Chapter 2: Light

11 1 0
                                    

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nito kahit na ginugulo padin ang isipan ko sa mga nalalaman ko sa araw na ito. Grabe yung pagod ko. Umabot kasi sa kaduluhan ng kagubatan at duon namin nakita ang isang maliit na palasyo. Sapat ang laki para sa 20 katao. 

"Wow! Dito kami titira?" Sambit ng sa tingin ko ay pinakabata sakanila. Hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil sa katangahan kong sinabi kanina na ayaw kong malaman pangalan nila.

"Yeah, casa de ángel. Weird kasi parang itinayo lang ang palasyo na ito para sa mga anghel. Pero parang hindi naman ang anghel ang dumating kasi sa pagkakaalam ko walang anghel na hambog." Pang iinsultong sambit ko sa Leader nila.

"Says by the Queen who doesn't even have a king to be called a Queen." Pagbabalik insulto nito saakin. Aba't ang hinayupak lakas ng loob.

"So, what if I don't have a King? I don't need a King because I am busy with my own kingdom. Tsk!" Buwisit na ito! Paano naman kasi ako mag kakaroon ng King eh hindi nga ako nakakalabas ng Palasyo. Kahit arrange Marriage, wala. Well, that's what I love from my Dad. He never forced me to do something I don't want to do. Lumakad na ako patungo sa malaking pintuan ng palasyo upang patuluyin ang mga dayuhan na hindi ko alam kung saan nanggaling. Para silang ipinatapon ng kanilang Planeta papunta dito. Hindi ko pa alam kung sila ba ay kalaban o kakampi.

Sumunod naman sila saakin papasok. "Kayo ay tumuloy at huwag mahihiya. Feel at home. Kayo na ang bahalang libutin ang inyong mumunting palasyo. Kompleto ang mga kagamitan sa palasyong ito at malinis. Bukas na bukas asahan niyong may darating para sainyong mga damit. Sa ngayon iyan muna ang inyong suot. Pasenysa." Tumungo na ako ulit sa pinto. "Ako ay babalik ng muli sa Palasyo at magpapahinga. Hindi ko na muna kayo aabalahin ng katanungan sapagkat hindi na kaya ng aking pagod na pangangatawan tumanggap pa ng ibang impormasyon. Paalam." Hindi ko na sila hinintay pang sumagot dahil bukod sa kapagudan, hindi ako sanay sa presensya ng iba pang tao. Mas lalo lang akong nalulungkot dahil sa mga biglaang sumagi sa aking isipan. 

Pagkabalik ko sa palasyo tinungo ko kaagad ang aking kuwarto upang mag pahinga sa nakakapagod na araw. 

_____~~~~*~~~~_____


Mayroong batang babae at lalake na nakasakay sa napakagandang kalesa. Ito na naman. Bakit palagi na lang akong nandito. Napaka sweet nilang dalawa. Lagi din silang magkasama kahit saan. Laging pinagtatanggol ng batang lalake ang batang babae. Kailangan bang palaging ipamukha saakin na nagiisa ako? Na kahit magulang ay wala na ako pati pa kaibigan. 

"Hewmano, don't you evew weave me, 'kay?" Malungkot na saad ng bata.  

"I promise I won't. I'll always be here." Nakangiting tugon ng batang lalake.

Para akong nanunuod ng isang palabas kung saan tungkol ito sa dalawang magkapatid. Napakaganda nilang tignan. Para silang hindi mapaghiwalay kailanman.Ipinapamukha kung gaano ako nag iisa. Hanggang sa nagkaroon ng napakalakas na pagsabog.

"What is thwat?" Umiiyak ng sambit ng batang babae. Siguro nasa apat na taon ang agwat sa isa't isa. 

"Don't cry, everything will be alright. Mom and dad is taking care of it." Halatang kinakabahan ang batang lalake habang inaalo ang kaniyang kababatang kapatid pero nakangiti pa din ito sa batang babae upang iparamdam na ayos lang ang lahat at hindi na ito dapat pang isipin ng batang babae.

Lumabas ako ng kalesa na sana ay hindi ko na ginawa. Iniwan ako ng kalesa at naiwan ako sa gitna ng labanan. Kitang kita ko ang patayan na nagaganap. Sobrang daming dugo at mga patay sa paligid. Hanggang sa nakita ko na lamang na may mga dumating na mga nakaputi. Sa sobrang puputi nila hindi ko makita ang kanilang mga mukha. Para lang silang mga linawag. Sa sobrang liwanag, hindi mo na gugustuhin pang titigan kahit napakaganda at gwapo nila dahil nakakasakit sa mata ang liwanag na kanilang dala dala. Kinuha nila ang babae na kasama ng isang lalake. Hindi pumalag ang lalake na nakakapagtaka. Sinong matutuwa na kunin ang kaniyang kasintahan. Pumapalag ang babae ngunit ngumiti lamang ang lalake sa kaniyang kasintahan kaya wala ng nagawa ang babae. Umalis ang lalake at hindi ko na ito nakita pa. Biglang may tumatakbong batang babae. "Siya yung bata kanina sa kalesa. Anong ginagawa niya dito? Nasaan ang kaniyang kuya?" May isinisiagaw ito. "Thwey took my Kwuya!" Kaya pala nag iisa siya. Hanggang sa may narinig pa akong isang batang lalake nasumisigaw. "Tulong! Tulungan niyo ako." Umiiyak din ito at iniinda ang karamdaman. Punong puno ng dugo. Nilapitan ito ng btang babae at niyakap. "Thwey will hwelp us. Don't cwy." Pagaalo ng batang babae sa isa pang batang lalake. Hanggang sa dumating ang tulong ng tao kinuha nila ang batang lalake at batang babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MeteoroidsWhere stories live. Discover now