Chapter 11

1.1K 26 0
                                    

In her perspective...

Pagdating namin sa bahay nila, sinalubong kaagad kami ni Mommy Mozzy

"Bea! I'm so glad na naisipan mong maglunch ulit kasama kami.." nagbeso kami after and tinignan kaming dalawa ni Thirdy

"Oo nga po Mom ehh. I hope po 'di naman ako nakaistorbo today kasi family day po..."

"Ano ka ba, hindi ka nakakaistorbo 'no. Kahit anong oras mo gustong pumunta dito, welcome na welcome ka kasi part ka na rin ng family namin..."

Ngumiti lang ako and hinila naman na ako ni Mommy Mozzy papasok. Nakita ko na andun na sa table lahat at nagbeso silang lahat sa'kin

"Kamusta ka Bea? Di ka ba pinahirapan ni Thirdy kagabi?" tanong ni Dad sa'kin habang natatawang tumingin kay Thirdy

"Okay naman po Dad pero ang bigat nga po ni Thirdy ehh ang hirap akayin..."

"Ayy oo mabigat talaga yang si Thirdy. Sana hinulog mo na lang sa tapat ng bahay namin..." sabi ni Manong kaya nagtawanan kaming lahat except kay Thirdy na mukhang naaasar

"Wow salamat sa kind words guys. Andito kaya ako..."

Inasar pa namin si Thirdy kaya tawa kami nang tawa habang kumakain. Then after a while, nakita ni Dani na pareho kami ng color scheme ng suot ni Thirdy

"Wow matchy kayo ng outfits. Nag-usap?" nagsmirk naman siya and tinignan kami from head to toe...

Nakita ko na napahinto siya ng tingin sa feet part namin. Titignan ko sana kaso biglang nagsalita si Thirdy

"Ginaya ako ni Bea ehh. She said na hindi pa siya nakaayos nung tinext ko siya tas when she got out of their house, biglang pareho kami ng outfit..."

Tinukso naman nila kami dahil dun kaya hinampas ko ng mahina si Thirdy sa balikat

"Aba marunong ka na bumawi ahhh.." sabi ko kaya tumawa siya

"Ganun talaga Miss De Leon. Natuto ako sa'yo ehh..." pinangliitan ko siya ng mata pero walang effect kasi tumatawa pa rin siya

"Oh siya tama na yan. Mamaya mabasted mo na nang tuluyan 'tong anak namin biglang umiyak..." si Thirdy naman ngayon yung nanliit yung mata kaya nagsmirk ako

"Nga pala Bea, you have something else to do ba later?" tanong ni Mommy Mozzy kaya nag isip ako kung may gagawin ba ako

"Wala naman po Mom. Bakit po?"

"Ayan good! Sumama ka na sa'min magsimba..." napahinto naman ako. Napaisip ko kung kailan ba yung last time na nagsimba ako kasama sila Mommy at Daddy ko. Pero di ko na maalala kasi sobrang tagal na yata nun

"Are you okay Ate Bei?" I was brought back to reality nung nagsalita si Dani

"Ohhh.. Oo naman I'm fine. Sorry I spaced out.." I looked at Mommy Mozzy and smiled "Sige po Mom sasama po ako later..."

"Okay good!" pumalakpak pa siya sa sobrang tuwa

"Saan po bang church?" tanong ko naman para kung maiwan man ako, may idea naman ako kung paano uuwi

"Sa Gesu kami usually nagsisimba..." nag okay naman ako. Safe naman pala kasi alam ko naman yung way pauwi if ever

After namin kumain, nag ikot ako sa sala nila. Tinignan ko yung mga pictures sa table. Nakita ko yung pictures nila Thirdy nung bata pa sila and pati yung bata pa sila Mommy at Daddy. Tapos katabi nun, may nakita akong guitar na nakasabit sa wall

Misguided StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon