Monique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its association with organized crime.
Confronting numerous challenges both within and outside the academy, she c...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MONIQUE
"Labas ka na!" namuo na talaga ang luha sa mga mata ko.
Mabilis naman akong lumabas ng classroom.
Nanlalagkit na ako sa itlog na ibinatò sa'kin, mangiyak-ngiyak akong naglakad hawak-hawak ang bag kong galing basurahan kanina.
Saan ako tutungo? 'Yong ibang hindi pumasok sa klase nila ay nakatambay sa mga corridor, nahihiya akong dumadaan sa harap nila kasi pinagtitinginan nila ako at pinagtatawanan.
Saan ako tutungo nito?
"Gusto kong mapag-isa," wika ko sa aking sarili.
I feel frustrated and I want to be alone, wala naman sigurong hero ang kayang magligtas sa'kin mula sa pagkakaapi 'di ba? Ayaw ko lang kasing nangyayari ito.
Dumiretso ako sa banyo, walang katao-tao doon, naghanap ako ng panyo para ipamunas sa damit kong madumi, binasá ko ito at pinunas sa damit, naghilamos din ako at nagsuklay, kitang basá ang damit ko pero ayos lang 'yon, ang bag ko ay basá pa rin.
"Paano ako nito?"
"Haharap ako kina tita at tatay na ganito ang itsura ko?"
"Lalo't hindi pa nila alam na nakapaglipat na ako ng school"
Lumabas na ako at dumiretso sa rooftop.
Bago 'yon may nadaanan ako sa locker room na may binububully.
"HAHAHAHA!" tawa ng tawa ang tinig ng mga demonyong lalaki, kitang-kita ko mula dito ang lalaking may black eye at magá ang mukha.
Gustuhin ko mang tumulong ngunit natatakot ako.
"Anong gagawin ko?" bulong ko nalang sa sarili.
Umakyat mo na ako ng kaunti sa hagdan, pero may nakita akong softdrinks can kaya pinulot ko ito at binatò sa direksyon nila. Mabilis naman akong umakyat.
"Who's that?"
"Are you trying to distract us?" may biglang yabag na papalapit.
Mabilis kong sinarado ang pinto sa rooftop.
Nakakainis na talaga, pinalabas ko lahat ng galit ko, iniyak ko lang ng iniyak.
Sa sobrang galit ko parang sasabog na ako, pinipigilan ko lang, tipong mapapaiyak ka namang dahil hindi mo alam kung lalaban ka o manahimik.
"Palagi ko talagang iniisip kung bakit pa ako pumasok dito sa paaralang ito, paano ako nito? 'Yong itsura ko impossible namang sabihin ko kina tita at tatay na Hinabol ako ng isang doberman, kaya nag-amoy itlog ang damit ko, saka kape sa bag ko—nanay," napasambit nalang ako sa huling linya ng taong na mi-miss ko.
"Nay," wika ko ulit, saka hinawakan ang shell necklace ko.
"Miss na miss na po kita," saad kong muli, napatulò ang luha ko dahil sa lungkot, sa dami naming pinagdaanan sa buhay nananatili pa rin ang pananalig ko sa Diyos.