedeng iwan dito sa kotse ko..." I looked at her again... "May klase ba kayo?"

Misguided StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon